Kabanata 17

16.8K 662 68
                                    

End of the Race



"Wear this, I have a surprise for you." Sa loob ng itim na paper bag nakapaloob ang isang puting lace midriff top at high-waisted pants. Pagkatapos kong maligo, maglagay ng lotion at kung anu-ano pa ay isinuot ko na iyon.


I'm still amazed by her hidden talent. Nakakabili siya ng damit na saktong-sakto sakin. She knew my body measurements. Sa kaisipang iyon ay namula bigla ang pisngi ko. I was reminded by what we did last night.


"Tulog na si Khale mama, we can go now." Tumungo ito sa aking likuran 'tsaka yumapos ng may pag-iingat.


I saw our reflection in front of the mirror. I blushed profusely. Lalo na nung hinahalik-halikan niya ako sa may tenga.

"Wag ka na masyadong magpaganda, baka magbago ang isip ko. Imbes na umalis ay baka ikulong nalang kita dito."


Stop it Skye! Uh! Kasing-pula na ng lipstick ang mukha ko! Nanariwa sa alaala ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin. Hindi lang iyon isang beses, we did it thrice in just one night.


Skye just suppressed a laugh while I hid my face. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Sige na, don't put too much makeup. I'll wait outside." Aniya bago lumabas ng silid.


Nakakainggit siya, walang kaeffort-effort sa mukha, natural na maganda. Halos lahat din ng isuot niya ay bagay sa kanya. We're both wearing the same lace top but hers was in light blue. I did what she just told me, manipis na makeup lang ang nilagay ko, nagwisik ng perfume, at nagpahid ng strawberry pink lipstick.


Tumungo muna ako sa silid ni Khale. Naabutan ko si manang doon, nagbabantay sa kanya habang payapang natutulog. I kissed him on his tiny hand before going out. Skye waited for me at the living area.


Nanatili ang kamay niya saking bewang at sa loob ng elevator ay panay ang amoy niya sakin sa leeg. She became so clingy. Nadagdagan din ang pagiging intimate niya. And my heartbeats came faster and faster.


"B-Baka may makakita satin..." Napahawak ako sa magkabilang balikat niya nang bigla itong magnakaw ng halik sa labi.


"Ano naman... Mabuti nga eh, para malaman nila na pagmamay-ari na kita." Ikiniskis niya ang ilong sa may leeg ko. My breath suddenly hitched. Ramdam ko rin ang nagsitayuan kong balahibo.


Nang magbukas ang pinto ng elevator, hindi pa rin siya bumibitaw.

"S-Skye... Nandito na tayo." I have to remind her. Baka madala na rin kasi ako sa ginagawa niyang panghahalik.


Buti naman at nagpatianod siya, she held my hand and take me to where her car is. Nanlaki ang mga mata ko nang marating namin kung saan iyon naka-park. It's a white Aston Martin.

"S-Sayo 'to?"


"Ours babe, not just mine." 'Tsaka niya ako hinalikan sa may sintido.


Siya pa ang nagbukas ng pinto para sakin. First time ko sumakay sa isang mamahaling sasakyan. Ang gara pati sa loob!

Suddenly (Ramontes Series #3)Where stories live. Discover now