PRINCE ADAM and more

206 4 0
                                    

MEET ADAM...

Ang prinsipe na babaero, lasenggero at malupit...Siya ay susunod sa trono ni Haring Procopio pero hindi mapanatag ang hari na basta-basta nalang iwan ang pamamalakad ng kaharian sa iresponsableng prinsipe...

Para malaman kung kaya ba ng nag-iisang prinsipe na pamahalaan ang kaharian ay ipinahanap ng hari ang kinatatakutang diwata ng dilim sa kaharian... Pumayag ang diwata ngunit sa isang kondisyon- bibigyan niya ng pagsubok ang prinsipe.....Kung sakaling hindi magtagumpay ang prinsipe ay may karapatan siyang parusahan ito...

Dahil desperado ay walang ibang pagpipilian ang Haring Procopio kundi ang payagan ang diwata ng dilim na isagawa ang pagsubok.....

Isang gabi na lango sa alak at katatapos lang makipagharutan ang binata ay may nakasalubong ito sa palasyo na pangit na babae....Humihingi ng isang pulang rosas ang babae.....Napatawa ang binata sa hinihingi ng babae... ang kasingpangit nito na tao ay walang karapatan magmay-ari ng magandang bagay ...

Nagpumilit ang babae...Sa pagpupumilit nito ay naitulak ito ng binata.....sa unang pagkakataon ay ipinakita ng diwata ng dilim ang tunay na anyo- kagandahan na hindi makikita sa kahit saan mang kaharian at alindog na hindi pa natikman ng binata. Bago pa makalapit ang binata sa diwata ay ikinumpas na ng diwata ang kamay...Dahan-dahang nagbago ang anyo ni Adam- isa na siyang pangit na binata....

"Sa oras na maubos ang lahat ng talulot ng rosas na hawak ko at hindi ka pa nakakakuha ng tunay na halik na kusang ipagkakaloob sa 'yo, nakakatikim ng sinserong yakap, at nakakaangkin ng birhen na mahal ka ay ganyan na ang hitsura mo panghabang-buhay..."

"At sa bawat pagkakataon na makakaramdam ka ng pagnanasa sa taong walang nararamdaman na pagmamahal para sa 'yo ay isang talulot ang malalagas..."dagdag pa ng diwata.

Isa pang pagkumpas ang ginawa ng diwata....Sa gulat niya sa mga nangyari sa kanya ay nawalan siya ng ulirat...

Nagising siya sa sunud-sunod na pagyugyog sa kanyang balikat...Ang namulatan niya ay isang magandang babae na akala niya ay anghel.....Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng kanyang katawan.....

Nang ibaling niya ang paningin sa ibang direksyon para supilin ang nararamdaman na pag-iinit ng katawan ay may nakita siya rosas at ang isang talulot nun ay dahan-dahang nalagas...

Napamura siya...Ang sinabing kondisyon ng diwata ng dilim ay imposible para sa isang tulad niya...

Belle's Beastfriend(FIERYTALES Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon