HBBB 9

2.4K 62 0
                                    

Naalimpungatan ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hindi ko alam pero tila hirap akong maimulat ang mga mata ko.

Puti...

Halos lahat nang mga gamit at babay na nakikita ko kulay puti... Nasaan ba ako?

"Son..."

Napabaling ako sa nagsalita sa gilid ko.

"M-mom..." Hirap kong sabi.

Nalilito ako... Nasaan si Nilisia?!

Pilit kong umupo. "M-MOM! NA-NASAAN SI NILISIA?! D-DIBA M-MAGKASAMA K-KAMI?! N-NAGHIHIKING K-KAMI D-DIBA?!" Para akong baliw! Na nagwawala!

Wala akong pakielam kong anong nangyayari sa paligid ko! Gusto ko siyang makita! May kung anong bagay na tila bumaon sa braso ko, na nagpahina sa katawan ko...

Unti-unti akong bumagsak... At tuluyang nilamon ng kadiman ang tanging huling narinig ko lang ay ang sinabi ni mom...

"I sorry son..."

Nagising ako na sobrang ginhawa ng pakiramdam ko...

"M-mom..." Usal ko.

Nakuha ko naman ang atensyon niya. Nanlakia ang mga mata nito na parang nagulat! Dali-dali siya nitong dinaluhan at mabilis na hinawakan ang pisngi ko.

"Thanks God! Your Awake!"

"Easy mom para namang isang taon akong natulog!" Pilit na tawa kong sagot.

Tinulungan niya akong makaupo, umupo rin siya sa chair sa tabi niya. "M-mom bakit a-ako andito?" Nagtataka kong tanong, nauutal-utal pa ako.

"S-son, do you remember--- I mean..." Napakunot ang noo ko sa mga kilos niya... Bakt pakiramdam ko may tinatago siya sa'akin...

"Ah, nung gabing lumabas kayo ni N-Nilisia ay nagsakit k-ka.... K-kaya almost one month kang nakahiga diyan..." Halatang ingat na ingat etong magsalita na tipong takot magkamali sa mga sinasabi niya... Tumungo na lang ako... Kahit nanghihinala pa rin ako...

"Where's Nilisia?" Tanong ko.

Napalunok naman siya, na nagpadagdag ng kuryosidad sa utak ko. "M-ma..." Pagsusumamo ko.

Hindi ko alam kung bakit natahimik siya... Naka-kakaba... Ngumiti siya sa'akin, "W-well m-magkikita rin kayo..."

Hindi ko siya sinagot at humiga na lang ulit. Lihim akong napabuntong hininga ako...

Ilang araw na nung nakalabas na ako ng hospital... At ilang araw na rin nahinihintay kong dalawin at kamustahin ako ni Nilisia.

Ganon ba ako ka walang kwenta sa'kanya? Kaya hindi man siya ako pinuntahan sa hospital? Iniisip ko pa lang bumibigat na agad ang pakiramdam ko... I fell useless.

Kamusta na kaya siya? Naaalala niya ba ako? Namimiss niya ba ako?

Nasisiraan na ako sa pagiisip kung bakit ganun siya!? Nakakainis na kaya!

"Son, get dress... May pupuntahan tayo..." Nakakunot ang noo ko dahil kita ko ang pagaalinlangan at takot sa mga mata niya.

Kilala ko ang kilos ni mom...

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Mom, may problema ka ba?" Nagaalala kong tanong.

Nagulat naman siya ngunit agad ding nakabawi. Malakas ang pakiramdam kong may alalahanin siya.

"What? Naprapraning ka na ata! Wala... Don't mind me..." Hinimas niya ang buhok ko at ngumiti ng kaunti.

Nang makaalis na siya ay nagbihis lang ako ng simple. Kinakabahan ako... Sa hindi malamang dahilan parang may nagsasabing maghanda na ako.

Her Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon