World 01

138 31 22
                                    

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Jerald," kinalabit ko ito ng mahina.

Sa unang kalabit ay hindi ko nagawang agawin ang mata niyang nalulunod sa kawalan. Sa pangalawang kalabit naman ay nakita ko ang mahinang pagtalon ng kaniyang balikat. Sa pangatlo, doon ako sinalubong ng kaniyang nakakahalinang mata.

Magkatabi kami ngayong nakadungaw sa teresa ng maliit kong apartment. Sabi ng mga nakatatanda ay bawal daw kaming magkita ngayong gabi. We both insisted anyway. I mean, no. Jerald insisted that we should meet.

Sa ganitong karaniwang gabi, sanay na ako na katahimikan lang talaga ang bumabalot saamin. Peaceful silence filled with love is greater than lively surrounding filled with fake feelings. Sa usaping 'yun kami unang nagkasundo ni Jerald. Yeah, I can say that we're both introverts. Naalala kong marami-rami ang nagsabing opposite attract at hindi kami compatible sa isa't isa — we're too in love to care.

Hay. Siguro nga kung karaniwang gabi lang ito, hindi nag-uumapaw ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kaso hindi lang ito simpleng "ay pumunta si Jerald kasi miss niya na ako ang sweet". More like. . . more like. . . Stop it, Mary. Unhealthy ang overthinking. Or is this even overthinking?

Natatantsa kong ilang minuto rin akong nangapa ng sagot sa mga mata niya. I tried swimming in his mysterious sea of thoughts. I paddle my arms quick enough to save myself from drowning. But I did drown anyway. The moment I saw his perplexed eyes, the constant paddling of my arms weakens. At doon, hinayaan ko nalang ang sarili kong malunod.

Umiwas man siya ng mata o hindi, both are hurtful enough to make my heart bleed. Sa huli, ako nalang ang umiwas. At hindi kagaya dati na sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko ay napapangiti ako, ngayon ay pwersahan kong kinagat ang aking nanginginig na labi. Nagpanggap ang mga mata kong naghahanap ng bituin sa langit para lamang magkaroon ng dahilan upang tumingin sa taas. Baka mapigilan noon ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko.

Am I being too sentimental? Damn it! I have the fvckin right to be!

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya medyo kumalma ang paghinga ko. Pumikit muna ako sandali bago ibinalik ang higpit ng kapit sa kaniyang mga daliri.

"Mary. . ." He whispered my name like it was some kind of magical spell.

Dito ay unti-unting nahalina ang aking paningin na salubungin muli ang kaniyang malamlam na titig. Mukhang isa nga talaga itong gayuma. His eyes silently lure my system that he won't hurt me. Hindi ko alam, hindi pala ang titig ang makapananakit sakinkundi ang kaniyang tinig.

Our eyes locked just as the same moment he broke the remaining spell, "I have something to confess."

Shit with a smiley emoticon.

Buhol-buhol man ang isipan ko, sinubukan ko pa ring gawing magaan ang sagot sakaniya. "Confess? Eh! Just save it for your vow tomorrow. Spoiler naman nito!"

Nakahinga ako ng 0.00001 nang makita ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. Ngunit bumalik rin nang mawala ito kaagad. Just before this could go into some worst case scenario, I bid good night.

Peke akong humikab at nag-inat ng kamay, "Jerald, dis oras na ng gabi. We should sleep na." Tinapik ko pa siya sa kaniyang balikat bago umalis.

I can't hear it right now, I'm not ready. And I think I would never be ready.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Lampa, hurry up and catch me!" Matamis na halakhak ang bumalot saaking tenga. Nakakapagtaka man ang paligid na kinaroroonan ko, ramdam ko pa rin ang saya habang nakayapak akong tumatakbo sa damuhan.

Puno, puno. Where stories live. Discover now