Dawn

7.9K 350 91
                                    

Dawn

(c) Dyosa Maldita

~*~*~*~*~*~*~*~*~

“Posible kayang mapansin ng kanyang idol ang isang fan girl?”

~*~*~*~*~*~*~*~*~

Be still, my heart.

Huminga ako nang malalim.

Gusto kong pumikit, pero hindi ko magawa. Kailangan kong makita ito. Kailangan ay masaksihan ko ang simula ng kanyang tagumpay.

“Three-points for Aurum University!”

Agad akong napatayo sa upuan ko habang magkadikit ang mga palad ko.

Naipasok niya!

Nagtilian ang mga tao. Ngumiti ako at nagbuntong-hininga. Gustuhin ko mang sumigaw, alam kong hindi na maaari dahil halos wala na akong boses. Sobrang namamaos na ako. Kanina pa kasi ako sumisigaw.

Actually, mula noong nagsimula ang season ng Philippine Universities Olympics, sigaw na ako nang sigaw sa tuwing may laban ang Aurum University. Semi-finals na ngayon at nananalangin akong makapasok sila sa Big Four.

“Go, Aurum University!”

“Golds for the gold!”

“AU! AU! AU!”

Nagsisigawan na ang mga tao. Ilang minuto na lamang ang natitira at malalaman na kung makakapasok ba ang Aurum University sa semi-finals.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumayo na rin ako at sumigaw.

“Go, Eos!” sigaw ko.

Agad namang nagulat ang katabi kong si Koala. “Uy, Dawn, ano ba? Namamaos ka na nga eh!” saway niya.

“Hayaan mo na. Minsan lang ito,” nakangiting sabi ko.

“Minsan? Minsan ba ‘yung every game na lang nila eh inuubos mo ang boses mo?”

“Minsan lang naman sa isang taon ito,” sagot ko.

“Eh ayun na nga. Minsan sa isang taon, pero ilang taon na tayong pumupunta sa Philippine Universities Olympics?”

“Mag-aapat?” nakangiting tanong ko.

“Mismo! Mag-aapat na taon na tayo nanunuod ng game nila at hindi pa sila natatalo ni minsan! Kahit naman yata hindi ka manuod eh hindi sila matatalo.”

Napanguso ako. “Grabe ka naman, Koala. Isa pa, gusto ko lang naman talagang mag-cheer para kay Eos.”

“‘Yan! Eos ka nang Eos! My gosh. Graduating na tayo at lahat, hindi pa rin kayo magkakilala! Dapat talaga eh hindi na kita isinama rito noong freshman pa lang tayo.”

Ngiti na lamang ang naging tugon ko sa sinabi ni Koala.

Mag-aapat na taon na rin naman ang nakalipas noong una kong nakitang maglaro ng basketball si Eos. Simula noong nakita ko siyang maglaro, sobrang naging fan na niya ako. Bukod sa magaling siyang maglaro, mukha siyang mabait at hindi maikakailang sobrang guwapo niya.

Para siyang lumilipad sa court. Magaling siyang umagaw ng bola mula sa kalaban, at ang linya niya ay ang three-point shot. Bibihira siyang sumablay sa mga tira niya lalo na kung ito ay three-point shot.

Isa siya sa pinakasikat na manlalaro ng Aurum University. Sabi ko nga, bukod sa magaling siyang manlalaro, mukha siyang mabait at guwapo pa.

Pero bukod doon, may isang araw na hindi ko talaga makakalimutan.

DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon