PROLOGUE: A Sister's Love

42.7K 909 101
                                    

"Mom," Aisha murmured as she received the call. She tried hard to sound as calm as possible. Kalalabas lang niya mula sa departure area ng airport. Agad niyang namataan ang driver nila na nasa parking area. Mabilis niya itong kinawayan habang papalapit sa kinaroroonan nito.

"Aisha, papunta ka na ba rito?" Her mom's voice almost broke. Pinipigilan na naman yata nitong umiyak. She can't help but heave a sigh.

"Pasakay na ng sasakyan. Why mom? Is she hysterical again?" she asked referring to her sister. Her heart sank remembering the situation. Her sister attempted to commit suicide. Mabuti na lang at nakita agad ito ng ina nang i-check nito sa kuwarto. Bumubula na ang bibig nito habang nakahandusay sa bath tub. She forcibly close her eyes so as not to imagine her sister in that state.

"Nag-iiyak na naman siya at nagwawala," her mom sobbed on the line. Naikuyom niya ang palad kasabay ng pagpatak ng luha.

"I'm losing my grip. Sana nandito pa ang dad mo," humihikbi nitong saad. She inhaled deeply to stop herself from crying out. Her father died in a car accident six months ago. Hindi pa sila lubusang nakakapagluksa, ganito na ang nangyari sa kapatid niya.

Her mom thought she was just depressed because of their father's death. Bigla raw itong nanamlay pumasok at hindi na inaalintana ang pag-aaral. Nasa huling taon na ang kapatid niya sa kursong B.S. Physics sa isang International School. Akala nila ay ganoon nga dahil maging siya ay nalungkot sa pagkawala ng ama kaya kahit graduate na siya ng Business Management, hindi niya magawang hawakan ang mga negosyo nila. She went travelling instead. Sa ibang bansa siya nag-aral ng kolehiyo kaya nasanay siyang nakakasama lang ang pamilya tuwing bakasyon.

Akala nila ay talagang nadi-depress lang ang kapatid niya hanggang sa nagtangka itong magpakamatay. Her suicide note spoke otherwise. She was broken hearted over a man whom she thought would heft her from misery.

Nakalagay pa sa sulat na alam ng lalaki na kamamatay lang ng ama nila pero pinaglaruan pa rin nito ang damdamin ng kapatid niya.

"Don't worry, mom. I am already here," she said pacifying her. Narinig naman niya ang paghinga nito ng malalim. Her mom eventually stopped sobbing.

"Did they sedate her?" she asked.

"Oo, tulog na siya ulit," kalmado na nitong tugon.

"Okay. Pupunta na ako diyan. So you could go home and sleep," sambit niya sa ina. Umoo naman ito. Ipinilig niya ang ulo at pumikit ng mariin.

Aisha gritted her teeth as her fist balled. She swears to God she will let the man who broke her sister's heart crawl his way to hell.



***

Napaiyak ang kapatid niya nang masilayan siya paggising nito.

"Aira," Aisha murmured embracing her sister. She felt relieved when she embraced her back.

"What did you do? Lalaki lang 'yan. He is not the be-all and end-all of your life," saad niya sa kapatid. She caressed her back. Umiyak lang naman ito sa bisig niya.

"Nandito pa kami ni Mommy. We love you so much. Hinding-hindi ka namin pababayaan," dagdag niya. Her sister sobbed.

"Ate," rinig niyang sambit ng kapatid sa pagitan ng paghikbi. Hearing frailty in her voice made her eyes water. She felt like Aira was still her baby sister no matter how old she is now.

Maganda ang kapatid niya. She had the body and height of a beauty queen. Lagi nga niya itong inuudyukan na sumali sa mga beauty contests simula pagkabata. Matalino pa ito at mabait kaya hindi niya lubos maisip kung bakit nakaya itong paglaruan ng lalaking pinagkatiwalaan nito ng pagmamahal.

She haven't met the man yet. Malihim kasi ang kapatid niya pagdating sa lovelife. Isa pa, hindi na rin naman kasi sila masyadong nakakapagkuwentuhan simula nang mag-aral siya abroad kaya hindi niya alam ang ilang detalye sa buhay nito.

"Hindi ko na kaya ate. Sobrang sakit na," umiiyak nitong pahayag. She swallowed hard. Her sister sounded helpless.

"You can make it," she muttered caressing her back. "Until you know and recognize your pain, you can make it through," sambit niya rito.

"Mas gusto ko na lang mamatay para mawala na lahat ng sakit," humihikbi nitong saad. She couldn't see Aira's face, but she could feel her melancholy.

"Lahat ng sakit, naghihilom. Nandito kami ni Mommy. We will help you out," she told her as she continued caressing her back. Patuloy naman ito sa paghikbi. She could feel the heaviness in her heart as she breathes and she can't help but empathize. Bakit kasi may mga taong hindi inaalala ang damdamin ng iba?

Nanggigigil siya na sinaktan lang ito ng kung sino pero hindi na niya isinatinig ang nasa isip. She calmed Aira by caressing her back and holding her tightly in her arms. Unti-unti naman itong tumahan sa pag-iyak hanggang sa makatulog.

Marahan niya itong ipinahiga nang pumasok ang ina sa kuwarto. Lumabas lang ito saglit kanina dahil ayaw ring umalis ng ospital. Ayaw nitong iwan ang kapatid niya.

She talked to her mom. Napagpasyahan nila na ilalayo muna ang kapatid sa siyudad. Titira muna ang mommy niya at kapatid sa resthouse nila sa Bohol habang siya ay mag-aasikaso sa mga businesses nila.



***

Hindi nagreklamo ang kapatid niya nang ihatid niya ang mga ito sa Bohol. The rest house is facing the sea shore kaya nakakarelax tingnan. There are coconut trees on the wide grassy lawn. Ipinasadya ng daddy niya na hindi maglagay ng kung ano-anong estruktura sa paligid para ma-preserve ang natural na ganda ng kapaligiran. The resthouse is modernized. Kumpleto ito sa gamit. May mataas na bakod ang malawak na lupain kaya't walang nakapapasok na estranghero.

She stayed there with them for almost a week. Madalas tulala ang kapatid niya at hindi nagkukuwento pero kumakain naman ito ng maayos. Kapag niyaya nilang mag-ina na mamasyal ay sumasama naman ito. Sumasagot din ito kapag kinakausap. Kaya lang natatakot ang mama niya na iwan itong mag-isa kaya kahit sa pagtulog ay magkatabi ang dalawa.

Noong huling araw niya sa Bohol ay sinubukan niyang kausapin ito ng masinsinan.

"Aira, iiwan ko muna kayo ni Mommy dito ha? Kailangan kong tingnan ang businesses natin," she said smiling a bit. Tumango naman ito.

"Gusto mo bang magkuwento kay ate?" saad niya rito. Gusto niya itong pagkuwentuhin kung ano ang tototong nangyari rito. Matagal naman itong tumitig sa kanya pero kalaunan ay umiling rin.

"Alright. Hindi kita pipilitin, but I just want to let you know na nandito lang si ate. You may call me anytime you wish," she told her. Tumango naman ito at ngumiti ng tipid. She was glad when she embraced her.

She inhaled deeply. There is still one thing she wants to know.

"Puwede ko bang malaman kung sino 'yong lalaking nanakit sa 'yo?" tanong niya rito. She let go of her embrace and stared at her younger sister's face.

"Just his name," she told her. Ilang beses itong huminga ng malalim. Noong wala siyang mahintay na sagot ay tumango na lamang siya at marahang niyakap ang kapatid. Ayaw naman niya itong piliting magsalita dahil baka mas lalo lang itong masaktan.

She was about to let go of her when she heard her speak.

"Ayder Filan," she mumbled in her ear.

She closed her eyes, gritted her teeth, and mentally noted the man's name.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon