V

1.1K 56 4
                                    


-V-

"Aramis!" Humahangos si Carter na pumasok ng classroom. Nagkakandahulog na sa dami 'yung mga folders na dala niya. "Ano'ng nangyari? Nakita ko, kasama mong pumasok si Vincent Sin--"

"Nakita mo ba si Lindsay?" sabi ko agad bago pa niya 'ko ma-interrogate.

"Tumawag siya kanina," sagot niya. "Inatake na naman ng allergies kaya hindi siya makakapasok ng ilang days."

"Okay lang ba siya?"

Natawa siya. "Actually, hindi. Tinutubuan siya na malalaking pantal at namamaga na parang lobo ang mukha niya. Pero... hindi naman delikado. Bakit?"

"May itatanong lang sana 'ko sa kaniya. Uhm... para saan 'yan?" tanong ko, nakatingin sa mga folder.

"Ito? Ah... report."

"Second day pa lang ng school, Carter. May report na agad?"

Nagkamot ng ulo si Carter, tatawa-tawa. "Ang totoo niyan, may iba kasi sa'tin na medyo tagilid ang grades last year. Kaya kailangan mag-pass ng report para sa extra credit. Remedials, gano'n."

"Ikaw, kailangan ng remedials?"

Timing naman, may tatlong cheerleaders na pumasok sa room at lumapit sa'min. Bleached ang buhok nila, parang Barbie, at halos kulay orange na ang mga balat nila sa pagka-tan. Biglang tumahimik ang classroom. Lahat ng classmates ko natulala sa mga cheerleaders. Mukha silang timang. Kulang na lang sambahin nila 'yong mga Barbie.

"Hi, Carl," bati no'ng pinakapayat na nasa unahan. "'Yan ba 'yung term paper namin?"

Kinuha niya 'yung mga folders bago pa man makasagot si Carter.

"Dapat no'ng last term pa namin nai-pass 'yan," sabi naman no'ng isa. "Buti na lang understanding sa'ming mga athletes si Mr. Simpson."

"P-pasensya na," nauutal na sagot ni Carter.

Ngumiti silang tatlo nang sabay. Parang rehearsed. Then, sabay-sabay din silang tumalikod at rumampa palabas.

"Actually, Carter ang pangalan ko," bulong niya kahit wala na siyang kausap. 'Yong itsura niya, akala mo nakakita siya ng artista. "Ang ganda talaga niya..."

"Wow, Carl," sabi ko. "Kung nagtayo ka pala ng factory ng homework, 'di ba dapat may bayad?"

Napansin ko'ng pumasok ng room si Vincent at umupo sa desk niya.

"Makikita mo, Aramis Rayne," sagot ni Carter, ngiting-ngiti. "One of these days, magbubunga lahat ng paghihirap ko at mai-invite din tayo sa epic pool parties ni Mira Webber. At kapag nangyari 'yon, magiging part na rin tayo ng 'It Crowd.'"

Natawa si Vincent. Nakikinig pala siya sa usapan namin.

"Ano'ng nakakatawa?"

Medyo napalakas yata 'yung pagkakasabi ko no'n kasi naglingunan sa'min ang mga kaklase namin. Nagsimula silang magbulungan. Kung makatingin sila kay Vincent, akala mo may dala siyang kung anong delubyo.

"Wala," sagot ni Vincent.

Nagsuot siya ng headphones, dumukdok sa desk niya saka pumikit.

"Ano ba'ng nagawa sa'yo ni Vincent Sinclair at tinarayan mo siya kanina?" tanong ni Carter pag-upo namin sa table sa cafeteria.

Sumubo ako ng mashed potatoes. "Tatlong dahilan. Sobrang yabang niya. Natutulog siya tuwing Spanish tapos hinahayaan lang siya ni Miss Cruz. At sobrang yabang niya."

Umiling si Carter. "Kung nandito lang si Lindsay, maghi-hysterical 'yon. Hindi sa naniniwala ako sa mga rumors dito tungkol diyan sa Vincent na 'yan, but if I were you, hindi na'ko makikipag-usap sa kaniya. As in like, ever."

"Ano'ng rumors 'yon?"

Umusod palapit sa'kin si Carter saka yumuko. "Narinig mo na ba 'yung tungkol kay Hazel Hemlock?"

"Medyo."

Tumingin siya sa paligid para i-check kung may nakakarinig sa kaniya. "Ang huling nakausap niya dito sa school bago siya namatay ay walang iba kundi si Vincent. Wala akong maibibigay na logical explanation pero... si Ben Moore; nakipag-usap din siya kay Vincent bago namatay ang lolo niya. Si Kelly Richards din. Nanghiram lang siya ng piano sheet kay Vincent. Kinabukasan, namatay ang nanay niya. Sila Charity Fenton, Lauren Chase, Tim Powell, at marami pang iba--nakipag-usap sila kay Vincent and after one or two days, may namatay sa pamilya nila."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Si Vincent lang ba'ng nakausap nila? Hindi mo pa ba narinig 'yung sinasabi nilang coincidence?"

Umikot ang mga mata ni Carter. "Bihirang magsalita 'yang si Vincent. Saka 'yong mga estudyanteng namatayan--halos lahat sila, sinasabi na si Vincent ang unang kumausap sa kanila. Nangangamusta raw. Nagtatanong tungkol sa mga family members nila. Sabi nila, may kung ano'ng kamalasan daw na kinakalat 'yan. Karamihan sa mga biktima, natulog lang tapos hindi na nagising. Coincidence nga lang ba? Walang makakapagsabi. Pero para safe, iwasan mo na lang siya, 'okay?"

"Okay po."

"Bukod pa do'n, lahat ng babaeng nagkakagusto sa kaniya, binabasted niya agad--kahit 'yong pinakamaganda sa school."

"Pinakamaganda?" siniko ko siya sa tigiliran. "Pinakamaganda, as in si Mira Webber?"

"Exactly."

Natawa kami pareho.

"Pero seryoso," dagdag niya. "Kung ayaw mong pumunta sa lamay, or worse, mabasted sa harap ng buong school, makinig ka sa'kin."

"Don't worry. Besides, hindi ko kailangang pumunta sa lamay kung ako 'yung pinaglalamayan, 'di ba?"

Namutla siya sa sinabi ko.

"Joke 'yon, Carter."

"Ah... ha-ha."

Papunta kami sa Trigo class no'ng nakita ko sila Vincent, Vladimir at 'yong Asian girl kaninang umaga. Seryoso silang nakikinig sa kung anuman ang sinasabi ni Vladimir, pero 'yong girl nakatingin lang sa sahig.

"'Yon si Mei," paliwanag agad ni Carter nang mapansin niyang nakatingin ako sa girl. "Zhu Xi Mei. Junior exchange student siya. Weird lang kasi, hindi na siya bumalik sa Beijing. Tingin ko, sila na no'ng mas batang Sinclair."

"Ah, si Vladimir?" Hinila ko si Carter palayo nang mapatingin si Vincent sa direksyon namin. Binilisan ko ang paglalakad.

"Oo. Wait. Magkakilala na kayo?"

"Mahabang kuwento. Masyado naman yata siyang bata para sa Senior High School."

"Accelerated daw," matabang na sagot niya. "Akala mo naman kung sinong genius. Gusto siya ng mga teachers pero walang gaanong nakikipagkaibigan sa lokotoy na 'yan. Dahil sa kuya niya."

Marami pang kuwento si Carter; about sa magkapatid na Sinclair, sa mga freak accidents, sa mga pagkamatay ng nali-link kay Vincent. Hindi naman sa naniniwala na nga talaga 'ko sa mga kababalaghan, pero sa totoo lang, naba-bother na'ko. At kung totoo nga ang sabi nila, dapat siguro, isipin ko na rin kung pa'no ako makakaligtas sa 'sumpa'.

"May gagawin ka ba after class?" sabat ko habang nagkukuwento siya.

"Magde-date kami ng homework ko ng six o'clock. Pagkatapos, 9 PM naman ang appointment ko with save-the-world-from-Global-Warming project nila Mira Webber."

"Ayusin mo'ng schedule mo. May pupuntahan tayo."

Nag-blush si Carter. "I-ibig mong sabihin... niyayaya mo'kong lumabas?"

"Obviously. Pa'no 'ko makakapunta kina Lindsay nang mag-isa?"

"Ah..."

Reapers Trilogy (Tagalized)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon