Allen's POV
Pag pasok namin sa mansion nila ay inakyat na ni Angelo si Sacifer sa kwarto nito. Bat kaya sinama ako ni Angelo? Di kaya may gawin sakin yun? Dahil nalaman ko yung secret ng kapatid nya? Edi pag kinalaban nya ako edi lalaban ako. Ako yata ang leader ng top 1 gang sa UG (underground) HAHA. Natawa ako sa na isip ko pero natigil yun ng makitang pababa na si Angelo.
"Angelo" Sabi ko.
"Alam kong naguguluhan ka ngayon. Pero puwede mo bang itago ang nakita mo?" May halong pag mamakaawa yung tono ng pananalita nya.
"Pero ano yun? Anong meron kay Sacifer?" Tanong ko.
"Basta, puwede mo bang itago yun? Kung pupuwede walang makakaalam?" Nag aalalang tanong ni Angelo.
"Mapapagalitan talaga si Sacifer" Dagdag pa nito.
"Okay, okay" na lang ang sinabi ko, weird.
"And one more thing" habol nya kaya tumingin na lang ako.
"P-puwede mo bang bantayan si Sacifer? Kaylangan ko kaseng umalis at pumuntang ibang bansa, natatakot ako dahil wala syang kasama" Nagaalala nyang sabi.
"Kelan ka aalis?" Tanong ko.
"Mamaya na, pleasee kahit sainyo na sya tumira kaylangan nya lang ng kasama. Alam kong sobra sobra na yung hiling ko, mag papadala naman ako ng pera para hindi na kakahiya" sabi nya. Medyo nainis ako sa sinabi nyang mag papadala ng pera, parang wala kaming pera ahhh.
"Wag na ako na mag aalaga sakanya, sisiguraduhin kong hindi sya mapapahamak at aalagaan ko sya ng maayos" sabi ko, ewan ko ba parang natuwa ako ng maisip pa lang na nasa iisang bahay kami, feeling ko tuloy para kami----shitt ano ba iniisip ko.
"Makakaasa ako dyan, mag titiwala ako sayo dahil wala na akong mapapagkatiwalaang iba, sige mag aayos lang ako" sabi nya at umakyat.
Pagtapos ng ilang minuto ay bumaba na sya at dala dala ang maleta. Hinatid ko lang sya sa tapat nila at pinuntahan si Sacifer.
Pag dating ko sa kwarto nya ay nakita ko syang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko sya, makinis, pointed nose, mahabang pilikmata makapal kilay at kissable lips...shet naalala ko nanaman yung di sadyang kiss. Dahil di malamang dahilan lumapit ako sakanya na aaktong hahalikan sya.... Nakakatempt lang talaga..konti na lang konti na konti na lang ng bigla syang dumilat.
Sacifer's POV
Nagising ako ng may maramdamang mainit sa mukha kaya dumilat ako....at pagdilat na pagdilat ko si Allen dahil sa gulat ay nagtangka akong tumayo pero nag ka untugan lang kami at ang malala nahulog ako! Nasa kanan kase akong side at sya naman nasa kaliwa kaya umatras ako at ayun hulog.
Agad agad syang lumapit sakin na may halong.....pagaalala? Bakit?
"Ayos ka lang ba?" tanong nya sakin. Pagtingin ko sakanya ay parang mali atang humarap ako nakayuko kase ako kanina kaya pag harap ko ay di ko namalayan ang lapit ng mukha nya yung tipong nagkadikit na yung ilong namin?
Napalunok na lang ako nung maamoy yung bango ng hininga nya...mint na mint
*tugtug tugtug*
BINABASA MO ANG
When The Mafia Empress Fall Inlove
RandomTungkol sa isang babaeng walang pusong pumapatay nakilala ang isang ordinaryong campus heartroub na nain love mag wowork ba kapag nagka relasyon sila?? or mamatay na agad ang Bida natin dahil sa Galit ng babaeng mafia kung gusto mo/nyo Malaman bas...