BhAvi3PoxTs QuOh's Early Life

88 0 0
                                    

Si Hermes ang tumayong ama kay BhAvi3PoxTs QuOh ng isang linggo, tatlong araw, at labing limang oras, matapos mamatay ang ina nito.

Isang araw, nakahanap ng papa si Hermes. Napakagwapo nito ngunit matanda na ng konti at mukhang walang pera. Siya si Mango (short for Mang Gustin, ginamit nya lamang ang pangalang "Mango" para magmukhang bata ang pangalan)

Hinahanap ni Mango ang kanyang pinagtaksilang asawa. Siya ay si...... Maymie.

Nabalitaan niya kasi na umanak na si Maymie. Gusto lamang ni Mango na makita ang anak, at hindi ang kanyang asawa, dahil hindi na ito virgin. Ngunit hindi niya alam na patay na si Maymie at ang nag aalaga sa bata ay ang baklang si Hermes.

"Kilala mo ba si Maymie?" tanong ni Mango.

"Oo, bakit Papa?" sabi naman ni Hermes

"Umanak na ba sya?"

"Opo, papa? Bakit po? Ahihihi."

"Pwede ko bang makuha yung bata?"

"Pwede po, basta akin ka na lang papa."

Hindi pumayag si Mango dahil hindi na mukhang virgin si Hermes kaya binugbog na lang nya si Hermes.

Hindi nagtagal ang laban, namatay si Hermes, at kinuha ni Mango ang bata.

Hindi niya alam ang pangalan ng bata, kaya pumunta sya sa manghuhula, para ipahula ang pangalan ng bata.

Noong pumunta siya sa perya, para puntahan ang manghuhula, naabutan niya itong naglalaro ng LOL.

Ang hula naman ng manghuhula ay may magpapahula sa kanya at itatanong kung anong pangalan ng dala niyang bata kaya nagfacebook na muna sya kasi sayang ang rent.

Dahil madamot ang manghuhula at ayaw niyang hulaan ang pangalan ng bata, dahil alam niyang magiging jejemon lang ang batang ito paglaki, nagpa extend pa ng nag extend hanggang sa nawalan na siya ng pera. Dahil nga walang pera ang manghuhula, wal rin siyang pamasahe. Ayaw naman niyang maglakad papunta sa lugar nya sa perya kasi matanda na sya kaya kahit wala siyang choice, hinulaan na lang niya si Mango.

"Ang pangalan ng batang hawak mo ay Baby H. Babylyn."

"Ang galing nyo naman po manghula, hindi pa po ako nagtatanong, alam nyo na agad ang sagot."

Ngayon ay alam na ni Mango ang pangalan ng bata. Napangitan siya sa pangalan ng bata. Kaya hindi nya tinatawag ang bata sa pangalan niyang iyon. Kapag kinakausap niya ito, wala siyang binabanggit na pangalan.

Hanggang sa nag aaral na si Babylyn. Nalaman nya rin ang tunay niyang pangalan, ngunit hindi pa rin nya alam na bakla ang nagpangalan sa kanya, dahil malalaman niya na pumatay ang kanyang ama.

Buti na lamang at tanga si Babylyn at hindi nya alam ang magspelling at magsulat, at hindi niya alam ang magkaroon ng nanay.

Kapag sinusulat niya ang pangalan niya sa papel, ganito ang pagsulat niya: BhAvi3PoxTs QuOh.

Kaya nauso na rin ito at ginaya na rin ng mga kaklase nya.

Nauso rin ang facebook, kaya ganto rin ang pangalan niya sa facebook.

----------------------------------------------------------------------

Prinsesa JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon