Chapter one
Pat's POV
Patricia Louise Aquino ang pangalan ko, isang volleyball player simula nung elementary pa lamang ako. Ako yung pinagmamalaking captain ball sa aking past school. At ngayon, dito ako nag-aaral sa St.Claire University, Grade 8. Oo, lumipat ako ng school dahil napakalayo ng bahay namin dun sa past school ko, kaya lumipat ako.
Nandito ako ngayon sa harap ng bulliten board ng new school ko para, tignan yung iba't-ibang clubs na pwedeng salihan. 2nd week pa lang ng klase, nakapost na yung mga clubs na gusto mo at pwede mong salihan. May mga clubs ng:
·Glee, di ata ako magaling diyan at baka masira pa yung buong school kapag kumanta ako.
·Dance sport, medyo magaling ako sa mga sayaw-sayawan pero di sa mga cha-cha, tango, samba at ballroom.
·Dance Club, ayoko munang sumali dyan, wala pa akong gana sumayaw.
·Math Club, haahh!! Math, baka kapag ako yung naging representative, baka di pa kami manalo.
At marami pang clubs doon na nakasulat. Isang club lang naman yung gusto kong salihan, yung Volleyball, kaso di naka-post eh.
Naglakad ako papunta sa aming room na nakasimangot ang mukha. Malapit na sana ako ng may bumanga sa akin...
"Huy!! Wala ka bang mata??", tanong nung lalaking nakabangga sa akin.
"WOW ha, Ikaw pa yung may karapatang magalit kahit na ikaw yung nakabangga sa akin!!", sagot ko sa kanya na galit na galit habang nakatitig sa mukha niya.
"So, anong gusto mong palabasin ha. Na ako yung may kasalanan kung bakit tayo nagkabanggaan."
"So, ibig mong sabihin na ako pa yung may kasalanan ha!!"
"Ang mabuti pa ay mag-sorry ka na lang noh!!"
"Oh sige na nga. SORRY PO!!", nagpa-Chichay effect pa ako sa kanya.
Pagkatapos ng pa-Chichay effect ko sa kanya ay agad siyang tumalikod sa akin. Aba!! Bastos to ahh. Hmmmp. Hinaayan ko na lang siya.
Pumasok na ako sa room, umupo sa aking upuan. Katabi ko nga pala ang aking bestiee, si Jamaica Cristyn Arandell.
May biglang pumasok sa room namin...
Yesss!!! Volleyball club!!!!!Sa wakas may sasalihan na akong club!!
----
ano kayang mangyayari sa babaeng iyon?? haha
(sana nag-enjoy kayo)
BINABASA MO ANG
Mr. and Ms. Volleyball
Teen FictionMga estudyanteng nagkakilala dahil sa larong sinalihan nila na volleyball.