Chapter 1 ( bakit ganito?)
Nong bata ako, lagi ko nakikitang nag aaway si mama at papa ko. ewan ko ba kung anung pinag aawayan nila at bakit halos araw-araw nalang sila nag sisigawan. hanggang sa isang araw nagising nalang ako na narinig ko boses ni mama na umiiyak.. dali-dali akong lumabas ng kwarto at tinignan si mama.
*hali ka dito anak, yakapen mo ako.. iniwan tayo ng tatay mo mas pinili nyang mag bisyo kaysa pamilya nya* sabi ng inay ko
dahil sa bata pa nga ako. di ko ma intindihan si mama. ginawa ko ay niyakap ko nalang sya ng mahigpit kasi alam ko nasasaktan sya dahil umiiyak sya.
may kapatid nga pala akong babae. magkasunod lng yong edad namin 9 yrs old sya at 8 yrs old ako..
hindi kaming tipong magkapatid na close sa isat isa.. yong kagaya ng iba.. yong ng oopen ng mga anung2 bagay pra lang maka usap yong kapatid mo. yung pwede mo sya asarin. iba kami para lng kaming ndi magkakilala.. sa loob ng bahay walang kiboan, walang pakirandaman. kung wala si mama,, kanya kanya kaming kain.. pag nanonood sya ng t,v tapos manonood din ako. biglang tatayo yan at pupunta sa kwarto nya.. at kung sasabay naman akong kakaen sa kanya. biglang bibilisan nya yung pagkaen nya pra ndi kami mag tagal sa lamesa,. iwan koba kung bakkit kami ganun.. hanggang sa lumaki kami at na sanay nalang ako,..
eto na.. papasok nako bilang high school student.. bilis naman ng araw nato..
sabay kami gumising ni mama.. sabi nya
*aba ang excited mo naman anak alas sinco palang ng umaga gising kana?*
*wala eh, baka my bagong kaibigan ako makikilala don sa bago kong papasukan mama ^_^*
*ikaw tlga,, aral pupuntan mo dun ha,, ndi kaibigan pero ganun paman pumili ka ng kakaibiganin mo* sabi ng mama ko
alas 5:45am palang handa nakong pumunta sa school. nasa bahay palang ako nag iimagine na ako kung anu kalalagyan ko sa school, kung pag titinginan ba ako ng mga tao kasi pogi ako hehe jk bsta alam nyo na ibig ko sabihin kung dumaan kayo sa unang araw ng skwela.
heto na at papasok na ako sa gate ng paaralan. biglang my mga naka salubog agad akong mga lalaki. na bangga ko yung isa ng di ko sinasadya kasi nga ignorante pa ako nun kung saan-saan ako naka tingin..
*p*tang*na naman, anu gusto mo ha?* sabi nung na bangga ko
*oy pablo wag mona ang aga pa* sabi ng leader nila na nag pakilalang Jeric
*kaw naman pare mag ingat ka kung ayaw mo umuwi na gusot-gusot yang damit* sabi ni jeric
*sorry po, sorry po talaga ndi ko po sinasadya* ang sabi ko
at patuloy kaming naglalakad sa kanya kanyang daan namin,,
grabe naman yon unang araw ko palang ganun na agad.. :((
papasok nako sa classroom na may naka salubong nanaman ako.. pero iba to.. hindi ito trouble kung di ay isang anghel na bumaba sa langet.. Napa yuko ako ng itanong nya sakin
*d2 yung section mo?*
*yes eh to yong section C dba?*
*oo pero hindi ako d2.. section A kasi ako,, ang bobobo kya ng mga tao dito.. kya nga section C eh.. andito lahat mga tanga at butaw* sabay alis at takbo..
WOW ha.. ang ganda mo nga pero ang panget naman ng ugali mo.. (pabulong ko sinabi para ndi nya marinig)
akala ko pa naman anghel letchee anak din pala ni satans -___-
habang naka upo nako sa upuan ko.. ako lng yong tahimik... lahat ng mga classmates ko ay ang iingay at ang pipilyo.. lahat ata sila magkakakilala na. kasi may elementary school din kasi don. siguro magka klase na sila elementary palang.. eh ako lng yong bago.. ano gagawin ko?
syempre pa mabaet2 effect.. pra kunwari tahimik akong tao at misteryuso (hahaha evil laugh)
habang tahimik at naka yuko ako.. biglang napansin ko nag si tahimik narin ang lahat at dali daling nag si upuan. yun palay parating na yung adviser namin.. kiinabahan ako dahil alam ko siguradong my pakilala show nanamn to.. tatawagin ka at magpapakilala sa harap ng lahat.. hayst hate ko kaya mga ganun.. nakakahiya kya lalo nat ikaw lng bago -_-
Pumasok na yong teacher namin.. sabay sabi *GOOD MORNING CLASS!* (striktong boses)
aroyyyyyy boses palang nakakatakot na. RIP kid AR AY PEE :(
*My name is Mrs.Montecillo im prettty sure familiar na yung iba nyo sakin.. kasi dito kayo ng eelementarya dba? so nais kong malaman kung sino yung bago dito paki taas yung kamay*
teng ene naman ito na ngaba sinasabe ko.. hayst,, hinintay ko muna may mag tataas ng kamay bago ako. 2 secs.. 3 secs.. 4 secs.. wala paren tumataas.. diyos ko po parang ako lng ata mapapasabak nito... at di nag tagal tinaas ko na kamay ko.
*ayon hali ka dito. magpakilala ka samin,, sabihin mo yung pangalan,tirahan,edad san ka galeng na paaralan at pangrap mo sa buhay!*
dali dali akong pumunta sa harap habang mag natatawanan sa tabi-tabi...
*ako po si jayson R. Cañizares, nakatira sa san isidro talisay city cebu na may labing dalawang taong gulang. galing po ako sa talisay elementary school at ang pangarap ko po sa buhay ay maging isang piloto*
*okay maari ka ng umupo.*
habang pa upo nako sa aking upuan.. may dumating na isang lalaki sa pinto at nagpakilalang transferee din.. Bigla akong nabuhayan .yess my kakampe pala ako..
as usual pinapunta rin sya sa harapan..
*Ako si Diomedes Nacario, 20 yrs old nakatira tabi lng dito sa paaralang ito thats all thank you* sabay takbo sa pinaka likod na upuan ng classroom*
nagtawanan yung mga kaklase ko.. ang tanda na daw tapos 1st yr high schook pa.. tapos parang isip bata pa.. hindi ko ma itatangi.. tumawa rin ako sa isip ko.. ang tanda nya naman kasi para magin high school pa.dapat sakanya nag tratrabaho na..
break time
RINGGG RINGGG (bell)
takbo lahat mga ka klase ko palabas ng pinto. habag ako at si diomedes ay nag pa iwan
nakakatakot sya puntahan.. gusto ko sana sya yayain lumabas at bumili ng meryenda..
pero bahala nato.. mukhang mabait naman,,
*kuya tra labas tayo?*
*sige salamat dito lang ako may baon ako sa bag ko*
*ah ganun po ba sige2 dito narin ako my sandwhich din naman ako dito sa bag ko. *
habang kami ay kumakaen .. tumingin ako sa kanya sa likod. hindi naman sya kumakaen prang umiiyak at nag tatago sa likod ng bag nya.. ano kya problema nya