Habang naglalakad ang dalaga sa kanyang bagong paaralan, ay may pumukaw ng kanyang pansin. Isang nakakapanabik na club ito ay ang Detective's Room.
Siya ay huminto at binasa ang nakapaskil sa pinto,
Notice to all Grade 9-10: We need a new member that will suit our standards.
Must Have;
The ability to use both inductive and deductive reasoning
The ability to think Creatively
Self-Discipline
Honest and Trustworthy
Good Actress
A Keen observer
Perceptivements
Open-mindedbasa ng dalaga sa isipan
kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto
"Magandang Umaga" bati niya sa taong nakita niya sa harap
Lumingon naman sakaniya ang lalaki at halatang gulat na gulat sapagkat may tumangkang sumali sa kanilang club
"Anong maganda sa umaga at bakit ka nandito?" masungit na tanong ng binata
"Matutulog siguro" sarkastikong banat ng dalaga
"Aba, pilosopo ka a" inis naman na sagot ng binata
"sino ba nauna?" nakataray na tanong nito, naputol ang balak sabihin ng binata ng pumasok ang pangalawang kasapi ng club
"Tama na yan, masyado kayong hot haha" natatawang sabi ng lalaki
"Mama mo hot" pabulong na sabi ng dalaga pero narinig ito ng lalaki
"Btw, anong pangalan mo miss at bakit ka nandito sa club namin?"
"Reena Brielle Zahpusomoe 15 years old, at nandito ako para sana mag apply or sumali sa club niyo" nakangiting sabi ni Reena
"At paano ka nakakasigurado na pasado ka standards na nakalagay doon?" masungit na tanong ng binata
"Pwede ba bago niyo ako interviewhin ay magpakilala muna kayo?"
"Ako nga pala si Froilan Arvin Malayuan at etong masungit na to ay si Nimuel Priceton Pacheco kami ang namumuno sa club na to" pagpapakilala nito sa sarili at sa kasama
"Okay nice to meet the both of you and about sa tanong mo kanina Mr. Pacheco alam ko na pasado ako sa standards niyo kase isa akong detective sa former school ko" pagmamalaki nito
namangha naman sa narinig ang dalawa ngunit si Priceton ay hindi pinahalata kay reena
"Oh? is that so paano mo naman mapapatunayan yon samin Miss Pilosopa?" nakangising tanong ni Priceton na na halatang iniinis si Reena
"I can prove that by letting you visit my Blog about my past activities being a detective of Oliveros University" naiinip na sabi nito
"Anong pangalan ng Blog mo?"
"Detective Strange"
Agad naman tiningnan ni Arvin ang Blog ni reena at talaga namang nakakamangha ang mga case na nahawakan nito, Na solve nito ang case na matagal ng pala-isipan sa mga taga oliveros kahit kaming taga belmonte ay nahihiwagaan sa mga nawawalang kagamitan nila ngunit nalaman niya ang tao sa loob nito
"Wooooah! you're cool reena!"
"Tanggap ka na Miss Pilosopa"
Napaismid naman si reena at tiningnan ito ng masama
"Paki-sagutan nalang itong form para maisubmit namin sa Principal's office at maibigay Kay Chief Marquez" sabi ni Priceton
Sinagutan na ito ni reena at ibinigay kay priceton habang si arvin at ipinapaliwanag kay reena ang mga dapat niyang malaman sa club at mga cases na hinahandle nila sa ngayon.
YOU ARE READING
Our Mystery Love
Mystery / ThrillerEnjooooooy! One shot lang to hahaha project lang kase to sa filipino hehe