Yamang ako ay isang estudyante at magiging doktor, nais kong buksan sa lahat na ito ang bagay na hindi napag-uukulan ng pansin ng mga estudyante at lalo't higit ng mga guro. Sapagkat ang lahat ay abalang-abala at subsob ang ulo sa pag-aaral at pag-sunod sa mga ipinagagawa ng nakatataas. Subalit sa malaon at medyo matagal ko na ring inilagi sa loob ng paaralan ay naglakas-loob akong isatinig ang malaon ko na ring ikinababahala.
Ang alam kong itinuro sa akin sa elementarya, mataas na paaralan at ngayong sa kolehiyo na tayo'y nabubuhay sa gitna ng isang society.
A society is composed of school, church and family and these three are inter-related to one another.
Sinasabing ang pagkukulang ng isa ay nakakaapekto sa buhay ng isang tao.
Each institution has its own responsibility to an individual.
Datapwat kung papaanong ang simbahan, ang paaralan at ang pamilya ay may tungkulin sa paghuhubog ng isang tao ay gayun din namang ang bawat tao ay may tungkuling gampanan ang kanyang gawain sa paaralan, sa bahay at higit sa lahat sa Diyos.
Subalit sa nagiging takbo ng ating buhay at sa patuloy na pag-unlad ng mundo, ang lahat ay nagmamadali sa lahat ng gawain. Halos wala ng ipinagka-iba ang tao sa kalabaw sa trabahong ipinapataw sa katawan. Mapa-magulang at mapa-mag-aaral ay parehong patay-katawan sa paghahanap-buhay at pag-aaral.
Isang bagay ang malaon ko nang itinatanong sa aking sarili magmula nang ako'y magkaisip at tumuntong sa paaralan: "Bakit kailangan pang bigyan ng assignment o takdang-aralin ang mga bata? Hindi ba kaya tayo pumapasok sa eskwelahan ay para mag-aral sa LOOB ng eskwelahan? Bakit kinakailangan pang magbigay ng dagdag na gawain sa mga mag-aaral pagkatapos ng klase?
Hindi ba mula sa alas siyete ng umaga hanggang sa alas kuwatro ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes (sa amin hanggang Sabado) ay may tungkulin sila at sapilitang kinakailangang pumasok at dumating sa oras upang pag-aralan ang mga aralin sa loob ng eskwelahan? At pagkatapos ng maghapong pagod at pag-iisip ay nararapat lamang na ang tao ay mamahinga, sapagkat ang katawan ng tao ay ginawa ng Diyos na may limitasyon. Kung ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw ng paglalang hihigit pa kaya ang tao?
Sa naging tradisyon ng lahat ng paaralan na bigyan ng takdang-aralin ang mga bata sa araw-araw, ang isip at gawain natin ay nauukol nang lahat sa paaralan. Nakakalimutan nating tayo ay nilikha ng Diyos at nabubuhay hindi upang mag-aral lamang. Mayroon din tayong tungkulion sa Diyos at sa ating pamilya.
Tignan natin ang nagiging epekto ng pagbibigay ng dagdag na gawain sa mga estudyante:
Sa maghapon mong pagod, matutulog ka na lang sa gabi eh hindi ka pa makatulog nang may payapang kalooban sapagkat mayroon ka pang takdang-aralin na hindi nagagawa. Sabi ko nga, "Hindi na baleng mapagod ako sa buong maghapon, basta lang sa pag-uwi ko sa gabi, mayroon akong sariling kwarto at maayos na higaan" na kung saan ay masasabi kong tulad ni Rizal, "I may be tired as a dog but I will sleep like a god." At kung saan ay mayroon akong panagong makipag-kwentuhan sa Diyos na walang iistorbo.
Ano ang itinuturo ng simbahan? "Ang lahat ay may tungkuling magrosaryo sa gabi sapagkat iyon ang gusto ng Mahal na Birhen alang-alang sa ika-bubuti at ikapapayapa ng ating bansa. Papaano ka namang magdarasal ng rosaryo kung hilong-hilo ka na sa antok? Pag inuna mo naman ang pagdarasal ay hindi ka makakagawa ng assignment. Pag hindi ka naman nakagawa ng assignment papagalitan ka naman. Kung gagawa ka naman, bukas sigurado puyat ka. At pag napuyat ka, tiyak sasalubungin ka ng, Why are you late?"
