ONE SHOT: Remembering Sunday

224 10 8
                                    

WARNING: This contains a lot of foul words.. Hehehe..

 -------------------------------------------------------------

“Magkuwento ka nga.”

I quickly turned to Marian. Nandito kami ngayon sa labas ng resort ng kaibigan ko. Naupo lang kami sa isang bench tanaw ang Taal Volcano. I watched her tuck her long brown hair at the back of her ear. She smiled at me and waited for my reply.

She’s so beautiful.

“Anong kuwento naman?”

“About her.”

She whispered so I laughed.

“Bakit ka tumatawa?” pagtatampo niya.

“Hindi ka ba nagsasawa sa kuwento niya?”

“No.”

I sighed.

“Please?”

“Okay, fine. Kahit na sawa na akong ikuwento ito sa iyo.”

“Hehehe.” (^__^)v

“This is a story of a girl with multiple personalities. She can be shy, outgoing, quiet, loud, angry, and a drama queen in a single day. Ganoon siya ka-komplikado. Halos masiraan nga ako ng ulo noong kakakilala ko lang sa kanya eh. Kaya bilib na bilib ako sa mga ka-grupo niya. Walang mintis ang pag-aadjust nila, masabayan lang ang pabago-bagong anyo ng babaeng ito.”

“HAHAHA! She sounds scary.”

“Yeah. You had no idea. Her name’s Sunday. Before I met her, I was a boring loser. After that, naging Hollywood heartthrob ako.”

“Kapal mo uy!”

“Hahaha! De joke lang. Let’s just say that after I met her, everything about me changed.”

--

4 years ago, my family moved from Davao to Tagaytay. Ang naalala kong na rason ay dahil na-transfer sa trabaho ang tatay ko. Okay lang naman sa amin eh kasi nasa Tagaytay din ang kapatid ni mama at kanyang pamilya, kasama na ang paborito kong pinsan na si Max. Basically, we moved to the house next to theirs.

2nd day ko pa lang sa Tagaytay ay ni-recruit na ako ni Max na sumali sa banda nila. Kailangan daw nila ng bagong lead guitarist. Ang sabi nina mama ay magaling daw ako eh kasi naririnig nila akong tumugtog mag-isa sa kwarto ko noon. Ayun, pumayag ako kahit na nag-aalangan ako.

“Huwag ka ngang kabahan, tol! Magaling ka. Tatanggapin ka nila. Hagis mo ako sa Taal kung hindi.”

Iyan ang mga sinabi ni Max bago kami pumasok sa abandunadong garahe ng mga truck na ginawa nilang studio. Naalala ko pa iyong nakapaskil sa pintuan eh.

“APARTMENT SUNDAY”

Pinakilala ni Max ang mga nandoon. Si Carl sa bass, Aris sa rhythm guitar, at si Ian na manager slash videographer slash photographer ng banda. Si Max naman ang bokalista.

Maganda ang welcome nila sa akin so I loosened up a bit until…..

“Prove it, then.”

ONE SHOT: Remembering SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon