ENTRY #2: Goodbye.
sa pag-ibig...
Pwede ba yung mga second chances?
Yung tipong...
Ang laki na ng nagawa mong kasalanan sa isang tao?
Na sobra mo siyang nasaktan?
Sinaktan mo siya, dahil hindi ka nag-iisip sa desisyon na ginagawa mo...
Pwede bang...
Baguhin ang isang desisyon, na malaki ang nabago sa sarili mo?
Pwede bang, bigyan pa ng isang pagkakataon ang isang bagay na...
Imposible nang manyari?
---
ako si Alisa...
Sabi nila, maganda, matalino at mabait ako...
Well yun din naman ang tingin ko sa sarili ko eh.
Habang nakikinig sa music sa cellphone ko, naglalakad ako papuntang antlers...
Dun ginaganap yung PE namin...
At habang nasa daan ako...
"Alisa."
napatingin ako sa tumawag sakin...
"Jherome?"
lumapit siya sakin at inakbayan ako...
Hinawakan ko yung kamay niya...
"diba may sasabihin ka sakin?"
"h-ha? Mamaya na lang..." nagkibit balikat lang siya at naglakad na din kami...
***
"MHAY!" pasigaw na tawag sakin ni Ana...
Kaibigan ko, kasabay niya si Ezza at Mary.
Haaay!
Naupo ako sa may upuan ko at pinatong ang ulo sa may table...
Pumalibot sila sakin...
As in lahat sila!
"nag-break na kayo ni, Jherome?"
umupo ako ng ayos at humarap sa kanila...
Tumango ako at ngumiti ng matamlay...
"bakeeeet? Anyare ba?"
kinwento ko sa kanilang lahat yung nangyari...
"ganon? Grabe! Ang babaw ah!"
"eh, mahirap naman kasi eh... Alam mo yung mahal mo, pero wala ng spark?"
tumingin lang sila sakin na may ekspresyon na nagsasabing...
'hala?'
"spark ba kamo? Tara dali, bibili ako ng sandamakmak na fireworks! Babaw mo!" -Abigail
haay nako, hindi nila ako naiintindihan eh...
Oo mahal ko si Jherome, pero di naman sapat na mahal mo lang ang isang tao no, dapat may spark.
Natapos ang klase na nakatitig lang ako sa cellphone ko...
Haaay. Bat ba ako naghihintay sa text niya? Jusko naman Alisa! Nakipagbreak ka tapos hihintay hintay ka ngayon sa text niya?
Baliw lang?
Haaay. Grabe, last school year pa yon ah. Nung last day ng classes...
"ano ba yun, Alisa? Nung isang linggo pa yan ah..." sabi niya ng nakangiti...
