Goal (22)

31 2 0
                                    

*KIZZY’s POV

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa picture ng mga pamilya ko kasama ang mga bestfriend ko sa cellphone. Bukas Birthday ko na. Parang ni-isa walang naka-alala.

Busy ako sa pag-mu-muni² nang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita ko sa screen ang pangalan ni GB. Habang tumatagal, nagiging close kami nitong ni GB. At masasabi kong para na kaming magkasintagan sa closeness namin. At natutuwa narin ako sa mga reaksyon ng mga Queenies tuwing dumadaan kami sa harap nila kasama si GB. Pero sad nga lang dahil pinapansin pa din sya hanggang ngayon ni GB, but I will make sure na ipapalabas ko ang baho ng babaeng yan.

Pinindot ko ang accept ng tawag at kina-usap si GB.

“Hello, GB?”

“Kizzy, ahm. Pwede samahan mo ako ngayon lumabas? Bibili lang ako ng regalo para sa pinsan ko na bukas ang birthday.” wow! Sabay kami nang birthday nung pinsan nya.

“Oh sure, wait maliligo lang ako.”

“Ok susunduin kita riyan.”

“Yup! See yah!”

Matapos makipag-usap Kay GB, mabilis akong umalis ng kama at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Habang naliligo napa-isip ako. Kung alam kaya ni GB ang b-day ko? May ireregalo kaya sya sa akin? Impossible, ano naman ako sa kanya kung reregaluhin nya ako? Kakakilala pa lang namin, and kung b-day ko man o alam nya ang b-day ko, great lang ang matatanggap ko nun, sigurado ako.

Nang makatapos maligo, nagsuot lang ako ng plain white T-shirt at jeans. Pinarisan ko na ng boots na kulay black. Naglagay na din ako ng kunting lip tint at pulbo. Yun lang! Gusto ko makita ni GB ang natural talaga na beauty ko, hindi yung pareha na kay kiara na halos hindi na makilala dahil sa kapal ng make-up.

Nakarinig ako ng busina sa labas, dali-dali kung kinuha ang sling bag ko at bumaba. Tumungo muna ako sa dining para mag-paalam sa kanila. At naabutan ko nalang sila na nagtitipon at parang may pinag-uusapan.

“Hoy! Ano yan ah?!” para namang nagulat sila sa pagsigaw ko.

“Ahm, were just… planning for our report. Diba may ibinigay sa atin si ma'am?” napakunot ang noo ko.

“Diba sa atin lang yun na section? Pati ba naman sa kanila?”

“Eh sa humingi din kami ng ideya sa kanila eh!” sigaw ni karrah. I just shrugged.

“Ahm, dahil may report na din naman tayo, paki-sali ako. May lakad kasi ako ngayon eh.”

“Saan  ka na naman ba pupunta ngayon?! Halos araw-araw ka nang umaalis!” kinindatan ko lang si kyla saka umalis. Pero nasa may pinto pa lang ako ng marinig kung nagsalita si mae an.

“But, what about, karr? Hindi ka na ba huma-hang-out sa kanya?” napatigil ako, na-freeze din ang kamay ko sa ere na akmang iaabot sana ang door knob.

Lumingin ako kay, mae an at malungkot lang na mgumiti at dumiretso na palabas.

Paglabas ko, naabutan ko si, GB na nakasandal sa kotse nito.

Tinawag ko sya, lumingon naman ito.

“Ano, tara na?” excited ako tumango. Pinagbuksan muna nya ako saka sya pumunta sa driver seat. Ang sweet! Kaya gustong-gusto ko tong si GB eh.

Umabot kami ng 20min bago nakarating sa Mall. At nang makadating dun dumiretso agad kami sa jewelry shop, ayon na rin sa sinabi ni GB.

Nang makapasok, agad kaming ng magandang i-pang-regalo. Nagtataka rin ako kung sino at ilang taon natong pinsan ni GB kasi kwentas o kung ano pa ang ireregalilo nito. Ganon ba talaga ka special itong pinsan na to ni GB? Nagseselos na ako ah!

“Kizzy, ito kaya?” napalingon ako kay GB nang tawagin nya ako. Lumapit ako sa kanya at may tinuro syang kwintas na may pendant na dalawang sing-sing.

Wow,ah!! Sing-sing pa talaga ang i-re-regalo ni GB sa pinsan nya?! Eh di sya na! Nakaramdam tuloy ako ng iretasyon.

“Ewan! Yan naman na napili mo diba? Kunin mo na yan. Gusto ko maglibot, pero kung pagkatapos nito, gusto mo nang umalis, umalis ka kaya ko namang maglibot nang ako lang!” pagtataray ko, aba sino namang hindi. Grabe na yung pinsan nya. Kahit na wala akong karapatan na magselos dahil walang kami at pinsan lang nya yun, pero nagseselos pa rin ako. Mabuti pa yung pinsan nya may magreregalo sa birthday nya, samantalang ako, mukhang wala ngang naka-alala.

“N-naiinis ka?” malambot na pagsasalita nya.

Umirap lang ako at humalukipkip.

“A-ahm, hindi mo ba nagustuhan yung k-kwintas?” nakaramdam ako ng pagtataranta sa boses nito. Ano naman kaya ang dahilan nun?

“Pwede na naman yan sa akin? Tsaka hindi ako ang mag-su-suot nyan kaya wag mong itanong sa akin.” natahimik ito ay maya-maya lang kinuha n nito ang kwintas at binayaran. Napa-irap ako, binili talaga!

At nung palabas na kami, umiba ako ng daan. Naramdaman kung napatigil sa paglalakad si GB.

“Saan ka pupunta?”—GB

“Diba sabi ko gusto kung maglibot, peri kung gusto mo nang umalis, go alis na okay na naman na ako na mag-isa.” napabuntong hininga sya saka lumapit sa akin at pinagsiklop ang kamay namin.

Nanlaki ang mata ko at natahimik habang nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.

“A-anong g—ginagawa mo?”

“Diba sabi mo gusto mong mag-libot? Edi sasamahan kita.” sabi nito na may pilyong ngiti sa mga labi.

“O-okay…” hindi pa rin ako makapaniwala.

Hinila nya ako at dinala sa hindi ko alam kung saan. Namalayan ko nalang na tumugil na kami sa paglalakad at dinala nya pala ako sa McDo.

“Ano ginagawa natin dito?” nagtatakang tumingin ito sa akin.

“Hindi pa ba halata? Syempre kakain!” napaikot ang mata ko.

“Alam ko! Ang ibig kung sabihin, bakit dito mo ako dinala?”

“Nagugutom ako, kaya samahan mo ako.” nagpaubaya na ako sa kanya dahil ang totoo gutom na rin ako. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko, mabuti nalang hindi ganon kalakas baka mapahiya  pa ako sa harap ng… eherm! Crush ko.

Hindi parin mawala sa paningin ko ang mga kamay naming magkahawak. Kung may kaklase o schoolmate namin na nandito, baka pag-usapan na kami.

Pagpasok namin, ang dami nang tao. Syempre weekend ngayon. Nagtaka lang ako. Makakahanap pa kaya kami ng pwesto nito?

“Saan tayo?” tanong ko. Nilibot nya ang tingin, hanggamg sa tumigil ito at parang may tinitigan. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Danniel at lendy kumakain.

“Tara dun tayo.” unti-unti lumaki ang mata ko.

“What?!” napatingin sya sa akin. Nakakunot ang noo.

“Uhm, is anything problem with that?” umiling ako. What the hell! Hindi nya ba alam na hindi kami okay sa kanila. Mukhang hindi nga, but since hindi nya alam, magpanggap nalang akong okay kami. Para wala nang gulo.

Hinila na nya ako patungo kina danniel. Wala na talaga akong magawa para pigilan sya.

*************

ⓨⓐⓝⓖ ⓨⓐⓝⓖ

A/N:
I'm back. Medyo natagalan nga lang.✌


Friendship Goals [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon