Lebi's POV"Friends na kami ni Yngrid." Wika ni Model habang kumakain kami ng lunch sa canteen.
"So?"
"Wala lang, masama ba magshare ha Ybañes?" Nakataas ang kilay na tanong ni Model.
"Bebi Model, ako nalang kausapin mo, mas gwapo naman ako kesa jan kay Lebi." Singit naman ni Jude.
"Manahimik ka nga ,Abella." Nakairap na wika ni Model sabay tayo sa upuan.
"You're done?" I asked.
"Wow, stop Englishing me nga Lebi, nagdudugo ilong ko sayo!" Ingos ni Model.
"Tsk, san ka ba kasi pupunta?
"Sa CR , wanna join me? "Sabay kindat pa.
"No, thanks." at nagtawanan silang dalawa na para bang wala ng bukas. Tsk -_-
Nagpaalam ako sa dalawa para pumunta sa library for some research, umuso man at hindi ang technology, walang kwenta yan pagdating sa favorite teacher kong si Ma'am Eigh. Hindi siya tumatanggap ng research paper na printed unless it was handwritten at walang reference which happened to be from a book, and it's a MUST.
Halos mapuno ang library sa dami ng estudyante nung makarating ako dito, pumunta agad ako sa pwesto ng mga card catalog para mas madali kong matukoy kung saan ko kukunin ang libro.
Matapos kong makita ang hinahanap ko, pumasok na ako sa circulation area para kunin ang libro at sa wakas nakakuha naman ako agad.
The problem is, wala akong mapwestuhan. Tatalikod na sana ako para ibalik yung librong hiniram ko but...
"Di ba siya yung witty evil?" Student A.
"Oo nga, teka lalapit ata dito satin" Student B
"Di ba tapos kana? Tara alis na tayo dito, para dito na sila maupo sa pwesto natin, puno ang library, baka wala silang maupuan" Student A
"Hindi pa eh, pero sige ,sa room ko nalang itutuloy to, since kasama niya naman si bebii Clyde hihihi" Student B.
Na-curious naman ako sa usapan nila kung sino yung witty evil plus Clyde Iunix Mondragon kaya sinilip ko ang kabilang bookshelf kung saan nagmula ang boses ng dalawang estudyanteng babae, I'm sure si Mondragon ang tinutukoy ng babae. Clyde is a certified hottie from Westlake/ badminton player/ player/a tropa/two timer/----
"Uy! P're!"
"Fvck!!!" Nabitiwan ko ang hawak kong libro sa sobrang gulat.
" WHO'S THAAATTTTT!?????" awwwww , the librarian is so grrrrrr. Good thing, malayo kami sa pwesto ng librarian at tago yung kinalalagyan ko ngayon. Napalapit naman agad sakin si CLYDE na siyang dahilan ng wala sa lugar kong pagmumura. Fvck talaga.
"Shhhhh" muwestra ni Clyde sa mga nakasaksi sa nangyari. Mabilis pa sa alas singkong hinila niya ako palayo sa pwesto kong yun kung saan maaari akong mapagalitan ng librarian at maipadala sa Guidance ...tsk.
"Maupo ka nga Ybañes, dahan dahan sa pag-inom ng kape p're, mabilis kang mamatay niyan, sayang naman ang kapangitan mo este ang kagwapuhan mong paubos na ang lahi sa mundo." Ani Clyde na naupo sa tabi ko.
"Ulul! Madami lahi namin !" Singhal ko sa kanya sa mahinang tinig.
"Tsk"
O_O
Napatingin ako sa harap ko and I was like ('o.o). May babaeng nakatungo habang kumakain ng libro, yeah mukhang kakain ng libro, ang kakapal nung katabing libro, -_-
"Ayyy, p're!?Siya ba ipinalit mo samin? Ano ka ba naman, di ba tropa mo kami, siya ba dahilan ng pag-absent absent mo minsan?"
"Tsk" wala bang alam na ibang words ang babaeng ito kundi 'tsk' lang?
"Oo, p're syota ko nga pala." Parang tangang sagot ni Clyde.
"Pakyu ka Mondragon." Anang babae at tumunghay na mula sa pagbabasa...
" Ortaleja? Wow, syota mo talaga to p're!?" Napantastikuhan kong sabi.
"Kilala mo siya pre?" Gulat namang tanong ni Clyde. Stem kase si ito kaya hindi nila ito kaklase.
"Magkaklase kami p're. Hahaha, kaklase ko syota mo? Nayswan! Hahaha"
Yngrid's POV
Marahas kong sinapak si Clyde pagka-alis na pagka-alis ni Lebi.
"Problema mo?" angil nito. Pero tinaasan ko lang ng kilay.
Sweet ako kay Clyde...noon. Pero nung nagkasama kami sa bahay nakilala namin ang isat isa ngunit hindi din naman nawala yung pagiging sweet minsan.
"Nga pala, kamusta na yung pag-uusap nyo nina tita? " Yung pagka-college ko ang tinutukoy nya.
"Masyado pang maaga para mag-isip tungkol jan. Hindi pa nga nagsesembreak"
"Hindi ba mas maganda na alam mo na ngayon kesa mag expect tayo na makakapasok ka ng college? I can help you to have a scholarship grant"
"You dont have to Clyde...sinasabi ko sayo. Tara na nga, baka malate na naman tayo sa TLE" yaya ko sa kanya at kinuha na ang mga notes ko na nagkalat sa table ng library.
Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito at kada maglalakad kami ay may sumusunod na mata samen...sa kanya.
"Ang gwapo talaga ni Clyde" impit na bulungan ng mga taga lower years. Naiikot ko tuloy ang mata ko ng wla sa oras.
"Wag ka nang magselos jan" ani Clyde ng may pagmamayabang sabay akbay sakin n hinayaan ko lang. Mamaya lagot siya saken sa bahay.
Napaismid ako sa isiping yon.Pag-uwi sa boarding house.
"Anong ulam naten,rid?"
"Gulay" nagmamalaki ko siyang sinulyapan at may tagumpay na ngiting ipinakita dahil sa itsura ni Clyde.
"Yey, ansaya." walang emosyon nitong wika. Hindi niya tulog mapigilang mapahalakhak sa reaksyon nito.
Lumapit siya dito at inakbayan."Wag mo kase akong gaganunin" Hindi niya alam kung bakit ba sila nagkakasundo ganung siya ay vegetarian at ang pinsan niya naman ay cannibal😀 takot ito sa gulay
"Naku, kung hindi lang kita pinsan baka nasapak na kitang babae ka! Pasalamat ka lang talaga!" Asar na wika nito. Alam naman niyang sanay na ang pinsan sa ugali nya.
Kung hindi nga lang talaga sila magpinsan, baka kung ano na ang nagawa nito sa kanya at kung anong isipin ng makakakita sa kanila. Ganung pati sa school nila, ang alam ng tao ay magshota sila. Isa pa itong haliparot na lalake na sayang sayang ipangalandakan na jowa siya. Sa kapal din ng mukha.
Siya si Yngrid Ysobelle Manaig Ferrer Montero Torres Esguerra Anda Ortaleja at ang pinsan niya ay si Clyde Iunix Ferrer Golez Mondragon. Napakalayong mangyaring magkagustuhan sila tho dati inaamin niyang crush niya ito.
Matapos maghapunan ay nagkaniya kaniya na silang higa sa kanya kanya nilang kama.