Para kay P

12 0 0
                                    

Para kay P.

Dear P,

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko naman din alam kung kilala mo ako. Pero eitherway, tiyak ko hindi mo rin naman to mababasa, kasi sa umpisa, hindi mo rin naman ata ako kilala.

Hi, ako nga pala si anghelito. Anghelito Cruz. Pinanganak sa Pampanga, lumaki sa sampaloc maynila. Idedescribe ko pa ba ang sarili ko? O sige, hindi mo naman din malalaman to. Isa lang akong average na guy- hindi matangkad, hindi guwapo pero masasabi nating maitim ng kaunti kaysa kayumanggi. Sabi nila hindi naman daw ako panget, pero may isang babaeng laging nagsasabi sa aking guwapo ako at maraming nagkakagusto sa akin- walang iba kungdi si ina. Mahal na mahal nya talag ako nu?

Anyway, ayun. Alam mo naman siguro kung bakit ko sinusulat to diba? Walang iba kasi gusto ko lang sabihin na… MAHAL, na MAHAL na MAHAL… na ang GAS ngayon! Grabe! Malapit na ata ang 50 kada litro! Haha. Teka, wait, joke lang! wag k asana maasar. Ayaw ko pa kasi umamin. Hayaan mong libangin muna kita bago ko sabihin yung “obvious”.

Ganito kasi yun. Una kitang nakita nung unang araw na tumapak ako ng unibersidad. Gaya mo ay isa lang din akong promdi, pero ikaw, iba ka. Kakaiba ka. Sa sobrang ganda mo ikaw lang yung una kong nakita dun sa orientation natin at tuwang tuwa ako nung in a way “nakasama” kita sa pila sa enrolment. Kung hindi ako nagkakamali kasama mo yung tatay mo nun. At naka YELLOW ka pa. aba’y matinde! Takaw pansin! Ang ganda ganda mo- yung kutis mo ang puti puti, yung mahaba mong buhok, yung mapupushaw mong labi, ang iyong nakakahumaling na mata at kung di mo mamamasamain ay yung sexy mong body. Kung baga overall package ka na!

Pero teka. Sorry baka nagtunog naman akong manyakis. Pero ayun nga. Sa kakatitig ko nga sayo muntik na akong mahagip ng fx. Lumabas yung drayber at kinabog nya ako. tapos sabi nya, “ano bang problema mo iho?” tapos ako, tulala, tinuro ka. Tapos natulala din sya.

Di nagtagal lumapit ako ng kaunti sa you, este sa pila. Actually hindi nga pila yun eh. kasi nakaupo naman tayo. Tapos pansin ko busy ka sa phone mo. Nalungkot ako. kasi alam mo yun, critical moment na sana yun eh. tapos habang natango ako nakayuko at nang pagtingin ko ulit sayou nagitla ako kasi nagkatitigan tayo.

Tila ba parang tumigil yun oras dong? Haha. Pero sa akin lang ata yun. Kasi bigla tumingin ka sa ibang direksyon. ako naman umupo na lang sa malayo layo.

Tinawag na yung number mo. Nakatulog ako. at ng pagdilat ko wala ka na. nagalit nga yung katabi ko kasi muntik na syang malampasan dahil hindi ako pumila. Pero wala kaong pake sa kanya kasi all the time ikaw lang yung iniisip ko. At patunay dun ay mali yung nalagay kong “rank” ko nung hayskul graduation at pati ba naman yung test date nung entrance exam. Hay nako. Ewan ko nga eh kung baka magkaroon ako ng accountability sa future dahil sa maling info na iyon. Hay.

Matagal din kitang di nakita after enrolment. Dumaan ang two, three, 4 at 6 months. Inaasahan ko pa naman na magiging classmates tayo. Nagtataka nga kasi talaga ako kasi walang nakakakilala sayo sa mga kaklase ko. Hindi kita naging kaklase (kakalungkot) at hindi rin kita mahanap sa facebook. Mukha kang invisible. Hinahanap ka ng aking mga mata kahit saan ako magpunta. Nadeduce ko na magkabatch tayo dahil, obviously, same yung araw ng enrolment natin (ang duh ko no?) pero yung magkasing college tayo? Umasa ako, at nitong nakaraan ko lamang nalaman na tama ang hinala ko.

At sa wakas, isang araw nakita na kita ulit, ngunit… ayun. Malayo. Naglalakad ako nuon sa field tapos ikaw naman sa kabilang crossing. Ayun, minamasdan ulit kita. Siguro masasabing isa na akong certified stalker, since hindi naman ako gwapo para maging admirer. Medyo creepy na ba ako sayo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para kay PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon