Imortal

333 7 2
                                    

Babala: Hindi ito Love story, Hindi rin ito tungkol kay Angel Locsin at Piolo Pascual at hindi rin ito tungkol sa nawawalang PSP ni Apollo Hernandez.

Sa buhay wala daw permanente lahat may katapusan pati na rin tayong mga tao pero dapat habang nandito pa tayo ienjoy natin ang bawat sandali at gawin ang mga bagay na gusto natin na hindi nakakasama sa iba pero kung mayroon kang bagay na hindi makuha tulad ng taong pinaka gusto mo tanggapin mo na lang dahil malay mo meron din dyang gusto kang makuha pero hindi mo rin gusto kaya patas lang kayo, Pero kung gusto mo talaga mangulangot ka na lang dyan sa tabi malay mo bukas mapasayo na.

Ang salitang imortal ay nagmula sa mga salitang imor at tal na ang ibig sabihin ay imoral na talino pero syempre hula ko lang ito pero ang alam ko pag imortal ka hindi ka namamatay at permanente ka nang mabubuhay dito sa mundo, gusto kong maging ganito yung nandito ka lang sa mudno tapos hindi mo iniisip ang mga panganib na pwedeng mangyari sayo kasi alam mong imortal ka at pwede mong gawin lahat nang gustuhin mo pero posible kaya itong mangyari?

Dahil doon pinangarap kong maging scientist para maka diskobre ng paraan kung paano maging imortal pero habang bata pa ako mananaliksik muna ako tungkol sa bagay na ito. Isang hapon pag labas ko galing sa school ko nagtungo ako sa kapit bahay kong panot at tinanong ko siya kung alam nya kung paano ba hindi tumanda ang isang tao pero ang sagot nya sa akin kalabaw lang daw ang tumatanda syempre hindi ako naniwala dahil kita ko namang kulubot na ang mga balat nya, palagi syang may rayuma at muka syang kalabaw di na'ko nakinig sa mga kwentong barbero nya at umalis na nang may simangot sa aking mga labi dahil hindi nya nasagot ang tanong ko.

Naglakad ako papunta sa mga pinsan ko para sa kanya ko naman itanong kung alam ba nya kung paano maging imortal ang isang tao nang itanong ko na ito sa kwela kong pinsan ang sabi nya baguhin ko daw palagi yung year sa birth certificate ko, Tumawa na lang ako kahit hindi naman nakakatawa napaka corny nya talaga mas nakakatawa pa yung ulo nang kapitbahay kong panot kesa sa mga jokes nya, Noong mga panahong iyon gusto kong tanggalin ang ngipin nya para hindi na siya mag joke pero pinigil ko na lang ang sarili ko.

Hindi pwede ito, lilipas ang araw na wala pang nakakasagot sa tanong ko pero sa paglalakad ko pauwi nakasalubong ako ng isang taong may problema sa pagiisip tinanong ko sya kung alam nya kunga pano maging imortal ang isang tao at ang sabi ay pumunta daw ako sa ilalim ng puno ng santol tapos halikan ko daw yung lupa ng limang beses at tsaka humiling ng bagay na gusto mo syempre hindi ako naniwala pero isinama nya ako at sinample'an ginawa nya iyon at pagkatapos humiling sya na umulan at pagkatapos umulan nga nang sandali, Bakit hindi ko nga naman subukan e wala namang mawawala? habang ginagawa ko yon nakita ako ng mga tropa ko na nakahalik sa lupa at pinagtawanan nila ako kaya hindi ko na lamang itinuloy. Noong mga panahong iyon nawala ang Dignidad ko :(

Umuwi na ako sa amin na iyamot na iyamot sa kapit-bahay kong panot, sa pinsan kong corny at sa taong may kulang sa pagiisip dahil hindi nila sinagot ang tanong ko tapos may sumagot nga palpak naman. Pagpasok ko ng pinto nakita ko kaagad ang nanay ko, Bakit hindi ko kaya subukang sa kanya itanong ang bagay na ito? at pagkatanong ko sa kanya kung paano ba maging imortal ang isang tao hindi nya rin ako sinagot at pinag map ako ng sahig, Lalo nadagdagan ang galit ko noong mga sandaling iyon parang sasabog na ako kaya pagkatapos kong mag map kumain na ako at natulog dahil baka sa panaginip ko masagot na ang katanungan ko.

Pag gising ko nang umaga narinig ko sa T.V. na swerte daw ngayong araw ang mga may zodiac sign na Capricorn at marahil ngayong araw daw na ito makuha ko na ang kasagutan tungkol sa aking katanungan, Noong narinig ko iyon biglang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi pakiramdam ko nanalo na ako sa loto, kahit hindi ko pa nakukuha ang kasagutan pakiramdam ko sa sarili ko na swerte talaga ang araw na ito at maya maya lamang ay kusa ko na lang malalaman ang kasagutan sa katanungan kong pano nga ba maging imortal?

Pag pasok ko pa lang ay nakalimot na ako ng limang piso sabi ko sa sarili ko na mukang swerte talaga ang araw na ito para sa akin tapos may hands on exam kami noon sa computer at hindi ko alam kung ano bang ilalagay ko doon at bigla na lamang nag brownout, Ramdam ko na talaga na swerte ako ngayong araw na ito. Paguwi ko sa bahay nag gawa muna ako ng mga takda tapos nanood ng XMEN at nakita ko ang pagka imortal ni wolvarine na sa tuwing tinatamaan sya nang bala ay naghihilom kaagad ang kanyang mga sugat, Napaisip ako na baka ito na ang sagot sa tanong ko at si wolvarine ang makakasagot noon kaya nag umpisa na akong mag post sa bawat fanpage nya sa pag-asang masasagot nya ang aking tanong.

Ilang araw na ang lumipas hindi pa rin nag rereply si wolvarine sa mga post ko pero hindi ako sumuko dahil kung gusto mo ang isang bagay hindi mo ito susukuan at gagawa ka nang paraan para mapasayo ito. Pero sa bawat araw pang dumaan pakiramdam ko hindi nya tlga babasahin yung mga pinost ko baka siguro dahil sa dami na rin nang nagpopost at hindi nya na iyon makita o sadya lang talaga siyang madamot at ayaw nyang ishare ang sikreto nya para maging isang imortal. Narealize ko na marami pa naman sigurong paraan para maging imortal kaya ititigil ko na lang muna ang pag asa na mag reply si wolvarine sa post ko.

Umisip ako ng umisip ng paraan kung paano ba magiging imortal ang isang tao tinanong ko na rin lahat ng makikita ko pati na yung aso ko pero wala talagang makasagot ng tama kahit isa sa kanila, Siguro hindi talaga pwedeng maging imortal ang isang tao at kailangan kong tanggapin ang bagay na ito. Inisip ko kung ititigil ko na ba ang paghanap sa kasagutan sa mga tanong ko mga 41 seconds ko ring inisip yon habang nakatunganga sa sampayan naming bakal na pinadala ng tita ko mula America.

Pagkatapos ang matagal tagal na pag iisip napagdesisyonan ko na isisilong ko na ang sinampay namin kasi baka umulan pa mamaya hindi na rin ako maghahanap ng mga kasagutan tungkol sa paano ba maging imortal at gagayahin na lamang ang idol ko sa Naruto na si Shikamaru na mamumuhay ng normal at malayo sa gulo tapos mag kakapamliya ng normal at asawang normal kung magkakaanak ako dalawa lang gusto ko panganay ay babae para alagaan nya yung bunso nyang kapatid na lalaki tapos pag tanda namin wala na akong poproblemahin dahil marami na akong naipon at sasahod pa ako sa pensyon ko tapos mag papakabit na rin ako ng pustiso pag nabungi ako tapos marami pang iba.

Pero parang ayaw tumigil sa pagbulong sa utak ko ng mga katagang paano ba maging imortal, Pakiramdam ko sasabog na ito anytime kaya kumunsulta ako sa pinsan kong corny dahil alam kong iba  ang takbo ng utak nya. Sabi nya “subukan mong tumingin sa  mga bagay na pinapahalagahan ka kesa sa mga bagay na pinapahalagahan mo dahil malay mo dito ka talaga liligaya” syempre nagulat ako dahil akala ko puro ka corny'han lang ang alam nya pero meron din pala siyang alam sa mga ganitong bagay.

Kinabukasan namatay ang aso kong si Primo, Mahal na mahal ko ang asong yon dahil napaka lambing nya sa akin at mabaho. Marami akong magagandang ala ala kasama ang asong iyon na aso pa namin simula noong bata pa ako Ilang araw din akong nagluksa sa pagkamatay ni Primo.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon narealize ko na wala naman pala talagang permanente sa mundo lahat nagbabago o kaya naman ay nawawala katulad na lang nang uhog mo mamaya kulangot na yan pati yung piso ko pag balik ko sa upuan ko nawala na pero dapat pala habang nandyan pa ang mga yan at nandyan ka pa ay gumawa ka ng isang marka na maiiwan mo dito sa mundong ito na magagamit o mapapakinabangan ng susunod na henerasyon para kahit wala ka na ay buhay pa rin ang iyong mga ala ala sa puso at isipan ng bawat taong natulungan mo kahit sa munting paraan. :)

ImortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon