Ang Tadhana ng Magkasintahan"

27 1 0
                                    

"Ang Tadhana ng Magkasintahan"
Part 2

Horror love story

Unang araw pa lang ni miho sa trabaho ay bwiset na bwiset na sya. Ni hindi nya makuhang maalala kung san nya nakita ang lalake. Matagal na silang nakatira duon sa village ngunit wala syang maalala na may nakatirang binatilyong anak ang kanilang kapitbahay.

Buong maghapong wala sa sarili si miho. Nakatutuk man sa computer ngunit wala ang utak sa kanyang trabaho.

Ilang minuto nalang at uuwe na rin sya.Pagod na pagod,hindi ang katawan. Kundi ang utak na bug-bug sa pag-iisip buong araw sa lalakeng nakasalamuha kaninang umaga.

Para po manong,dito na po ako bababa. Eto na po ang bayad,salamat po.

Pagbaba nya ng taxi,nilinga nya agad ang paligid at mabilis na na-agaw ng kanyang pansin ang mga bagong tanim na bulaklak sa bakuran.

Aba himala si mama,pinalinisan yata ang bakuran at bagong tanim pa'ng mga bulaklak. Akala ko di nya ipapagalaw dahil ala-ala kay papa?

Naglalakad na sya papasok sa kanilang balkunahe upang buksan ang pintuan nang makarinig sya ng mga nagtatawanan sa loob ng bahay nila. Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at sya na mismo ang nagulat sa nakita nya. Masayang nagki-kwentuhan ang kanyang mga pamilya at ang lalakeng syang laman ng kanyang utak at isip buong araw. Biglang tumaas ang kanyang dugo ng makita nya itong sayang-saya na kausap ang kanyang mama at mga kapatid.

Oh miho,dumating kana pala?

Panimulang bungad ng mama nya.

Napako lahat ng tingin sa dumating na babae.

Mano po ma.

Kaawaan ka nawa ng Dios anak.

Mauna na ako sa kwarto ma,pagod na pagod po ako.

Inirapan nyang bigla ang lalake na may halong galit sa mata. Nakita naman nyang nagtagumpay sya dahil alam nyang natameme ito sa tingin nya.

Anak,dito ka muna. Kain ka muna bago ka matulog,may bisita pa tau oh. Si Buloy pala anak ng tito Andy at tita Kate mo dyan sa kabila.

Hindi na ma,nagmerienda naman ako kanina eh. Busog pa po ako..

Sabay lakad papasok ng kanyang kwarto at kinawayan lang nya ang mga kapatid. Ngunit di na sya nag aksaya pa ng oras para tingnan ang lalakeng nagpainit ng kanyang dugo.

Ang kapal nya talaga!!! Hmmmmmpppp! Akala mo sinong gwapo,nakakainis ang pagmumukha nya!!

Gigil na usad ni miho sa sarili.

"Sige lang miho,maalala mo rin ako balang araw. Di kita susukuan,ikaw ang nakalaan para sakin."

Mapait na ngiti ang namutawe sa labi ng binata...

Itutuloy....

Admin miho

Ang Tadhana ng MagkasintahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon