VI

500 34 2
                                    


-VI

Sakay ang pulang Volkswagen Beetle ni Carter, pinuntahan namin ang bahay nila Lindsay. Nag-park kami sa isang apartment complex sa Fountain Springs. Dalawang floors ang building, gawa sa kahoy. Gray na ang dating white-wash nitong pintura. Iba't-ibang kulay ang mga telang nakasabit sa mga balkonahe bilang panangga sa init ng araw.

"Tandaan mo," simula ni Carter. "Kapag hinulaan ka ni Mrs. Moseley, 'wag kang maniniwala agad."

"Copy."

"Naalala ko tuloy no'ng una kong pumunta sa bahay nila Lindsay." Napangiwi si Carter. "Sabi ni Mrs. Moseley, huwag daw akong lalabas sa ninth birthday ko kasi maaaksidente daw ako. Binigyan pa naman ako ni Mom ng tickets sa amusement park. Tuloy, sinama ko si Lindsay do'n at buong araw kami sa Horror House. Hindi kami lumabas hanggang gumabi. Natakot talaga 'ko... na maaksidente, hindi sa Horror House."

"Sabi mo eh."

"At kahit ano'ng mangyari--"

"Huwag kakainin 'yong fortune cookies na gawa ni Mrs. Moseley," sabi ko, bago pa man niya ulitin for the fifth time. "Kung hindi, masisira ang tiyan ko at hindi na'ko kakain ng cookies kahit kailan. Alam ko na nga."

Manghuhula ang nanay ni Lindsay. Obvious naman. Muntik na'kong masakal ng mga bead curtains sa pinto pa lang ng apartment.

Isang maliit at bilugang babae si Mrs. Moseley, hindi katulad ni Lindsay na payat at matangkad. Pero bukod do'n, malamang, minana na lahat ni Lindsay sa kaniya: blue eyes, kulot at blonde na buhok, freckles, pati 'yung colorful na pananamit at pagsusuot ng kung anu-anong crystal na alahas.

Pinag-aalis muna ni Mrs. Moseley ang mga charms na nagkalat sa sofa bago niya kami pinaupo ni Carter.

"Lalabas na si Lindsay, hintayin niyo na lang," sabi niyang nakangiti. May inilapag siyang plato ng fortune cookie sa lamesa. "Cookies?"

Nagtinginan kami ni Carter.

"Thanks po, pero kakakain ko lang," sagot agad ni Carter.

Pinilit kong ngumiti. "May dala po kaming mango tarts para kay Lindsay."

Pag-abot niya ng box, nahawakan niya ang kamay ko. "Paborito ni Lindsay. Salamat, Aramis."

"P-papaano ninyong--"

"Nalaman ang pangalan mo?" Yumuko siya at binulong, "Manghuhula ako, hindi ba?"

Lalo nang hindi mapakali si Carter sa kinauupuan niya. "Pupuntahan ko lang si Lindsay sa kwarto niya. Antagal eh."

Bago pa man ako makapagreklamo, nagtatakbo na siya paalis.

Paglingon ko, nakatayo pa rin si Mrs. Moseley sa harap ko. Walang anu-ano, kinuha niya ang kamay ko at pinagmasdan ang palad ko. Biglang nawala ang ngiti niya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Nakakatakot," sabi niya.

"H-hindi po ako magpapahula." Sinubukan ko'ng hilahin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak dito. Napansin kong nanginginig siya.

"Nakakatakot," ulit niya, nangingilid ang luha habang nakatitig sa palad ko. "Pero makinig ka, Aramis: kahit ano'ng mangyari huwag kang papasok sa Gates. Huwag na huwag mong iiwan ang katawang ito... ang katawan mo. Kung hindi, napakasama... napakasama ang mangyayari at walang makakaligtas. Wala. Kahit na ang mga taong mahalaga sa'yo."

Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Napaupo siya sa sofa, itinakip ang mga kamay sa mukha niya at saka humagulgol.

"A-ano po'ng ibig n'yong sabihin, Mrs. Moseley?"

Reapers Trilogy (Tagalized)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon