Meeting HerIsang umaga tahimik ang kalsada patungo sa eskwelahan. Isang estudyante ang tumatakbo nang mabilis.
Sa section 2-B.
"Mr. San Agustin.." tawag ng teacher sa isang lalaki na natutulog sa klase niya.
"Mr. San Agustin! Naririnig mo ba ako?" nakakunot na ang noo nito sa pagkatitig sa estudyante.
"Paano nya naman kayo maririnig sir, eh natutulog nga diba!?" sagot ng isang estudyante na nakaupo sa likuran nong natutulog na estudyante. Naglalaro ito ng rubics cube, hindi man lang nakatingin sa teacher nila. Focus lang ito sa pagbuo.
"Isa ka pa Mr. Andrews! Hindi ka rin nakikinig sa mga lesson natin. Puro ka na lang laro! Akin na nga yan!" Biglang kinuha ang rubics cube.
"tsk. nanahimik lang naman ako dito ah."
"Hindi nyo na ako nirespeto na teacher nyo!" Pasigaw na sabi ni Mr. Serna.
"ANO BA ANG INGAY!" Sinipa ang desk sa harap niya. Napapitlag naman si Mr. Serna sa gulat.
" Aba't..!! Lumabas kayo dito sa klase ko. Ngayon din! Labas!!" Nangigigil na sigaw niya.
"Yes! ang aga nyo naman magpa dismiss sir! Salamat huh, ang boring kasi eh." sabi ni Andrews.
Tahimik na tumayo si San Agustin, at kasama nyang lumabas si Andrews sa classroom.
.
.
.
.
.
"Late na ako!! late na ako!!!" Ang kanina pang sabi sa kanyang sarili ng isang estudyanteng babae habang tumatakbo.
.
.
.
.
Naglalakad na palabas ang dalawa sa building.
"Tambay tayo kina Nat" suhestiyon ni Siege kay Livi.
"Tawagan mo" Isinuot ang headset ang nauna ng naglakad.
Kinuha ni Siege ang kanyang cellphone at nagtext. Sa kanilang paglalakad nakasalubong nila ang isang babae na tumatakbo papunta sa school building. Walang lingon-lingon itong patuloy sa pagtakbo. Nagkasalubong ang dalawa, nasagi nang babae ang balikat ni Livi. Tumigil sa paglalakad si Livi, at si Siege na hindi nakatingin ay nabangga sa likuran ni Livi.
"May problema?" tanong ni Siege.
"Hoy!! ikaw!!" sabi nya ng hindi man lang lumingon.
Napalingon si Siege sa may likuran nya. Napatigil din ang babae at nilingon ang dalawang lalaki.
"Ako ba kinakausap mo?" itinuro ang sarili.
"Meron pa bang ibang tao dito bukod sa'tin?!" Hindi parin lumilingon.
"Ahh.. okay. Anong kailangan mo? Pwedeng pakibilisan? Late na kasi ako eh." Napakamot sa kanyang ulo.
"Magsorry ka"
"huh?? Ako? Magsosorry?Bakeeet?"
"Binangga mo ako"
"huh?????? kailan??"
"Ngayon lang!!"
"ehhh!" Nagpapadyak "Hindi naman kita binangga ah. baka iba ang bumangga sayo at hindi ako."
Galit na galit na nilingon ni Livi ang babae.
"Pag sinabi kong magsorry ka, magsosorry ka dahil kung hindi baka pagsisihan mo ang araw nato." mahinang nitong sabi pero ang mga mata ay puno ng galit.
Hindi sumagot ang babae, tahimik lamang itong pinagmamasdan si Livi. Bumuntong hininga ito saka..
.
.
.
.
.
"AYOKO NGA!!!!! BLEEEHHHH!!!"
sabay takbo papasok sa building.
(0_o)