Ang Alamat ng Pangalan ni BhAvi3PoxTs QuOh

600 0 0
                                    

Isang araw, sa bayan ng San Docena, may mag amang nakatira sa tapat ng carwash. Ang kanilang bahay ay may tindang puto na may itlog na pula at namimigay ng libreng suman sa mga trabahador sa carwash.

Ang nakatira dito ay sina Mang Gustin at si BhAvi3PoxTs QuOh . Ang pangalan niyang iyon ay facebook name nya lamang, ngunit ang tawag sa kanya ng mga kaklase, at kamag anak nya ay " BhAvi3PoxTs QuOh". Ang tunay niyang pangalan ay Baby H. Babylyn. Ayaw ipatawag sa kanya ng kanyang ama ang pangalan niyang ito dahil tinutukso lamang siya ng mga tao, at kinakanta ang commercial ng Maybelline na "Maybe its Maybelline".

Ang Alamat ng Pangalan nI BhAvi3PoxTs QuOh (ministory)

Isang araw, sa may pagawaan ng puto, may buntis na mahilig sa puto ang nakasimot ng itlog na pula. Siya ay si Maymie. Napansin niyang malaki na ang kanyang tiyan, at mukhang aanak na yata sya bukas. Wala siyang asawa dahil nambababae ito, at ang pinalit sa kanya ay babaeng nagtatanggal ng kulugo sa plaza.

Wala siyang makain. Wala siyang pera. Kaya naghanap siya ng trabaho.

"Ayan, nakasimot ako ng itlog na pula, pwera bawi!"

Napag isipan nya ng matagal, pwede nya itong ipagbenta sa naggagawa ng puto. 

Inamoy muna ito nga naggagawa ng puto at sinabing "Boom Panes!"

"Tanggap na po ba ako?" tanong ni Maymie.

"You're fired!" sabi ng naggagawa ng puto.

"Bakit po fired agad, eh hindi pa naman ako tanggap?"

"Ah ganun ba? O sige, you're hired!"

"Maraming salamat po talaga."

"O sige, you're fired!"

Naghanap pa rin siya ng trabaho.

Sa may carwash, may nakita siyang baklang mukhang kabayong may lawit at nag aalok ito ng Maybelline. Nagpakilala sila sa isa't isa. "Ako nga pala si Maymie", sabi ni Maymie.

"Ako naman si Hermes.", sabi ng bakla.

Walang anu-ano'y biglang pumutok ang panubigan ni Maymie. Dinala siya ni Hermes sa hospital.

Pagdating sa hospital, normal naman na nanganak ang babae, ngunit hindi rin nagtagal, namatay si Maymie.

"Ano pong pangalan ng bata?", tanong ng nurse.

"Sya si Baby H. Babylyn H. Bilbilin." sabi ni Hermes.

"Sigurado ho ba kayo sa pangalan?"tanong ng nurse.

"Opo."

"Ah sige po, ang ganda naman po ng pangalan ng anak ninyo."

"Ah, maraming salamat, gusto mo bang bumili ng Maybelline? Bagay to sayo, gaganda ka kagaya ko kapag ginamit mo to.", sabi ni Hermes.

-------------------------------------------------------------------------------------

Prinsesa JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon