Gabi iyon sa pagkakaalala ko, bilog ang buwan tahimik ang paligid at simoy lang ng hangin ang maririnig. Naglalakad ako nun pauwi ng mahagip ng mata ko ang isang anino na nakasunod sakin. Hindi ko alam ang gagawin, isa-isang pumasok sa utak ko ang mga napanood kong krimen na nangyayri sa ganitong sitwasyon. Pwede akong holdapin, pwede din akong hatakin sa madilim na bahagi ng eskinita at doon sapitin ang hindi nararapat. Nag iisip pa ko ng susunod na aksyon ng nakita kong bumilis ang lakad ng anino. Kaya walang anu-ano kumaripas ako ng takbo , paglingon ko nakasunod yung anino (anino lang dahil di ko talaga maanig yung mukha malabo mata ko eh) . Napapagod na ko! Bumabagal na takbo ko , lumingon ako ulit malapit na siya! Waaaaaaaaaaah! Kailangang tiyagain dapat tumakbo . Huli kong balita sa mga taong inabutan sa ganitong habulan nasa sementeryo na ngayon. Takbo, hingal, takbo, hingal, iyak, takbo , pahinto na sana ako handang panoorin ang five minutes flashback bago ako mamatay nang makita kong isang kanto na lang makakauwi na ko . Kaya buong lakas kumaripas na ko bigay lahat ng natitirang lakas papunta sa bahay namin. Nang lingunin ko ang anino nakahabol pa rin siya! bakit di niya pa ko lubayan? ganun ba talaga ko kaganda para tiyagain niya ng habol? Nasa harap na ko ng bahay namin handang sumigaw ng tulong sa pinakamalakas na kayang abutin ng boses ko ng bigla nalang may tumawa sa likod ko. "HAHAHHAHAHHAHAHAH! ate anung ginagawa mo? Classic para kang naka drogang kuneho kanina habang tumatakbo". Aba naman talaga yung kulang lang pala sa aruga kong kapatid ang muntik pumatay sakin sa takot . "Bakit mo ba kasi hinabol?! Di mo na lang ako tinawag kaagad?". Akala ko isang prank na naman to ng kapatid ko ng bigla na lang niyang sabihin"Ha? baliw ka na ba? nakita lang kitang kumakaripas ng takbo sa kabilang kanto, kaya ng sinundan na kita pauwi eh". So ayun muntik pala talagang akong mamatay swinerte lang talaga ako .