Ayder seemed to be submerged in his deep thoughts as they ate dinner. Nanahimik na lang din siya. She still doesn't understand why they need to eat their meal together. Dapat ay magpasalamat siya dahil pagkakataon na niyang mapalapit rito at maisakatuparan ang pinaplano. Lalo na't pakiramdam niya ay nakukuha niya ang atensyon nito pero may parte nang utak niya ang nagtataka.
Pinag-iisipan niya kung paano yayayain si Ayder na maglakad-lakad sa tabing dagat pagkatapos ng dinner nang magpunas ito ng bibig.
"I want the minutes of the meeting until 12 Midnight, send it to my email," sabi nito nang tumingin sa kanya.
Akala niya isang linggo matapos ang lahat ng ocular visits saka ibibigay ang minutes ng lahat ng meetings. Bakit kaya nagbago ang isip nito? Mabuti na lang natapos na niya kanina dahil tinamad na siyang lumabas ng suite saka ayaw niya ring mabuntunan ng gagawin kaya plinano talaga niyang gawin agad iyon na sakto naman sa pagbabago ng isip ni Ayder.
"Yes, sir," tugon niya.
"Good," he seconded. Tatanguan sana niya ito pero nakita niya ang pag-ismid nito.
"Baka ma-miss ka ng ka-duet mo sa live band," he added. Her forehead creased but before she could even defend herself he already stood up and left.
So, he knew everything she was doing? Siya naman ang napaismid. She went to her suite. Nire-read at ini-edit ang ginawang minutes kanina saka nagbihis.
Hindi pa nag-uumpisa ang event sa sea restaurant nang lumabas siya. Binagalan na lamang niya ang lakad papunta roon. There were also guests on the shore. Ang iba'y naglalakad, mayroon naman namang nakaupo lang at nagpapahangin. May mga nagsu-swimming dahil naiilawan ng lamp posts mula sa tulay papunta sa sea restaurant.
She was wearing skimpy shorts and tube. Pinatungan lang niya cardigan kaya ramdam na ramdam niya ang lamig ng hangin. Malapit na siya bukana ng tulay papunta sa restaurant kung saan siya naki-jam nang matanawan niya si Ayder na may nga kausap na kaibigan. They were holding a bottle of drinks and chatting.
Aatras sana siya at pupunta na lang sa kabilang dulo dahil mayroon ding restaurant doon kaso naiisip niyang ito nga pala ang plano niya. Nakisabay siya sa mga ibang naglalakad at nilagpasan si Ayder.
Hindi niya tiningnan ang binata kaya hindi niya sigurado kung nakita siya nito. Dumiretso siya sa restaurant. All the tables had been occupied. Tumayo na lamang siya sa tabi ng bar counter. Good thing, the man next to her offered his seat saka tumayo sa tabi niya at kwinentuhan siya.
The man was polite and sounds educated so she just entertained his questions. Inilibre pa siya nito ng drinks. Hindi sana niya tatanggapin pero dahil sa harap naman niya tinimpla ng bartender ang inumin kaya kinuha na lang niya.
"You were that woman who sang last night, right?" tanong ng lalaki. Mellow pa ang tinutugtog ng frontline band kaya hindi pa wild ang mga tao.
Tinanguan niya ang lalaki.
"You were good. Ang dami mong napahanga," sabi nito. Iisipin sana niyang nambobola ito pero dahil malakas ang level of confidence niya kaya tinawanan na lang niya ang sinabi nito.
"Magaling ka rin bang kumanta ng mellow music?" he asked again.
"Try me," she answered with a grin.
"Are you sure?" he asked. She just grinned wider. Nakita niya kasing pumasok sa restaurant ang grupo ni Ayder at bahagyang napasulyap sa direksyon niya.
The man was teasing her as he called for the waiter. Tinanong niya kung ano ang sinabi nito pero tumawa lang. Her hunch was confirmed when the waiter went to the band vocalist.
BINABASA MO ANG
Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)
RomanceAisha had only one thing in mind as she entered the four walls of VLF Empire Building - to let the young General Manager of VLF Hotels and Restaurants crawl his way to hell.