Kabanata I

278 15 38
                                    

Para kay Ate Jennyrous! Co-writer ko po sya sa story na ito at sya rin ang bida sa kwento :)

~×~×~

Kabanata I

"Malapit na ko! Konti nalang!" hindi ako magkamayaw sa pagtakbo sa hallway ng Y26 building. Nagdadasal na sana ay maabutan ko pa ang job interview ko. Marami-raming tao narin ang nababangga ko dahil sa pagmamadali. Pagkakita saakin ng kapatid kong si Julia ay agad nya akong sinenyasan para lumapit sa kanya.

"Ate, saan ka ba nagpunta?!" inis na tanong nya. Napapadyak pa ito sa sahig na parang isang batang nagmamaktol. "Kung hindi ko lang talaga napaki-usapan yung mag i-interview sayo, hindi ka talaga nila hihintayin."

"Itong tyan ko kasi eh. Wrong timing."

Kinailangan ko talagang mag banyo kanina dahil biglang sumakit ang tyan ko. Nakakahiya naman kung bigla nalang itong lumabas habang ini-interview ako. Mas malala naman iyon.

Ibinigay saakin ni Julia ang brown envelope ko na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento ko. Dire-diretso nya akong itinulak papasok ng office. Nakasimangot na ang babaeng mag i-interview saakin dahil narin siguro sa tagal ng hinintay nito.

"Magandang hapon po. Pasensya na po at late ako." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Binasa ko ang pangalang naka-sulat sa table bar. Rina Tecson.

"Let's start the interview. Where are your documents?" iniabot ko sa kanya ang dala kong envelope. Napatango-tango naman sya habang binabasa ang bio-data ko.

"Tell me, why did you resign on your previous work?" umupo ako ng tuwid at huminga ng malalim.

"Because I realize that yes, my money is increasing, but my experience and knowledge as an individual is not growing." ngumiti si Ma'am Rina at iniabot saakin pabalik ang envelope. Napa crossed-fingers nalang ako habang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko na 'Sana matanggap ako'. Tumayo sya at nakipag kamay saakin.

"You're hired." hindi ako naka-imik sa sinabi nya. Parang ayaw i-process ng utak ko ang mga nangyayari. Nang tapikin nya ako sa balikat ay doon lang ako bumalik sa realidad. Niyakap ko sya at nagpasalamat. Walang pagsidlan ang tuwa ko dahil sa wakas ay may trabaho na ulit ako.

"Be here at 10:00am tommorow. Bukas ko sasabihin sayo kung ano ang magiging trabaho mo."

"Salamat po." dali-dali akong lumabas ng kwarto at lumapit sa nakaupong si Julia. Tumayo sya at sinalubong ako.

"Ate kamusta yung interview? Natanggap ka ba?" hinawakan ko ang kamay nya at nagtititili habang patalon-talon.

"May trabaho na ko Julia!"

~×~×~

Abot tenga ang ngiti ko hanggang sa makauwi kami sa bahay. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto. Pang limampu't-isang trabaho na kasi yon na in-apply-an ko at yun lang kaisa-isang tumanggap saakin. Sulit narin pala ang halos tatlong oras na pinaghintay ko.

"Oh nak, masaya ka ata ngayon?" tanong sakin ni Mama ng mapansin nyang kanina pa ako naka-ngiti.

"Ma, may trabaho na kasi si Ate." sagot ni Julia.

"Talaga? May trabaho ka na Jenny?"

"Opo ma."

"Anong trabaho ba yan?"

"Hindi ko pa po alam. Bukas pa po nila sasabihin sakin."

"Ganon ba? Osya, kumain na tayo para makapag pahinga na si Jenny para bukas ay may lakas sya."

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto. Magkasama kami ni Julia dahil dalawa lang ang kwarto sa bahay. Isa para kila Mama at isa para saamin. Hindi naman malaki ang bahay dahil maliit lang ang lote na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Behind The ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon