(Axel)
Pa park palang kami ng sasakyan ng makita namin na madami ng naka abang nako naman tas itong si charrel binaba pa yung window ng sasakyan tas nag wave kala mo artista
"Kyahhh andito na ang 5 kings"
"Hala oh em gee bess lalag panty ko"
"Oa mo bess"
"Kyaa i love you alex kyaaa"
Ano bayan kung ano ano mga pinag sasabi nakakairita nauna na ako sa kanila mag lakad at pumunta na ako sa SCR
Pagkarating ko dun hindi ko alam kung ano magiging emosyon ko kung magagalit ba malulungkot o kung ano pa dahil sira sira mga gamit eto na nga ba yung sinasabe pati tv sira at tanggal tanggal din yung mga gripo feel ko habang sinisira niya ito galit na galit yon hayss
Sunod sunod naman ang dating nila at gaya ng reaction ko ganun sin sa kanila
"Hayss papalitan nalang natin to di naman natin pwedeng pagalitan si princess dahil kahit ako pag ginising ako in a bad way magagalit din ako dito natin nalaman mana din pala satin si princess hahahha" habang umiiling na sabi ni alex oo totoo yun ganun kaming lima di namin alam ganun din pala si princess
"Akala ko kuya alex mas malala ka yun pala mas malala si princess" at tumawa kami sa sinabe ni jc (theo)
Napatingin nalang kami sa pinto ng bumukas ito at sunod sunod na silang nag sipasok
"Sorry po Vice president di na po mauulit" habang lahat sila nakayuko aba pati ang cold guy yumuko na din dahil sa mabait naman tong kapatid ko na si alex siya ang vice president pinagbigyan niya na at lumiwanag naman ang mga muka nila except dun sa cold guy na yun at nung nakita nila yung mga gamit halata mong nagulat silang lahat
Dali dali umakayat yung apat at tinignan yung mga kwarto nila
"AHHHHHHH yung mga gamit ko sira sira na" pasigaw na sabi nung janine at tinawag ni alex yung apat
"Kayong apat kung ano man ang nasira sa inyo dapat lang sa inyo yun palitan niyo nalang mapera naman kayo" at tumango nalang sila at feeling ko kay janine lang pinakamaraming sira eh kasi di naman nag react yung boys
(Cj)
Hayy sarap manira ng gamit tagal ko ng di nagawa to feel ko nanlalaki na yung butas ng ilong nila at nag tititili na sila don HAHAHHAHA NASAKIN PARIN ANG HULING HALAKHAK WAHAHAHAH
Pumasok na ako sa classroom at dumating na din yung dalawa si ethan at si kyolei at tumabi na sakin ang katabi ko ay si ethan at yung cold guy ba si kyolei katabi ni ethan
"Ikaw lahat nagsira ng gamit sa SCR?" Takang tanong sakin ni ethan kaya napalingon na din sakin si kyolei
"Pano kung ako nga ano magagawa niyo?" Nanlaki agad yung singkit na mata ni ethan
"Woahh ang cool mo kaya mong sirain yung mga gamit si aquel kasi nung nagwala siya at pinag babato niya yung nga gamit eh nag crack lang cool mo hehez" at napatingin ng masama si kyolei kay ethan
Hindi kami nakikinig kay sir na nag tuturo sa harap wala daldalan lang
"Okay class mag hahanap kayo ng partner niyo pwede by twos and pwedeng by threes" jusko may gagawin luminga linga ako sa paligid sakaling meron pang walang ka grupo
"Tayong tatlo nalang ni aquel " napalingon ako kay ethan kaya tumango nalang ako
"Kumuha kayo ng 1/4 sheet of paper at isulat niyo ang pangalan niyo at next week ipeperform niyo kung ano ang napagusapan niyo at gaganapin ito sa AVR simulan niyo na" gaya nga ng sabi ni sir nagusap usap kami kung anong performance ang gagawin naming tatlo
"Kumanta nalang tayo" suggest ni ethan "wag yon" sabay naming sabi ni kyolei
"Mukang masaya to hahahaha kakanta tayoo"at tinignan namin ng masama si ethan "wag na kayong maarte alam kong kumakanta kayo parehas instinct ko lang" tas biglang tumawa parang baliw
"Sige wala na din tayong magawa sa bahay namin mamaya after class"nanlaki agad yung mata ni ethan bat parang ganun ang hilig niyang palakihin mata niya eh bagay naman sa kaniya yung singkit
"Woah yan ang pinaka mahaba mong sinabe dahil diyan mag cecelebrate tayo wohooo"binatukan naman ni kyolei si ethan at napa aray to kala mo naman napaka sakit
Nag bell na kaya nagsilabasan na kami at pumunta muna ako ng canteen para kumain at dahil bored na bored ako ayoko namang pumunta sa SCR kaya sa room sa room nalang uli ako pupunta
"Ms Dela Cruz" napalingon ako sa tumawag sakin
"Bakit po ms ella?" Remember siya yung adviser ko
"Kakausapin ka ng dean" tumango nalang ako at sinundan ko si ms ella at bilang pag galang kumatok muna siya at pinapasok na kami hindi ko kilala tong dean na to pero sigurado ako isa to sa mga bestfriend ni mommy
"So Ms Dela Cruz napag isip isip namin na ikaw ang magiging exchange student ng 3 months dahil ayon sa records mo sa dati mong school eh halos lahat ikaw ang pinakamataas rank one kumbaga matagal pa naman eh mga next next month pa okay lang ba sayo? Para na din sa school natin" nakatingin lang sila sakin at alam kong sagot ko nalang ang inaantay nila
Bumuntong hininga muna ako bago ako nag salita dahil wala naman nawawala kung susubukan ko diba
"Sige po"
BINABASA MO ANG
I Can and I Will
Teen FictionKaya ko ba?? Kinakabahan ako, natatakot ako na baka masaktan lang ako, natatakot ako na baka di ko kayanin Tama ba tong ginagawa ko hindi ba ito nakakasira sa akin Paano ko ba ito kakayanin Paano Paano Puro nalang paano Siguro kakayanin ko nam...