Having a sibling is a wonderful gift from God. Mapa- isa, dalawa o isang dosena pa yan. It doesn't matter! As long as you have a brother or sister.
Yung mga ate natin, sila yung nag- aayos parati ng buhok mo. Yung magigi silang hair stylist para gawan ka lang ng fish braid, messy bun or pig tails; makasabay ka lang sa mga buhok ng kaklase mo. Minsan nga, nagpaparamihan nalang kayo ng sanrio o pampuyod ng mga kaklase mo. And you even believe that you are DIVA, wearing those countless pins. Pagdating naman sa crush mo ay siya ang unang nagiging ka chikahan mo. Pag may kaaway ka naman eh siya rin ang nagiging kakampi mo para awayin yung nagmamalditang kaklase mo.
Habang ang mga Kuya naman, sila yung unang mang- aasar sayo at tatawagin ka nang kung ano- anong pangalan. Tapos kapag yung kaibigan naman niya ang nang- aasar sayo ay siya pa yung unang magagalit. Umabot na rin kayo sa puntong napatawag kayo sa Principal's Office dahil sa pakikipagsuntukan niya nang may nang- aaway sayo. Sounds crazy right? Minsan nga naiisip mo kung mahal ka talaga ng kuya mo dahil sa paulit- ulit na pang- aasar na ginagawa nito. Siya o sila rin yung taong tawang- tawa kapag umiiyak kana. Pero sila rin yung nakakatakot magalit lalong- lalo na ang pag may nang- aaway sayo. At hindi lang iyan, dinaig rin nila ang mga tatay natin kapag may umaakyat ng ligaw.
Ang sarap lang sa pakiramdam kung paano tayo napapatawa at napapaiyak ng mga kapatid natin. At ang sarap sarap siguro sa pakiramdam na alam mo na mahal ka ng kapatid, o mga kapatid mo. Hindi katulad ko.
Haay. Sana ako ganon din. Maliban kasi sa masasakit na salita na naririnig ko mula sa bibig ng kuya ko, nandiyan rin yung pagsipa nito, pagbugbog, pagsampal, at pagsabunot sa akin. Hindi rin mawawala ang pang- aasar na ginagawa nito.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin lalong lalo na sa bagong pasa na nasa labi ko. Pinahid ko ang tumigas na dugo dahil na rin sa napakalakas na sampal na binigay sa akin ng kapatid ko.
Dati, palagi akong umiiyak dahil hindi ko magawang paniwalaan na nakaya ni kuya na gawin ito sa akin. Pero sa tagal ng panahon na nararanasan ko 'to ay parang naubusan na ako ng luha. Hindi na rin ako ganon nasasaktan dahil kagaya ng sinabi ko pati ata yung emosyon ko ay tuluyan nang nawawala. Pero yung pagmamahal ko sa kapatid ko ay hindi man lang nabawasan.
Sa lahat ng natanggap kong sampal, bugbog o sipa sa katawan. Ang masasabi kong pinakamasakit sa lahat ay ang mga salitang binibitawan nito, magmula pa nung mga bata pa kami at tandang- tanda ko pa ang lahat.
"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito at sinundan mo pa ako?!" galit na galit na sigaw ni kuya nang makita ako habang naglalaro sila ng teks
"K-kuya gusto ko lang naman sumali sa laro niyo eh!"
"Umuwi ka na nga!! Tingnan mo tuloy natalo ako!!" pagtataboy nito sa akin
"Eh kuya..."
"UMUWI KA NA SABI!! HINDI MO PA BA MAINTINDIHAN NA KAYA NATALO AKO DAHIL MALAS KA SA BUHAY KO!! SANA HINDI KA NA LANG NABUHAY!! MAMATAY KANA!!" galit na sigaw ni kuya saka tinulak ako ng malakas na naging dahilan nang pagka bagsak ko.
Agad namang bumuhos ang luha ko nang makaramdam ako ng kirot sa palad ko. At doon ko lang namalayan na may mga maliit na bato na nakadikit sa balat ng kamay ko at dumudugo na ito. Pero hindi iyon ang dahilan para mas lalong madurog at umiyak ako ng husto. Yun ay nang pagtawanan ako ni kuya at nang mga kaibigan nito.
"Umiiyak ka na naman?! Konting gasgas lang umiiyak kana?! Ang arte mo talaga!! Tapos magsusumbong ka na naman kina mama at papa?! Haha. Palibhasa mahina! Masyado kang pabibo kina mama at papa!" pasigaw na sabi nito saka muli akong sinipa sa binti
BINABASA MO ANG
Kuya One-Shot Story
Teen Fiction[One Shot Story] Paano kung may kapatid ka na akala mo siya ang magmamahal at magtatanggol sayo? Pero sa hindi mo inaasahan ay siya pa pala ang unang mananakit sayo. Kayanin pa kaya ng puso mo na mahalin ang kapatid ko sa dami dami ng pagkakamaling...