That Day

5 1 0
                                    

That Day

Napatingin ako sa labas ng bintana nang saktong dumaan siya. Napangiti na lamang ako, kahit na wala ako sa mood ngayon. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, kung bakit ganoon. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap, eh. Hindi rin naman niya ako kilala. Kakaunti lamang ang alam ko sa kaniya. Kahit pa mahigit isang taon ko na siyang kilala.

Nagsimula 'yon noong nakaraang taon, buwan ng Hunyo. Habang nagkla-klase ang guro namin sa Araling Panlipunan, biglang nagsalita 'yong katabi ko na kaibigan ko rin.

"Ahjoy, bagay kayo non." biglang sabi ni Andeng na pinagtaka ko at napaharap sa kaniya.

"Huh? Ano-?Sino-?" Naguguluhan at nagtataka kong tanong.

"'Yung dumaan," tugon niya at tinuro 'yung labas.

Napatingin naman ako sa may labas, ngunit wala na. "Wala naman, eh."

"Mamaya dadaan ulit 'yon." sabi niya.

Napaharap ako sa kaniya, "Kalog ka, hindi ko ngayon kilala, eh."

Napatawa na lamang siya. "Basta, bagay kayo."

"Pa'no mo naman nalaman?"

"Secret," Tumingin siya sa labas.

"Baliw," Tumingin din ako sa labas.

Nakatingin lamang kami sa labas noong panahon na 'yon, habang nagkwe-kwentuhan at hinihintay na dumaan muli.

"Ayon!" Tinuro niya 'yung dumaan na naka-cap.

Nakita ko naman, pero hindi 'yung mukha. "Hindi ko naman nakita 'yung mukha,eh."

Mabuti na lamang at nasa hulihan kami naka-pwesto, gawa ng by Apelyedo ang sitting arrangement.

Isang araw nasa may canteen kaming magkakaibigan, dahil nga lunch. Habang sinasagutan ko na ang assignment namin, para wala nang gawa, mamaya, kinuhit ako ni Andeng.

"Bakit?" Lumingon ako sa kaniya.

"'Yung naka cap," Tinuro niya 'yung nasa kabilang table.

Napatingin naman ako, "'Yan ba 'yon?"

"Oo,"

Napatigil ako sa pag-a-assignment at napatingin do'n. Pinagmasdan kong mabuti, nakatagilid siya sa 'min. Para siyang tahimik at napansin kong para siyang medyo nakangiti. Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan, siguro. Gwapo? Siguro.

Pagkatapos no'n, madalas ko na siyang makita. Hindi ko nga/namin ni Andeng maintindihan, kung bakla ba 'yon o lalaki, eh. Pa'no ba naman, madalas naming makita na parang naka-ngiti o parang ngisi, kahit siya'y mag-isa lamang. Tapos, minsan lalaki ang kasama niya, tapos naka-akbay pa 'yung lalaki.

Kapag badtrip o malungkot ako, makita ko lamang siya, mapapangiti na lamang ako o matatawa. Hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit gano'n.

Magkahanay lang pala ang room namin at room niya, kaya naman madalas kong makita. Saka grade 11 na siya.

One time, nakasabay ko siya sa paglalakad papuntang room. Halos magkasabay lamang kasing dumating 'yung tricycle na sinakyan namin. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pinipigilan kong ngumiti noong mga oras na 'yon.

Pakiramdam ko naman ay kilala niya ako, dahil napapadalas ang pagkikita namin dalawa. Saka minsan nagkakasalubong ang aming mga mata.

Matapos ang ilang buwan, ay nalaman ko ang pangalan niya.

Nasa labas ako ng room namin nang dumaan siya. Later on, dumaan si Ate kasama ang kaklase niya.

"Ate," tawag ko habang nalapit ako kay Ate.

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon