Tinignan ko yung phone ko. Time check. 3:30 pm. Ngumiti ako at parang automatic nang naglakad yung mga paa ko papunta sa playground. Abandoned playground, to be specific. Dun ako dumiderecho pag galing akong school. Pagdating ko, umupo ako sa swing na batak batak na yung painting na ako nalang nga ata ang nakaka-appreciate.
Pinagmasdan ko yung palagid. Yung slide na di na pwedeng puntahan dahil naputol yung hagdan. Yung screeching seesaw dahil kinalawang na. At ang swing na kinauupuan ko ngayon. Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto kong pumupunta dito. Ewan pero feeling ko talaga napakapeaceful sa lugar nito. Walang maingay, walang mangengealam sayo, walang manggugulo. Tinignan ko naman ulet yung phone ko.
"Yes! 3:45 na!" Excited kong sabi.
A minute or two, dumating na sya. Sya din ang isa sa mga dahilan kung baket andito ko araw-araw. Naglakad sya padirecho sa isang bench. Pinagpagan nya muna bago sya umupo. Pumikit sya, tapos tumingin sa taas sabay ngiti. Hindi ko alam pero parang ang lungkot ng ngiti nya?
Pero here's a fact, hindi pa kami nakakapag-usap nyan. Well, one time. Nahulog kasi yung panyo ko sa bulsa kaya kinausap nya ko.
**
"Miss, panyo mo."
Inabot ko yun sakanya tapos bigla kong naramdaman yung kamay nya. Gusto kong tumili at magtalontalon pero hindi pwede kaya pinigilan ko yung kilig ko. Infairness ha, ang hirap magpigil!!
"T-thankyou." Yun nalang yung nasabi ko tapos tumango sya at nag half-smile. Putek!! Ang pogi nya talaga!
**
End of flashback. Kinikilig tuloy ulet ako! Kaso nakakainis, hindi manlang inalam kahit pangalan ko! Buti nalang ako nalaman ko yung pangalan nya. Nakita ko yung ID nya kaso pangalan nga lang kasi tumalikod agad sya kaya di ko na naabutan yung apelido. Hmp!!!
Unti-unti nyang dinilat yung mata nya kaya ako, nagmadali umiwas ng tingin. Shet naman no, expert nako dito! Araw-araw ko ba naman ginagawa eh.
Pipikit sya, tititigan ko sya ng sobrang tagal, didilat sya, iiwas ako ng tingin.
"Zeek..." I heaved a deep sigh.
Hi. I'm Trixie by the way. Trixie Ferrer. 16. Current status? WaitingForHimToNoticeMe. Pero parang hanggang magkwarenta na ata ako, di parin nya ko papansinin!
Tapos yung gusto ko pala. Sya si Zeek. Kung idedescribe sya, he's not much of a headturner. Pero pogi sya, kung pagmamasdan. Tamo ko, poging pogi na sakanya. Hobby ko na atang pagmasdan yan eh. To add more information, sya nga po pala ay isang manhid. Well hindi ko naman sya masisisi kasi hindi naman ako nagpapansin sakanya. Pero kahit na no! Kahit number ko man lang, hingin nya! Ganun ba talaga ko kapanget? Eh alam ko din naman na kahit papano, maganda rin ako. Marami-rami ding nanliligaw sakin sa school. Isa na si Rain, certified heart-throb ng campus. Pero wala akong pake sakanya, kay Zeek lang ako. Hay nako trixie, si Rain nalang kaya? Baket ba kasi si Zeek? Nabaliktad ba yung utak at puso ko at sya yung pinili?!
Sa sobrang kakaisip kay Zeek, nakalimutan ko tuloy panuorin si Zeek habang nagdodrawing. Ano ba yan! Puro nalang ako Zeek! Wala ba kong ibang bukambibig? May sakit ba ko na Zeek syndrome?! PWES KUNG SAKIT MAN TO, GUSTO KO NANG GUMALING!
Sumulyap ako sakanya. "Hays, tapos na nga talaga sya magdrawing."
Tinago nya na yung pencil sa bulsa nya at bigla kong narinig na nag- ring yung phone nya. Sinagot nya yun. And seconds passed, his face suddenly saddened. Ano kayang nangyari? Binaba nya agad yung tawag tapos yung mukha nya, parang galit na paiyak na ewan. Mixed emotions ganun. Tumayo sya, pinunasan yung dalawang mata nya tapos biglang tumakbo palayo.
Alam nyo yung feeling na gusto mo syang sundan tapos yakapin ng sobrang higpit? Para i-comfort sya at sabihin sakanya na lahat ay magiging okay.
"Zeek, I'll be right here waiting for you."
Tumayo ako at ready na ding umalis. Napatingin ako dun sa inupuan nya at nagulat. Naiwan nya yung sketchbook nya?!
"OMG!" Tinakpan ko yung bibig ko dahil baka tumili ako pero seryoso? Lumapit ako dun sa bench para ma-sure, mamaya kung ano lang pala yon eh. Pero oo nga, yun nga yun!
"IT'S DEFINITELY ZEEK'S MAGNIFICENT SKETCHBOOK!"
Pero nanlumo ako bigla. Siguro sobrang bigat ng problema nya dahil pati to nakalimutan nya. Like duh, parang ang precious precious kaya nito sakanya... Nakipagbreak kaya yung girlfriend nya kaya pati sketchbook nya naiiwan nya na?
NOOOO! ANONG GIRLFRIEND? AKIN LANG SI ZEEEEEEK!!!! >_____<
Pero on the positive side, masosoli ko to sakanya dahil makikita ko sya bukas. Tapos makakausap ko sya! For the second time!!!! Pero sisiguraduhin ko na this time, tatanungin ko na pangalan nya para kunware diko alam. Parang to start a nice conversation lang ganun. Napangiti ako.
"Magkakausap kami, magiging close kami ng sobra, liligawan nya ko, sasagutin ko sya, magiging kame, ikakasal kami at syempre magkakababy!!!"
Sinampal sampal ko bigla yung sarili ko. Hinay hinay sa imaginations, trix.
PERO SHET! KINIKILIG TALAGA KO PARANG GUSTO KO NA AGAD MAG BUKAS PARA MAKAUSAP KO SYA!
Pero syempre, kaylangan ko muna makita ang mga magagandang drawings nya. Agad agad akong umuwi sa bahay at dumirecho sa kwarto. Umupo ako at tumili ulet bago buksan yung sketchbook.
Nung nakita ko yung first page, nagulat ako. Ini-scan ko yung iba pang pages and I was totally speechless.
"A-ako ang dinodrawing nya since then?!"
BINABASA MO ANG
Sketchbook & Codes.
Short StoryAs they say, expect the unexpected. (This is a oneshot story. Or twoshots kasi baka mapahaba. Please, read this one. Pleaase? It's my second fanfic by the way. Thankyou. Votes and comments too. Godbless. Lovelots guys.) Yza