A Written Story

0 0 0
                                    


TANDAAN: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang, ang mga pangyayari, pangalan, lugar, o tagpuan ng mga tauhan ay bunga ng aking imahinasyon.
Yun lamang ^_^ Maraming Salamat.

------
Prologue ~

"Bakit pa natin papatagalin kung pwede namang tapusin ngayon ang walang kwentang relasyon na ito?" Galit na sabi ko sakanya. Pero parang wala akong sinabi na makakapag pasakit sa damdamin nya.

Tahimik lang syang ninanam nam ang hangin dito sa roof top,
Nakakasawa na kasi.

"Nag sawa ka na? Hindi ka nasasayangan sa dalawang taon?" Biglang sabi nya napatigil sakin sa kinatatayuan ko.

"Oo!" Sigaw ko sakanya. "Nakakasawa alam mo ba yun? Dalawang taon?" Natatawang tanong ko sa kanya. Pero blanko lang ang ekspresyon nya sa mukha. " Paano ako masasayangan sa dalawang taon na yun, kung ikaw lang ang sumaya sa panahon na yun?" Galit na sabi ko sa kanya atsaka sya tinalikuran.

Pero bigla nya akong hinila sa kaliwang braso pa harap sa kanya.

Tinitigan nya ako na para bang wala lang sa kanya ang lahat ng sinabi ko. Yun, yun yung nakakainis. Yung tipong galit na galit ka na, pero yung mukha nya wala manlang ekspresyon.

"Let me go! Break na tayo ano b--- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nya ako halikan.

Eto yung halik na matagal ko nang hinihintay. Yung unang halik na ipinatikim nya sakin, yung halik na puno ng pagmamahal.

Sa hindi malamang dahilan, biglang tumugon ng halik ang aking bibig. Kung ano at paano nya ako halikan ay ganun din ang ibinabalik ko sa kanya.

Pero ba't ganun. Parang gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko kanina.

Natigil ang aming paghahalikan ng sya ang unang bumitaw.
Pareho kaming habol ang hininga.

Ngunit may kung anong parte ng katawan ko na parang sinasabing gusto ko pang mahalikan ng ganoong ka sarap.
Nag pareho naming nabawi at normal na ang lahat.
Bigla nyang hinawi ang buhok ko ng dahan dahan at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Ngumiti ako sa kanya,pero wala paring ekspresyon ang mukha nya.

Sa hindi inaasahan, Hinalikan nya ang noo ko. At sabay sabing,
"MALAYA KA NA, SALAMAT SA LAHAT." Atsaka sya ngumiti ng peke, at dun ko napansing may tumulo na palang luha sa mga mata nya.

At dun ko na ring napansing humi-hikbi na pala ako.
Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumalikod na't nag simula ng mag lakad palayo.

Ang sakit! >.<
Sobrang sakit! Pero bakit ganun, yun naman talaga ang hiniling ko sa kanya. Dapat nga masaya na ako ngayon dahil sa wala na kami, pero ba't wala akong nararamdamang saya kahit konti. Puro sakit at pagsisisi.

Pinahid ko ang mga luhang patuloy paring tumutulo, atsaka ako ngumiti ng mapait.

"Ginusto mo yan, kaya't panindigan mo." Ma awtoridad na sabi ni ate sa likod ko. Kasama ko sya sa plano, nagtatago lang sya sa mga karton sa gilid ng pintuan.

Lumapit ako kay ate atsaka sya niyakap at nahulog na ang mga luha ko ng tuluyan.

"Ate! Ang sakit!" Humihikbing sabi ko. Hinimas hinas lang ni ate ang likod ko atsaka niyakap ng mahigpit.

AN: pag naka 10 reads ito, saka ko itutuloy. Spread and share the story thanks. ^_^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Written StoryWhere stories live. Discover now