Araw, buwan, taon,
Ikaw aking sinubaybayan.
Kahit saang lupalop magpunta,
Ika'y naaalala.
Ngunit ang tanong,
"Ako ba ay iyong kilala?"Ika nga nila,
"Tigilan mo na iyan.
Wala ka namang mapapala diyan."
Sabi ko naman,
"Paki niyo ba? Kayo ba yong nasasaktan?"Oo, nasasaktan.
Nasasaktan sa katotohanan.
Ang katotohanang,
Langita ka, lupa ako.Para kang bituin na nagniningning.
Ako namay isang munting na nangangarap na ikay abutin.
Ngunit alam ko naman,
Kahit kailan akoy di mo mapapansin.Alam ko lahat tungkol sa buhay mo.
Samantalang ikaw,
Walang kamuwang-muwang
Na ako'y nabubuhay sa mundong ito.Ngunit sa kabila ng lahat,
Labis pa rin akong nagpapasalamat.
Dahil nung ika'y dumating,
Buhay ko'y nagningning.