CHAPTER3:UNANG PAGKIKITKITA

0 1 0
                                    

PRINCESS Jenesis pov

Papunta ako ngayon sa silid ni prinsipe Jungkook, gustoko kasi siyang makilala . Siya na lang ang hindi ko nakikita, nipakilala na kasi samin ang ibang prinsipe .Nasabi sakin ng isang alipin na hindi pa siya lumalabas ng kanyang silid.

Huminga muna ako ng malalim bago ko katukin ng tatlong beses, inulit ko pa ito ngunit walang nagsasalita kaya itinulak ko na ito pabukas ag pinto at bumungad sakin ang silid na kasing kulay ng ginto at sinamahan pa ng kulay ng asul. Nasabi na rin sakin na taglay niya ang kapangyarihang yelo at kidlat kaya sigurado akong mas malakas siya sa ibang prinsipe maging sakin dahil hindi ko pa kayang kontrolin ang anim ko pang kapangyarihan tanging apoy at pagpapagaling pa lang.

Humakbang na ako papasok at hindi ko mapigilang hindi humanga sa silid ng prinsipe siguro'y nakokontrol na niya ang kanyang kapangyarihan.Dahil sa kahariang ito ay nakabase sa kapangyarihan ang kulay ng silid marahil magkakaparehas ng kulay ang ibang prinsipe ngunit iba iba lang ang disenyo.

Nagmamasid ako sa silid ng prinsipe ng mapadako ang tingin ko sa kama ng prinsipe at may nakita ako doong pamilyar na bagay... lalapit na sana ako para tignan iyon ngunit bigla na lang mayhumila sa braso ko at isinandal ako sa dingding kaya napapikit ako sa sakit nang braso at likod ko.

Nagulat na lamang ako nang pagdilat ko ay nasa harapan ko na ang isang lalaking kulay ginto ang buhok at sinamahan pa ng konting asul, gayang gaya ng kulay ng silid ng prinsipe
napatitig ako sa mga mata niyang walang makitang kahit anong emosyon.

sino ka qnong ginagawa mo sa aking silid ? kinalibutan ako sa lamig ng boses niya.

Mahal na prinsipe Jungkook gusto ko lamang kayong makilala isa po ako sa mga prinsesang may misyon na pinadala dito sa inyong kaharian galing po akong Elementia. buong tapang kong sabi sa kanya.

Binitawan niya ang kamay ko at lumayo sa akin.

kung ganon ikaw pala ang prinsesa ng Elementia. Sabi niya at ngumisi, pinagkatitigan niya ako na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.

Napakuyom ang kamao ko ng mas lalo siyang ngumisi alam ko kung bakit lalo siyang ngumisi noon hindi namin pinapansin ang mga taong ngumingisi sa amin dahil akala namin ay paraan lamang ito kung paano ngumiti.

Mula ng nagpunta kami sa mundo nang mga mortal ay madami kaming natutunan at hindi lang yon maging ang paraan ng pagsasalita nila.

ang buong akala ko ay napakalakas ng prinsesa ng Elementia dahil walong kapangyarihang Elemento ang hawak mo. Ngunit tanging Elemento ng apoy at pagpapagaling lang ang nararamdaman ko saiyo

paumanhin mahal na prinsipe ngunit wala kayong karapatang hamakin ang aking kapangyarihan.Matapang king sabi sa kanya gamit ang matigas na tono.at tinignan siya ng masama

Nagulat ako ng may nakita akong emsyon sa mga mata niya nang sabihin ko sa kanya yon ngunit agad ding nawala t humalik ulit sa walang emosyon ang mga mata niya.

umalis ka na... umalis na kayo dito kalimutan nyo na ang inyong misyon dahil nagsasayang lang kayo ng oras niyo

sai niya nang wala sa akin ang kanyang tingin at bigla na lamang siyang umalis.

PRINCESS APRIL POV

nandito ako ngayon sa hardin ng palasyo kasama ang prinsipeng walang ginawa kundi ang magbasa ng libro, ano bang meron sa libro nayon ang boring kaya magbasa. wag na kayong magtaka kung bakit ako ganito magsalita hindi ako kagaya ni Jenesis na inaapply parin ang paraan ng pananalita namin dito bahala sila no ilang taon din kami tumira sa mundo ng mga mortal kaya nasanay na kami sa paraan nila ng pananalita kaya problema na nila yon sila magadjust no hindi ako.

uy wala ka bang alam na ibang gawin kundi magbasa ng libro?? .tanong ko sa kanya ng mapagod ako sa pagiikot dito sa hardin nila. tumingin naman siya sakin pero bumalik din ulit sa binabasa niyang libro ang tingin niya .

HOY!!!! KINAKAUSAP KITA WAG KANG SNOB!.sigaw ko sa kanya dahil sa inis . inis din siyang tumingin sakin at binitawan ang librong hawak niya at tumayo saka lumapit sakin.

kalapastanganan ang iyong ginagawa. hindi tama na sigawan mo ako, isa akong prinsipe. inis na sabi niya sakin bakas sa muka niya ang pagkainis sakin.

Napangisi na lang ako sa tinuran ng prinsipe .

Patawad mahal na prinsipe ngunit gusto ko lamang kayong makausap hindi ka ba nagsasawa sa libro na iyong hawak . nakangisi kong turan sa prinsipe na lalong nakapagpainis dito grabe ang pagpipigil ko ng tawa sa nakikita kong reaksiyon ng prinsipe .. Hahaha paumanhin mahala na prinsipe ngunit mas masisiyahan ka sa isang prinsesang tulad ko.

A/N ..... Hmm ano kayang mangyayari Kay prinsipe Taehyung mukhang di sya titigilan ni Prinsesa April😘😘💕👰


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE EIGHT COLD PRINCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon