One Last Promise
Unang pagkikita palang namin, iba na agad ang naging impact niya sakin. Akala ko sa mga wattpad stories lang nag-eexist ang mga senaryo na magbabangayan ang isang lalaki at babae pagkatapos ay magkaka-developan at sa huli ay magkakatuluyan. Tapos yung personality ng mga lalaking fictional characters na may pagka-cold at bully. Hindi ko inakalang pwede rin pala yung mangyari sa totoong buhay.
May dalawang lalaking dumating sa buhay ko. Isang seryoso at isang abuso.
Yung una kong nakilala, yung abusong hambog na batugan at may maraming kalandian. Sa araw-araw naming pagkikita, hindi pa halata na mukha siyang babaero. Aakalain mong matured na siya. Minsan lang kasi itong ngumiti at kung magsalita ay parang isang matanda na.
'Nung mga panahong iyon, wala pa siyang epekto saakin. Parang isa lang siya sa mga nakakasalamuha kong tropa o anuman na hindi lalagpas sa pagkakaibigan. Kadalasan ko pa nga siyang binabara noon at iniinis kahit na palagi naman akong nagjo-joke na ikinatatawa niya sa huli. But then fate played with me and with my innocent heart.
I fell...
Iyon ang pinakaunang kakaiba kong naramdaman sa tanang buhay ko. Hindi ko iyon napaghandaan at mas lalong hindi ko iyon inaasahan. Sa murang gulang ko noon, naranasan ko na agad umibig ng totoo.
Okay na sana iyon. Wala namang kaso saakin kung mahalin ko man siya o hindi. O kung ipagtatapat ko ba o hindi itong nararamdaman ko. Kaso hindi iyon ganon kadali eh.
May mahal kasi siyang iba.
Sino ba ang hindi mahihirapan kung ang taong mahal mo ay harap-harapan mong nakikita na may minamahal ding iba? Masakit diba? Hindi, dahil sobrang sakit.
Sa totoo lang, hindi naman pala siya babaero. Iba lang talaga ang taglay niyang charisma. Hindi ko nga malaman ang dahilan kung bakit ako nahulog sakanya eh. Basta, isang sandali lang noon, habang nakatitig ako sakanya, kinabahan ako. Naiirita ako sa bawat galaw ng mga babae sakanya. Sa tuwing ngingiti siya sa iba, nanggigil ako. At lalong-lalo na sa bawat salitang binibitawan niya tungkol saamin ay binibigyan ko ng kahulugan.
Siguro nga ganon na ako ka-desperada. Ako yung naiinis sa sarili ko noon. Bobong-bobo at awang-awa ako sa sarili ko. Sinubukan ko namang pigilan. Pinigilan ko talaga ang paglago ng nararamdaman kong ito. Pero sadyang hindi ko kinaya.
Tila ba isa itong pantog na punong-puno na kaya hindi mo nararapat pigilan dahil masasaktan ka lang. Kailangan mong ilabas lahat para gumaan ang loob mo.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong hindi ko na kinaya ang lahat. Umiyak ako. Unang beses ko itong umiyak nang dahil sa isang pahamak na pag-ibig. Hindi ko inakalang ganito na kalalim ang pagmamahal ko sakanya. Paulit-ulit nalang akong nasasaktan.
Hanggang sa dumating siya. Si seryoso. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakilala. Ang tangi ko lang natatandaan ay nung nag-post ako sa facebook ng status na patungkol kay hambog, nagkomento siya.
Sabi ko sa status na iyon na. Bakit kaya parati nalang ganito? Bakit ako nalang ang palaging kawawa? Wala na ba akong karapatang sumaya? Pasensiya na kung masyadong OA ang post kong ito. Hindi ko na talaga kasi kaya. With matching broken heart and crying emoji pa iyan.
Tapos ang sabi ni seryoso, Sa tingin ko hindi naman pagiging OA ang tawag diyan. Pinapahayag mo lang naman ang damdamin mo. Mas makakabuti pa nga iyan dahil bukod sa nailabas mo na ang saloobin mo, maaari ka pang bigyan ng payo ng mga nakakita ng post na ito. 'Wag kang mag-alala. Hindi ka naman nag-iisa.
I almost cried on his statement. Parang sa puntong iyon, kiniliti ang puso ko. Pakiramdam ko, may nakakaintindi saakin. Na 'wag akong matakot na mag-open-up ng nararamdaman ko. At feeling ko, gumaan ang loob ko.
Dahil wala akong ibang masandalan, nag-pm ako sakanya. Wala akong pakialam kung sabihan niya man ako nang FC or kung ano pa. Gusto ko talaga siyang makausap. Siya lang ang kaisa-isang taong umunawa sakin. Ibang-iba din siya sa mga nakilala kong lalaki. Nung tiningnan ko yung timeline niya, puro malalalim na hugot at sagad-butong mga tula ang nakita ko. Halos nga ata lahat napatama saakin. Pero mas nasiyahan ako nung mag-reply sa message ko.
Dumaan ang mga araw. Ito'y naging linggo hanggang sa naging buwan. Lumipas ang mga oras at nagpatuloy ang daloy ng usapan namin. Sinabi ko sakanya ang buong detalye at kwento. Kung bakit ako nag-post ng ganun at kung papano ako nasaktan nang dahil kay hambog. Naging close kami. Pagkatapos ng araw-araw kong klase, agad-agad akong nag-oonline sa facebook para lang makausap siya. At sa bawat pag-uusap namin, unti-unti na akong naa-attach sa kanya.
Akala ko nga rin na bisexual siya. Pa'no ba naman, nakasulat sa bio niya na proud daw siya sa mga bisexual. Pero ang sabi niya, hindi daw siya bi. Talagang sinusuportahan niya lang ang mga ito dahil wala naman daw silang kasalanan. Saludo daw siya sa mga ito na handang lumaban sa buong mundo, maipagmalaki lang ang tunay nilang pagkatao. At mula doon, muli na naman akong humanga sakanya.
Hindi ko alam na sa bawat alaalang nabubuo namin, unti-unti ko na palang nakakalimutan ang sakit na dinulot sakin ni hambog.
Parang-unti-unti ko nang natatanggap ang lahat. Na hindi dapat ako sumisiksik sa puso ng isang taong may nilalaman na. Siguro nga may mali din ako. Dahil hindi ko kailanman sinabi at pinagtapat sakanya ang tunay na nararamdaman ko. Pero ano pa bang punto ng pag-amin ko? Kung alam ko na naman sa sarili ko ang magiging sagot?
Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. At hindi ko talaga alam ang magiging reaksiyon.
Nagtapat si seryoso sakin.
Nablanko ang isip ko. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. At mas lalo pa akong nagulat nung malaman kong...
Si hambog at si seryoso ay iisa.
Hindi ako makakilos. Batong-bato ako sa kinaroroonan ko. Si hambog, na siyang dahilan ng pag-uusap namin. At si seryoso na siya ring dahilan kung bakit ko nakalimutam si hambog, ay iisa pala?
Napatawa nalang ako nang mapakla. Ang galing lang. Ang galing niyang mangloko. Ang galing niyang magpaikot. Ang galing niyang umarte. At higit sa lahat, ang galing niyang magpahulog ng damdamin.
Oo, nahulog na ako sayo seryoso. Naging handa ako na kalimutan si hambog para sayo ko maibuhos ang lubos kong pagmamahal. Pero wala. Lahat nang iyon ay nasayang.
Siguro hindi ko na kinakailangang bigyan ng malinaw na katapusan ang kwentong ito.
Ang gusto ko lang namang iparating ay huwag kang masyadong magpagamit sa pag-ibig. Minsan kasi, nakakalimutan na ng salitang iyan ang tunay niyang kabuluhan. Ang pagmamahal ay binibigay upang lumigaya ang isang tao kahit na may sakit itong katumbas.
Pero kasi minsan ang pagmamahal, puro nalang sakit. Wala nang natitirang kasiyahan. Kahit pa sinabi ng Diyos na ang tao ay nararapat na magmahal, hindi naman iyon nangangahulugan na ibigay at ibuhos mo ang lahat-lahat. Dahil kahit pa magmahal ka sa iba, sa huli, sarili at sarili mo lang rin naman ang matitira sayo.
Kaya ang kahuli-hulihan kong pangako sa sarili ko. Magmamahal ako para sumaya at hindi para paulit-ulit na masaktan at masira. That is my one last promise. And I know I should fulfill it.
- END -
***
I'm so sick of this ~fake love~ juk😂 Ang labo ng isang 'to. Anyways, it's been a long time peeps! How have you been?
YOU ARE READING
One Last Promise | One-shot
Teen FictionA one-shot story. One Last Series #3 Highest Ranking: 5 in Ways.