/Terrence Ly Lauther's Point of View/
"Bwiset ba't ngayon pa bumagyo."
Aish! naman oh! Kung kelan may trip na akong gumala saka pa bumagyo!
" Leche kang bagyo ka umalis ka na maggagala pa ako!" pasigaw kong sabi sa bagyo habang pinagsusuntok ko ang hangin na wari ba na kalaban ko yung bagyo. Yeah! Okay lang na magmukhang tanga ako at pagtinginan ako ng mga tao dito umalis lang yang bagyo na yan.
"Ang gwapo naman niya, kaso mukhang baliw."
"Engot! Ganyan talaga pag-gwapo, nababaliw."
Ang daldal naman ng mga tao sa paligid, mag-uusap na nga lang yung gwapo ko pang mukha ang napagtripan.
Nagsagawa ako ng iba't-ibang rituals mapa-alis lang yang bagyo na yan dito sa mismong gitna ng kalsada na kinatatayuan ko. Nag-rain dance ako, nagtahi pa ako ng rain doll, nagpausok, pero namatay rin kasi naulan nga diba. Pero wa epek talaga, tapang nitong bagyo na 'to.
*insert tunog ng kulog here*
( hehehe 'di ko alam tunog nun eh..)
Aish! Mukhang lalo pang lumakas yung bagyo. Wait! Tinignan ko yung cover ng book kung saan ko nakuha yung rituals kanina.
"How to D.v..o. Storms"
Hindi ko maintindihan medyo nabura yung ibang letters, pero one things for sure! Pinapalakas nung mga rituals dito yung bagyo and that's not funny.
Nag-browse ulit ako dun sa libro baka may ritual naman siguro dito na magpapatigil ng ulan diba?
Napatigil ako doon sa isang page na may punit, may nakasulat pero putol kasi pilas yung ibang page.
When it's raining and you're feeling down, just stretch out your arm to the rain. And when the first droplet of water fell to your palm, look for the first man or woman your eyes could see and tell yourself:
"I found you."
-by the St
'di ko na mabasa kung sino ang gumawa nitong pesteng libro na 'to, pilas kasi. Kung makikita ko kung sino ang gumawa nito papakulong ko yun. Manloloko.
Mejo matagal na panahon na rin sa akin tong book na 'to at patapon na pero 'di ko akalaing magagamit ko ito sa ganitong panahon pero sablay rin pala. Hinagis ko na yung libro doon sa may kalsada, alam kong mababasa 'yon, tapos aanurin mamaya ng baha, bahala na kung sino ang makapulot niyan.
Naglalakad ako ng nakapayong syempre naulan eh... baka magkasakit ako, mababawasan ang mga gwapo sa mundong ibabaw. So, ayun naglalakad ako, hanggang ngayon malakas pa rin ang ulan. Kaya ako ayun nagpunta sa mall,
tingin dito, tingin dyan,
bili dito, bili dyan,
kain dito, kain dyan,
tapos tingin sa kaliwa, daming tao. Tingin sa kanan, uy! Gwapo nung nakatingin sa akin, ayun oh, yung nasa salamin na kamukha ko.
"Kuya, pwede bang manligaw?" tanong ko sa sarili ko na nasa salamin. Akalain mo 'yon parehas pa naming gustong ligawan ang isa't-isa.
"So ano, tayo na? Oo naman tatanggi pa ba ako sa biyaya." hahahahaha para akong tanga dito kausap ang sarili ko sa salamin, at niligawan ko pa pero ilang seconds pa lang kami na kaagad. Nice! Iba na talaga pag-gwapo. " Tara na date na tayo." sabi ko doon sa salamin.
" Uy! Diba yun yung gwapo kanina?"
"Oo nga ano, nabaliw na ng tuluyan at pati sarili niya niligawan."
Eto nanaman itong mga madadaldal na ito. Ano ngayon kung baliw ako, gwapo naman.
After ng date ko, ayun palabas na ako ng mall, actually di nga natuloy yung date eh... Kasi naman...
" Hey! Cutie!"
"Ang gwapo niya talaga."
" Can I have your number handsome?"
akala tuloy ng date ko may girlfriend na ako, kaya ayun next time na lang ang date namin...
Pero bago ako makalabas sangkatutak na dami ng babae ang nahabol sa akin, grabe may bagyo ba talaga o wala. Bakit ang dami pa rin ng nasa mall, tama ba yung pagre-report kanina ng weather forcaster, o talagang gwapo lang ako at malakas ang dating. Gusto ko naman na gwapo ako pero sana naman hindi nila kinukuha, hinahablot at ninanakaw yung mga gamit ko! Aba! last time nga halos umuwi na akong walang damit!
"Yes!" Eto na! Nasa EXIT na ako.Ang laki ng tuwa ko at makaka- alis na ako ng buhay sa impyerno na 'to. Hay... lakas pa rin ng ulan, baka hindi na kaya ng payong ko yung lakas ng ulan saka hangin.
Bubuksan ko na sana yung payong ko kaso ba't wala akong mahawakan na payong?
Tinignan ko yung kamay ko, and nakita ko lang ang malambot kong palad na walang hawak na payong. May mga nakasunod pa rin sa akin na mga babae, at ayun! Sila ang may sala. Ninakaw nila yung payong ko, hindi na naawa pinag-agawan pa.
Napailing na lang ako ng ulo. Gagala sana ako ngayon, kaso naman itong bagyo na 'to epal. Tapos kanina may date ako na-cancel dahil sa mga babae na 'to. At ang mas masakit pa gwapo na nga ako, wala pang payong. Tsk! Tsk! Tsk! It hurts you know!!!
*sigh*
Wala na akong ibang choice kung 'di sumugod sa malakas at nakababasang ulan.
Hay! ano ba yan kaya ayoko ng na-ulan kasi yung mga babae sa mall sinusundan pa rin ako. Takbo lang ako ng takbo, yung pinakapaborito kong sapatos wala na puro putik na. At kung minamalas ka nga naman may dumaan na truck ang bilis ng takbo, natalsikan tuloy ako ng tubig, ay correction natalsikan ako ng MARAMING PUTIK!!! BWISET!!!
"Sh*t!!!"
This day is a " Bad Rainy Day". Ngayon gagawin ko na ang araw na ito na holiday ng mga gwapo.
Ayoko ng mag-suffer pa, uuwi na lang ako.
May dadaan ulit na truck na malaki, hehehe syempre iiwas na ako. Tumabi ako doon sa may maliit na tindahan and yes! Nakaiwas ako sa putik PERO!!!!
Pero dahil maliit yung tindahan na tinabihan ko at matangkad ako. Nasagi ko yung bubong and yung bubong may naipon na tubig na dahilan upang mabuhos sa akin yung tubig. Kaya ngayon basang basang basang basa na ako!!!!
"F*ck!! Ano may mas masama pa bang mangyayari dito. MAY SUSUNOD PA BA???" sigaw ko habang itinaas ko yung mga braso ko sa ere.
Aish!!! nagjo-joke lang naman ako. May humablot nung relo ko sa kanang kamay ko, nakamotor, mga magnanakaw. Tapos sinundan pa ng race car na humaharurot. Ano pa ba nangyari, nagtalsikan lang naman sa akin yung putik!! YUN LANG NAMAN!!!!
"AISH!!!! NAMAN OH!!!! I HATE THIS DAY!!!! BWISET!!!"
A/n: hehehe nagsimula yung chapter 1 sa salitang "Bwiset" nagtapos sa salitang "Bwiset"
Hope you like this guys.
Comment.
Vote.
Pwede both.
BINABASA MO ANG
He Fell with the Storm Queen?!!
Teen FictionSi Terrence Ly Lauther ay isang mayabang *slash* gwapo *slash* habulin ng babae *slash* assuming *slash* at isa rin siyang engot. Si Kate Amethyst Storms naman ay isang babae *slash* magandang babae *slash* Cassanova *slash* feelingera *slash* myste...