Pag dating sa klase, hilong hilo ka sa antok, kaya maghapon kang nagsasayang ng oras sa pagkaka-upo mo dahil wala ka ring naintindihan sa maghapong pagtuturo ng guro. Kaya nagiging katwiran na lang ng mga estudyante, "Mag-aabsent nalang ako at matutulog sa bahay saka doon ko nalang pag-aaralan ang mga lessons ko."
Ano ngayon ang nangyayari sa oras ng inilaan sa maghapon para gugulin sa pag-aaral? Nasasayang, pero kung hindi napuyat ang mga bata, paggising sa umaga, presko ang isip, payapa ang kalooban, walang takot na pagagalitan ng teacher at handa ang isip na makinig sa mga panibago namang aral na sasabihin ng guro. And so we can heartily and sincerely say, "Enjoy ako sa pag-aaral." Ang edukasyon ay hindi magiging isang kalbaryo. Hindi na ito magiging isang parusa na buong buhay mo nalang papasanin.
"Education will then be a part of your leisure; not a work, not a burden, not a torture, not a problem."
God did not create us to devote our life only in school. Sometimes you also have to give yourself time to chat with God at night and meditate on the things you have done during the whole day. Can't you spare us a time to do away with our ballpens and paper?
Sa pag-uwi mo sa gabi, sa halip na salubungin mo ang mga kapatid mo nang may ngiti ay masasabi mong, "O walang munang iistorbo sa akin. Walang kakausap sa akin at walang mag-iingay. Marami akong gagawin. Mag-aaral pa ko. Bukas may test kami."
"How selfish we can become. We deprived our family of the most important thing."
Kailan pa darating ang araw na mapag-uukulan natin ng panahon ang ating mga kapatid? Kung kailan ba matatanda na tayo at pareho nang uugod-ugod at sasariwain ang nakaraang wala namang masasariwa? Hindi ba maaaring ibigay ang quiz kada-katatapos ng lecture (eto nangyayari sa samin)? Hindi kagaya ng karaniwang nangyayari ngayon. Magsasalita ng magsasalita ang guro sa harapan. Nakatunganga ang mga estudyanteng kunwaring nakikinig at bago matapos ang oras ay sasabihing "Tomorrow you will have a quiz on chapter II" Nasayang na yung oras dahil walang pumasok sa utak, pagdating pa sa bahay, hindi malaman kung anu-ano ang mememoryahin dahil sa haba ng chapter. Pagdating sa eskwelahan, nangangatog at walang kumpiyansa sa sariling masasagot ang mga tanong.
"What do you think is that thing which makes one intelligent, broad-minded and colloquial?" Hindi ba dahil na rin sa ginagawa niyang pagbabasa ng mga librong nakakaakit sa kanyang maimahinasyong pag-iisip? Papaano ka namang magkakaroon ng tinatawag na recreational reading kung tambak ang trabaho mo at ni halos hindi mo ma maayos ang sarili. Ang nangyayari tuloy kahit assignment na binibigay na, "Basahin ang libro ni William Shakespeare." ay hindi na nagiging recreational reading sa estudyante. Ito ay nagiging intensive reading sa kanila, na sapilitang iniintindi para lang makatupad sa requirement.
The school, family and church must be given equal attention. Will you excuse your children in going to mass on Sundays because they have to finish their school works? If not, then, school works must be done in school only; and family duties must be attended for the welfare of the family; and lastly duties to God must be given first priority. If tomorrow you'll be dead, can you offer this headache and tired bodies to justify the time we had neglected our duties to our family and God?
Does neglect on the part of the parents, which is to have an everyday dialogue with their children, contributory to the youth's inclination to drugs and other vices?"

BINABASA MO ANG
Takdang aralin / Assignment
Non-Fiction"Bakit kailangan pang bigyan ng assignment o takdang-aralin ang mga bata? Hindi ba kaya tayo pumapasok sa eskwelahan ay para mag-aral sa LOOB ng eskwelahan? Bakit kinakailangan pang magbigay ng dagdag na gawain sa mga mag-aaral pagkatapos ng klase?