[ Aira's POV ]
= Kinabukasan =
" ohh, Asan na yung pinapabili ko sayo Bia?"
" Ewan ko sayo Aice, pinapahirapan mo na naman ako." Bia
" huh? bakit naman? hindi mo ba mahanap yung pinapabili ko sayo? o kulang yung pera?"
" Aira.. wala ka naman kayang pinabili kay Bia." Steven
" ahh, ganun ba? sorry Bia!!" =)))
Andito kasi ako ngayon sa bahay nila Bia ehh, andito nga si Steven. Ang gwapo nya kaso kapatid sya ng best friend ko at sister din ang tingin sa akin ni Steven kaya hindi ko sya gusto. hahaha, gwapo lang naman talaga sya ^___-
" kuya kamusta na kayo ni Tiffany?" Bia
" ayus lang naman. Ehh ikaw kamusta panliligaw mo kay Ian?" Steve
" Hayyy naku Steven, lagi nga nya sinusundan ehh. At pag nakita nya na may kasamang iba, nawawalan ng ganang kumain o kaya naman naiiyak at ang drama." haha, ako talaga ang taga report kay Steven ng lahat na ginagawa ni Bia.
Hindi naman si Bia nagagalit kasi naman kilig na kilig rin naman sya. Landi no ??. (*____*)
" huy hindi ahh!! hindi sya nagsasabi ng totoo Steven." Bia
" haha, so ako pa ang nagsisinungaling ahh.." tinapun ko yung unan sa kanya, haha. =))
Ganun din ang ginawa ni Steven, halos lagi ko syang ka kampi ehh. Buti nga hindi sa akin nagagalit si Bia =)))) .
" Aira, Bianca, Steven bumaba na kayo at kakain na." mommy nila Bia. Niyaya kasi ako ni tita na dito na lang daw ako mananghalian, pumayag naman ako kasi wala naman si Mommy ehh =))
Ang sarap talaga mag lunch dito sa bahay nila . ihihihi!! swerte ko naman ahh, ang sarap ni tita magluto =))
**********
Pakatapos naming kumain, naligo muna kami ni Bia at saka pumunta ng school. Huy grabe naman, hindi kami sabay na naligo nauna sya at ako naman ang sunod, echos nyo ahh *___-.
Yep, may pasok kami no, kaso hindi kami pusok kasi naman umuwi yung mom nila Bia. =)) wala nga akong pasalubong na natanggap ehh. o_-
" ang aga natin Aice ahh." Bia
" oo nga ehh, pero marami ng mga pa echos no?"
" wait lang Aice, naiihi na ako ahh." Bigla naman tumakbo si Bia.
Naglakad na ako papuntang room, nasa hallway ako ng narinig ko yung mga babae na naguusap.
" Alam ko na, na hindi talaga mahal ni Eunice si Mike."
" pano mo naman nasabi yun?"
" ehh pano, nakita ko yung pinsan ko kagabi at sinabi nya sa akin na nakita nya daw si Eunice at si Nathaniel na naghahalikan!!!"
O.O
O.o
o.O
What? San ba nila napulot yan na kwentong yan? hindi naman siguro magagawa ni Eunice yun kay Mike. Ehh pano kong totoo nga? so niloloko nya lang ba si Mike? sabihin ko kaya kay Mike ng maghiwalay na sila?
>>.>>
<<.<<
>>.<<
.. . Naglakad na ulit ako hanggang nakarating na ako sa room namin. Hindi ako kumikibo at nahihiya naman akong magtanong o kaya naman mag share nung tungkol sa narinig ko =((( .
[ Bianca's POV ]
" ano ang gagawin ko?" Aice
Ewan, ang labo naman nitong si Aice kausap. =(( hindi man lang nya ma gets yung point ko (-___-).
" Aice, kapag sinabi mo naman kay Mike baka ikaw lang naman ang magmukhang kontra bada. Manahimik ka na lang at hayaan mo na lang na si Mike na lang ang makakita nun, o kaya naman iba na lang ang magkwento sa kanya. Basta, hindi ikaw."
Nakwento na kasi sa akin lahat ni Aice kaya naman namomroblema sya. Pati nga ako nagulat ehh, alam ko naman na mahal na mahal ni Eunice si Mike ehh kaya hindi nya ito ipagpapalit sa iba.
Ni ayaw nga nyang padapuan sa iba ehh. Pero sa simula pa nung una na isang hinayupak na malandi si Eunice, mula elementary pa lang kami kaya hindi na ako magtataka kung mabuntis agad sya.
" so, hindi ko na lang sasabihin?" Aice
Ang tanga naman nitong babaeng to!! ang tanga pagdating sa love, haha joke lang, ako yung nagpapaka tanga sa love ehh =)).
" ay hindi, sabihin mo ng magalit sya sayo at hindi na kayo magpansinan. Sinabi ng wag diba? kulit?"
Ito talagang si Aice parang hindi nagiisip, hindi ba sya makapag isip? o hindi nya ginagamit yung isip nya at pinapairal na naman ang lintik na puso nya. (-____-)