Kabanata II

63 4 9
                                    

Kabanata II

To: Mama Emy

Mama, hindi po muna ako makaka-uwi sa bahay ngayon. May mga bagay pa po akong aasikasuhin.

Sending.....

Sending.....

Sending.....

Message not sent!

"Ah, bwisit!" halos maibalibag ko sa dingding ang cellphone ko. Kung kailan naman kailangan ko ng load pang text saka naman ako naubusan. Papatayin talaga ako nila Mama kapag hindi ako nagpaalam. Overprotective pa naman yung mga iyon lalo na si Papa. Naalala ko dati, ng gabi na ay hindi parin umuuwi si Julia ay halos halughugin nya ang bawat bahay sa baranggay namin.

"Dito ka na mag-text oh. Kung gusto mo tumawag ka nalang." kinuha ko ang cellphone na inaalok sakin ni Rain. Palay na ang lumalapit sa manok. Aarte pa ba ako?

"Salamat." agad kong tinype ang number ni Mama at tinawagan.

"Hello, Ma?"

[Jenny?! Asan ka na?]

"Nandito pa po ako sa Y26 ma. Hindi po muna ako makaka-uwi ngayon."

[Bakit?]

"May mga aasikasuhin pa po kami dito."

[Ganon ba? Sige, mag-iingat ka ha? Bye.]

Agad kong binaba ang linya at ibinalik kay Rain ang cellphone. Sabay-sabay kaming lumabas ng building at nag-biyahe patungo sa bahay ni Rain na pansamantala kong tutuluyan ngayong gabi. Kailangan kasi naming pag-usapan ang mga dapat naming gawin.

Pagdating namin sa bahay nya ay kumain muna kami. Mabuti nalang at may extra pang kwarto sa dito kaya hindi ako sa salas matutulog.

"Ganito ang gagawin natin." umayos ako ng upo at tiningnan ng mabuti si Sir Peter. "Kagaya nga ng sinabi ko kanina, ikaw Jenny ay magpapanggap na girlfriend ni Rain."

"Bakit po pala? Ano naman po ang mai-tutulong non kay Rain?"

"Palalabasin natin na may relasyon na kayo bago pa man lumabas ang balita na nabuntis ni Rain si Christine. Mag-iisip pa kami ng paraan kung paano nyo maipag-lalaban yung kaso. Basta sa ngayon, ang kailangan nyo lang munang gawin ay ang paniwalain ang mga tao na may relasyon kayo."

Napasandal ako sa soffa. Lutang na ang isip ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang makinig sa mga pinag-uusapan nila. Ang bigat ng responsibilidad na papasanin naming dalawa. Bakit ko pa kasi pinasok ang trabahong 'to?!

"Jenny, are you listening?" tanong sakin ni Ma'am Rina. Napakurap naman ako at pina-ulit ang sinabi nya. Napunta na ata sa ibang dimension ang utak ko.

"Aalis na kami at iiwan na namin kayong dalawa dito. Gamitin nyo yung time na magkasama kayo para mas makilala nyo yung isa't-isa. Mas madali kayong makakapag trabaho kung magiging magkaibigan kayo." napatango nalang kaming dalawa ni Rain. Hinatid nya sila palabas sa pintuan bago nya ko balikan sa salas.

Masyadong tahimik.......................

"Anong gusto mong gawin?" Sa wakas ay binasag nya ang katahimikan. "Gusto mo bang manuod ng movie? Maglaro ng video games? Mag-swimming?"

Tutal ay nagtanong narin sya, kakapalan ko na ang mukha ko.

"Gusto ko sanang mamasyal." sagot ko sa kanya.

"Saan?" ngumiti lang ako at tumayo.

"Basta, ako ng bahala."

~×~×~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon