Chapter 2: Badtrip!

32 2 0
                                    

" Aray! " O____O

=_____=

May tumama lang naman na bola sa ulo ko, at sa pisngi pa talaga! volleyball lang naman pero, grabe yung impact eh, medyo masakit din kaya. huhuhu

" Sinong may-ari nito.?! tatamaan talaga sa'kin!... +_____+" galit na sabi ko nung pulutin ko ang bola. Dahil sa inis ko, balak ko sanang itapon ang bola sa trashbin ng may sumigaw sa bandang likuran ko.

" Hoy! hoy babae! anung gagawin mo nyan ha?! " sigaw ng isang lalaki.

" Bakit? sa'yo ba'to? is this goddamn ball yours huh?! " galit na tanong ko dun sa lalaki. Sa tingin ko sa kanya tong bola eh.

" Yes that's mine, and who do you think you are para murahin ang bolang yan sa harapan ko? alam mo bang original ang bolang yan huh?, at mahal yan, mas mahal pa yata yan sa buhay mo eh! " pasigaw na sumbat nya sa'kin.

" Hindi ko alam, at wala akong pakialam. Hoy lalaki, wala kang karapatang sigawan ako ha. Dapat nga mag sorry ka dahil tinamaan lang naman ako ng lintek na bola mo sa mukha ko! " sabi ko sakanya.

" Anong sorry? kasalanan ko pa ngayon kung tatanga-tanga ka?! dapat umilag ka ng hindi ka matamaan bobo-- "

" Migs! " naputol ang sasabihin ng sungit na lalaki ng may sumigaw din na lalaki sa likuran ni sungit, pangalan yata nya ang tinawag.

" Migs, ang tagal mo namang kumuha ng bola-- oh, hi there. " sabi ng isa pang lalaki ng makalapit na siya kay sungit.

" huwag ka ngang makipag-usap sa babaeng yan. At ikaw, akin na nga yan! " sabi ni sungit sa lalaki na kaibigan nya yata. Tumingin din si sungit sakin at akmang hahablotin na sana nya ang bola ng iniwas ko sa kanya ang bolang hinahawakan ko.

" Ayoko nga! mag sorry ka muna sakin. yun lang ang hinihingi ko. " sabi ko sa kanya.

" Ako mag sosorry sa'yo? Asa, hindi ko kasalanan kung tinamaan ka ng bo-- "

" Ti-tinamaan ka ng bola?! sa- sa pisngi ba? " tanong ng kaibigan ni sungit.

" Oo, panu mo nalaman? " takhang tanong ko.

" Na-namumula kasi pisngi mo eh. Nakuuuuh! pasensya na sorry sorry, hindi ko sinasadya. Napalakas kasi ang pagtira ko sa bola eh kaya lumagpas na sa court. Hindi ko naman inakalang may tatamaan pala. Ah ano, d-dalhin nalang kita sa clinic, halika na-- " pinutol ko na ang sasabihin niya.

The More You Hate, The More You Love(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon