Holdap to(One shot)

363 22 1
                                    

(Her POV)

Noong bata pa ako sabi ko sa sarili ko kapag nakita ko na ang prince charming ko di ko na siya papakawalan pa. Hindi ako susuko hanggang mapansin niya din ako. Hanggang sa malaman niya na ako ang Prinsesa niya.Yung tipong prinsesa na para lang sa kanya.

"Honey tulala ka?"- tanong sakin ng kaibigan ko na si Bianca. Kasama din namin ngayon si Spring. Nosebleed nga ako sa koreanang ito.

"Yeah she's right. Your tulala just like spacing out. Did you already traveled at outer space?"- Spring

"Tigil tigilan niyo ako. I think I'm inlove." sabi ko habang nakangiti.

"Lagi ka namang inlove eh. Noong isang araw sa puno tapos sa bulaklak tapos sa pader pati nga bato na nasa daan pinatos mo na. What's new."- Bianca

"Sapak Bianca you want. Seryoso ako!"

"When kapa nagseryoso?"- Spring.

"Alam mo Spring pati ako napapalipit dila sayo. Di ko nga alam ano mas okay mag nosebleed ba o mangongo."

"Aww Bianca, Honey is so mean."- sabi ni Spring sabay pout.

Hello I'm stating a fact here. Kasi ako napipilipit talaga dila ko at utak ko pag nagtagalog siya. Tapos pag nag eenglish naman dumudugo ilong ko. Pero pag nag korean yan natatanga kami ni Bianca.

"kasi naman eh i met a boy and gosh his so handsome."- ako

"That's new congrats."- Spring. Masasapak ko na talaga tong koreana na ito.

"Sino naman yun aber??"- Bianca

"I don't know his name. Nabunggo ko lang siya kahapon."- sabi ko habang inaalala ang nangyari kahapon.

flashback**

Hinahanap ko ang aking mga mabubuting kaibigan na iniwan ako dahil nababaliw na daw ako. Baliw ba yung sabihin kong mahal ko ang bato sa daan. Ang cute kasi ng bato and i love cute things. Lagi nilang sinasabi sakin na kailan daw ba ako magiging normal. Hello normal po ako. Tao po ako.

Di din ako pamilyar dito sa school kasi transferee lang ako dito a week after ng pasukan. Doon ko nakilala ang magbestfriend na Bianca at Spring. Kinaibigan nila ako and masasabi ko na talagang mabait sila.

Nakakita ako ng cute na bulaklak sa isang garden. Lalapit ko na sana kaya lang may lalaking bumunggo sakin at natumba ako sa sahig. Ang sakit tuloy ng butt ko. Pero ang worst di man ako tinulungan ni koya. Aba aba napaka ungentleman. Di man lang nagsorry.

Tumayo akong mag isa at tiningnan si koya. Pero shete ampogi. Natulala ata ako sa mukha ni koyang pogi. Kulang na lang pahintuin ko ang oras para mamemorise ko ang buong mukha niya.

Alam mo yung moment na sinasabi nilang slow motion. Yun yun eh. Lahat ata nagslow motion maliban na lang sa tibok ng puso ko na sobrang bilis. Nahinto ang pagtingin ko sa kanya ng umalis siya sa harapan ko. Aww sayang di ko natanong ang pangalan niya.

end**

Pagkatapos kong sabihin yun tinawanan lang ako ng dalawa kong kaibigan. Grabe ang bait nila ano?? As in sobra. Tapos magcecelebrate daw kami kasi sa wakas normal na ako. Taena sabi ng matagal na akong normal eh.

Lunch break na at as usual naiwan sa room yung dalawa dahil may baon. Kasama din nila si Zircon na nambuburaot/ Nangunguha ng pagkain ni Spring. Ako naman bibili muna sa cafeteria tapos babalikan sila para sabay sabay kaming kakain.

Pagdating ko sa Cafeteria nakita ko si Koyang pogi at nakatingin siya sakin. Shete naaalala ba niya ako?? Kikiligin na ba ako?? Ang hot niyang tingnan kasi nakasuot yung earphone niya habang nakaupo sa isang table sa cafeteria.

Holdap to(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon