DATI

20 0 0
                                    

Sa aking isipan
Ika'y hindi nawaglit
Simula ng ika'y masilayan
Puso ko'y hinahanap kang pilit

Pwede ba kitang lapitan
Gusto ko lamang malaman ang iyong kalagayan
Ngunit may kaba akong nararamdaman
Ng makita kong may lalaking humagkan
Saiyong katawan

Hindi ko alam kung paano aalisin
Ang sakit sa aking damdamin
Di mawari kung ano ang aking gagawin
Ng makita mo akong nakatingin

Ako'y ngumiti sayo
At nginitian mo din ako
Sobrang sakit sa aking kalooban
Dahil ika'y pinaglaban
Ngunit ako'y iyong sinukuan

Naalala ko ang iyong yakap
Sa pakiramdam ay kay sarap
Ngayon iba na ang iyong kayakap
At ngayon ako nalang ang iyong kaharap
Bilang isang taong hindi na magiging parte ng iyong hinaharap

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULAWhere stories live. Discover now