Pag kasama ko si Afrelieza ko , ayaw ko ng magkahiwalay pa kami . Miss ko kasi agad siya
kahit wala pang isang minuto na nagkahiwalay kami . What more pa kaya kung oras na ?
Nakakabaliw kaya isipin yung babaeng yun :DD Pag magkasama kami , feeling ko , wife ko
na siya . Lalo na kung nandito siya sa bahay namin . Masarap sa pakiramdam na siya ang
kasama ko sa araw-araw . Sa bawat segundo , minuto at oras ng bawat araw ko .
Gustong kong maranasan na matulog sa gabi na siya ang katabi ko . Magising sa bawat
umaga na siya pa din ang makikita ng mga mata ko . Dahil sa bawat pag gising ko ,
alam ko sa sarili ko na lalong lumalala ang pagmamahal ko para sa kaniya . At wala akong
regrets dun . Kahit madalas kaming nag-aaway at nagkakatampuhan , kahit madalas ako
tinotopak , kahit madalas siyang naiinis at nagagalit sakin , eto padin kami . Mahal ang isa't
isa . Kahit hindi buo ang isang araw ng hindi kami nag-aaway , hindi dahilan yun para
mabawasan yung pagmamahal ko para sa kaniya . I want to spend the rest of my life
with her . Only her . Dahil mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko siya <3