Beginning

240 25 7
                                    

This is a work of fiction.Names,places,characters,businesses,events,locales,and incidents are either the product of Author's imagination or used in a fictitious way.
Any resemblance to actual persons,living or dead,actual events is purely coincidental.

Warning:

This story contains grammatical,punctuation,and typographical errors.

Plagiarism is a crime

Unedited✍✍💅💅

(Enjoy)




------------------------------------------------------

I started writing this story when I was 14 years old.Ngayon ko lang siya enedit dahil sa nagkaroon na ako ng oras.Gonna drop this as my one and only werewolf story.So,stay tuned💙

*****************************





Beginning!

***

Masakit at dumudugo na ang mga talampakan ko sa paa dahil sa pagtakbo nang mabilis.Pati mga kuko ko sa paa halos nagkasungki sungki na sa ilang beses na pagkadapa at pagbangon simula kanina.Humahapdi narin ito.Ramdam kuna rin ang hagunos ng tubig ulan na tumatama sa basang basa kunang katawan.Impit akong umiyak.
Ni hindi kuna rin alam kong nasaang bahagi na ako ng gubat patungo.Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay ang tumakbo ng tumakbo.

Ang kaba at takot sa puso ko ay siyang pumipilit sa akin na tumakbo nang mabilis mula sa humahabol sa akin.I wiped my tears.

Habol ko ang aking paghinga nang tumalon ako sa malaking nakaharang na kahoy sa aking dadaanan.
Kahit anong pilit kong bilisan ang pagtakbo ni hindi ko magawa gawa dahil kakaiba ako keysa sa kanila.
I'm a halfbreed.Half human, half werewolf.Malaki ang pinagkaiba ko sa kanila dahil lumaki akong kakaiba dahil halfblooded ako at mahina katulad sa aking ama.He's one of the poorest members of the pack.Ang palaging inaalipusta at utusan.The one they will pay to kill for them.
Pinalaki niya akong nag iisa dahil sa pinatay ng mga kauri niya ang aking ina.She's human.At ngayon ako nanaman ang hinahabol ng isa sa kanila.

"Run,baby.Run!"tumagatak ang aking luha.Tanging ang aking paghangos at tunog ng aking mga paa sa madulas na lupa ang tanging kong naririnig.Malakas rin ang pag ulan sa buong paligid kaya rinig ko ang bawat pagpatak ng mga ito sa dahon ng mga kahoy at lupa.Ni hindi kuna ramdam ang sakit sa mga sugat sa aking katawan dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makalayo.
Unti unti naring lumalabo ang paningin ko sa madilim na paligid dahil sa tubig ulan na pumapasok na dito na ngayon humahalo sa aking  mga luha.

"Baby!"tuluyan akong napahikbi.Hindi ko alam kong ilang yapak nalang ang magagawa ko dahil namamanhid na ang aking mga paa at tuhod.Nanginginig narin ako sa lamig ng gabi at umuulan pa.Ni hindi kuna alam kong hanggang saan nalang aabot ang mumunting lakas na natira sa katawan ko pero pinipilit ko.Pagod na ako.Impit akong humagulgol.
Ang nasa isip ko lang sa ngayon ay ang makalayo sa  humahabol sa akin.

"Run baby Zachiel!"lumakas ang pagkabog ng aking dibdib nang maramdaman ang presinsya niya malapit sa mismo kong likuran.Halos rinig kuna rin ang paghinga niya na sumasabay sa paghinga ko but I didn't stop.Nagpatuloy ako sa pagtakbo sa abot nang makakaya ko pero isang kamay na may matulis na mga kuko ang humawak sa kwelyo ng damit ko sa likod.Ramdam kong nagsibaunan ang mga mga kuko niya sa aking batok.I squealed.Ilang beses akong nagpupumiglas at nanlaban pero ang nakakasindak lamang niyang pagngisi ang nakikita ko bago niya ako binato sa malaking puno ng kahoy sa mismong dadaanan ko.Impit akong napaiyak nang tumama dito ang aking likod at tagiliran.Malayang bumulwak sa mga labi ko ang dugong matagal na niyang gustong tikman as he laughed.Umecho sa buong paligid ang malakas niyang pagtawa habang nakatitig sa akin na naghihirap.
Kusang nawalan ng lakas ang katawan ko nang tuluyan akong mahulog sa lupa.Bumibigay na ito.Ramdam kuna ang sakit sa buo kong kalamnan habang habol ang aking paghinga.

Sangrie UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon