paano kung na broken ka sa iyong greatest love?
handa ka ba sa sinasabi nilang pag move on?
isa itong story kung saan ang isang puso ay namatay, hindi lamang isa kundi 2beses.
eh paano kung sa pangatlong pagkakataon ay dumating ang pag ibig para...
excited akong gumising ngayong umaga kasi ngayon ang araw ng aming anibersaryo, sa kabila ng sitwasyon namin na magkalayo, at sa kabila ng mga alitan namin kung minsan ay umabot pa rin kami ng isang taon.
inayos ko ang maliit kong silid, nilinis ko at nag palit ako ng kurtina. plano ko kasi idikit sa wall ng kwarto ko yung mga letters na ginupit ko. pinaghandaan ko ang fisrt anniversary namin. nag isip ako ng mga decorations na pede kong gawin sa loob ng aking silid. at plano ko ding gumawa ng isang video. irerecord ko ang pagbati ko sa kanya para pwedeng ulit uliting panuorin.
lumipas ang tanghali wala pa rin akong natatanggap na mensahe sa kanya, iniisip ko na lang na baka meron din syang surpresang inihanda para sa akin.
kaya ang ginawa ko nag compose na lang ako ng message para sa kanya at kinabisado ko ng mabuti para pag harap ko sa camera di halatang minemorize ko. kunyari on the spot ahahahahaha. sobrang saya ko talaga.
dumating ang gabi at handa na at maayos na ang aking silid. naikabit ko na ang mga dekorasyon.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
nag simula na akong mag record ng aking love mesage, na umabot din ng mahigit 2mins.
dongseng, happy 1st annivarsary sa ating dalawa, sana nagustuhan mo yung surprise ko sayo. gaano man tayo kalayo sa isat isa sana di ito maging hadlang sa ating pag mamahalan. nandito lang ako handang maghintay sayo. mahal na mahal kita, at sobrang mis na mis na kita. saranghaeyo!!!
yan ang nilalaman ng aking video.
bago ko sined sa kanya, ilang ulit ko munang pinaulit ulit na panoorin hindi ko maitago sa sarili ko ang sobrang saya ko at kahit ganito ang sitwasyon namin eh naka abot kami ng isang taon.
nag online na ako, pero bakit ganun hindi pa siya online, eh oras na out nya sa work. nag antay parin ako sa kanya na mag online sya, hanggang sinend ko na sa kanya yung video ko.
nakalipas ang isang oras, sa wakas nag online na rin sya. sobra akong na excite dahil hindi ko alam ang magiging reactions nya sa effort/surprise na ginawa ko for her.
at sa wakas nakatangggap ako sa kanya ng isang mensahe... mensahe na labis na nag padurog ng aking puso.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ilang ulit kong binasa ang laman ng kanyang mensahe para sa akin, iniisip ko baka na wrong send lamang sya, kaya di ako nag aksaya ng oras agad akong tumawag sa kanya tru overseas call, pero kahit anong gawin ko di ko sya ma contact!
nag online uli ako, nag try ako mag video call at mag reply sa message nya para malaman kung bakit bigla ganun ang nangyari sa amin, bigla sya nag decide ng wala akong kaalam alam,, subalit huli na, naka blocked na ako sa fb at messenger nya!!!
wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak ng umiyak buong gabi, at paulit ulit kong tinatanong....
bakit dongseng? bakit mo ako binitawan ng ganun ganun na lang? mahal na mahal kita ng sobra!!!!