Episode 1

4 0 0
                                    

"Janinahhhh. Tang-ina bakit ba nag alarm alarm ka pa. Bulahaw yan" pani igaw ng tiyahing si aling Suling sa pamangkin sabay sipa nito sa binti ng natutulog na pamangkin.
"Aray tyang ang sakit naman" sabay kuha sa cellphone  para ioff ang alarm.
"Aba'y tumayo ka na para magtrabaho para naman makabayad ka ng utang na loob mo sa amin. Aba'y ilang taon ka na ba naming palamunin? Isama mo pa nung nabubuhay pa yang ina mo. Wag kang aangal angal dyan baka samain ka na naman sa akin. Tayo!." pasigaw na sabi nito.
Kahit halatang nanghihina pa ay tumayo na si Janina.

Halos gabi-gabi na lang ganito ang sitwasyon nya sa bahay ng tyahin. Ulilang lubos na si Janina. Hindi nya na nakita ang ama at ang ina naman nya ay namatay nung siyay walong taong gulang pa lang. Nakakatandang  kapatid ng kanyang ina ang tyahin. May limang anak ito na mas matanda pa sa kanya ngunit puro batugan at walang ginawa kundi mag hithit ng shabu at minsan ay nagtutulak pa ng bawal na gamot. Tyahin nyang naturingan ngunit kahit minsan ay hindi niya naramdaman na may malasakit ito sa kanya. Lalo na sa kanyang ina nung nabubuhay pa ito bago gupuin ng sakit na TB.
Nasa tabi ng estero sa Tondo sila nakatira. At alam naman na kapag sa tabong eatero, skwater ang tawag sa inyo. Sobrang liit ng bahay ng kanyang Tiyahin ngunit sanay na silang nagsisiksikan.
Pagbaba niya sa makipot na hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang Tiyo Ador na sa tuwing titingin sa kanya ay akala mo hinuhubaran sya. Mabuti na lang at sa gabi ang trabaho niya kaya hindi ito makalapit sa kanya kung araw habang natutulog siya.
Matapos maligo at magbihis ng maong na short at sleeveless na blouse ay kinuha nya na ang bag na nilalagyan niya ng mga damit na sinusuot sa club.
Oo sa edad niyang disesyete anyos ay isa siyang dancer sa club na malapit sa Pier. Hindi naman exclusive ang club ngunit dahil sa lokasyon nito ay maraming mga may sinabing kustomer ang dumadayo.

"Andyan ka na pala Janina. Bilisan mo at may kustomer ka na sa room 101." Si Mr. De Castro ang manager ng club.

"Ang aga naman boss." sabi nya na tumingin sa relos na suot. 8pm pa lang.
"Ganon talaga. Pagbutihin mo para makarami tayo." sabi nito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa iyo Lang Ako MagpapaibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon