It started as a nightmare.
"Don't go," I begged.
"Naku naman, parang gusto ko na ata laging umalis o. Sarap ng yakap 'e no?" Ayan, biro. Dinadaan mo lahat sa biro. Naiinis ako. Sana pinilit pa kita, sana 'di ko hinayang makaalis ka.
It was the biggest regret of my life.
I couldn't remember anything but the rapid beating of my heart. I couldn't think straight as if my mind wasn't working. I was out of oxygen.
I couldn't breathe.
"Hope, I'm sorry. He didn't make it."
And I was out of hope.
Then again, it was my cue. I woke up sobbing uncontrollably. It has been always like this since you were gone. Almost everyday. And for freaking three years.
It's so hard without you here. Sa pagpupumilit kong makalimutan yung sakit, parang nakalimutan ko na rin ata sarili ko.
I don't want to go elsewhere kasi alam ko nandun ka lagi. Nandun yung mga bakas mo. 'Yung mga alaala mo. At babalik nanaman ako sa kawalan.
But you know what? You'll be proud of me. You see, I am trying. I endure each day without you. Every single day of emptiness and fake laughters.
But still, something's missing. Kase wala ka. Wala ka na.
Wala na ata akong ibang ginawa kundi ngumuwa at kumain noong nawala ka. Pero kahit sa pagkain, naaalala kita.
"Ew kadiri ba't may balahibo yan?!"
"Ang arte naman nito. Masarap kaya yan subukan mo." Napalingon ako sa dalawang estudyanteng nakatambay sa may dalampasigan as I was paving my way near the park.
"I hate balut," I uttered to myself.
Then stared in silence...
"Hopia, gusto kong balut!" You were so enthusiastic and I couldn't just help but smile at how childish you were.
"Hopia mo mukha mo."
You used to call me that stupid pen name. And I always get screwed everytime. But I don't mind really, when it's something from you.
"Edi Hope. Sus sungit mo naman, parehas din naman yun. Tara libre mo 'ko." Hila-hila mo ako sa braso na para bang ayaw mong makawala ako. Sana nga, sana kumapit din ako ng ganyan para di ka na nakawala.
"I don't eat balut, Shoti. Allergic ako."
"Alam mo ang OA mo talaga. Allergic daw, ang sabihin mo takot kang kumain ng sisiw. Kung ayaw mo, edi bahala ka! Weak." You taunted kasi alam mong hindi ako umaatras sa kahit anong bagay. And so that was it, my first balut. Ofcourse I was so grossed out pero 'di ko sinuka. Ang taas ng pride ko, pwedeng panlabada.
Kahit kelan talaga. You always make me do things na hindi ko aakalaing magagawa ko. Gaya nung seniors' ball natin. Alam mong parehong kalewete yung paa ko, but you didn't mind. Kase mas malala ka palang sumayaw.
It was the best night of my life.
"O, bat nakatunga-nga ka 'jan?"
"O, bat ka nakatingin? Tsaka, pake mo ba?" Inis na sambit ko habang naka simangot pero tinawanan mo lang ako.
"Sus, di ka lang maruning sumayaw. Pwede mo naman sabihin, nagsusungit ka pa."
"Lakompake. Tumahimik ka nga."
Nabigla ako ng dali-dali mo akong hinila at kumaripas ng lakad patungo sa gitna ng mga nagsasayawang tao.
"Shoti!!!!"
Medyo nahihiya ako kase ang daming mga matang naka tingin, pero mas natatawa ako kasi sayo nakabaling ang atensyon. Akalain mo nga namang sasayaw ka sa indayog ng Just Dance ni Lady Gaga.
Ang kulit-kulit mong tingnan. Kaya humataw hataw nadin ako. Kung mapapahiya man, at least kasama ka.
Huminto ka sa pagsayaw ng tumugtog ang kanta ng Eraserheads at unti-unting lumapit sakin sabay dama ng mga palad ko at baywang.
Tila nagpupumiglas ang puso ko habang naka titig sa iyong mga mata. Ngumiti ka lang na para bang hawak mo ang oras. Na tila atin ang sandali.
"Mahal kita, Hope."
At sa pagkakataong yun, tumigil sa pag-ikot ang mundo.
Ikaw ang naging dahilan ng bawat ngiti at ligaya.
Ngunit nagbago ang lahat nang maisipan mong umalis. Kung alam ko lamang ang kasunod na mangyayari, sanay di ko na binitiwan ang iyong kamay.
"Aalis ka?"
"Sandali lang naman ako 'dun. Kailangan ko lang puntahan sina Mommy. Babalik rin naman ako pangako, wag kang malulungkot,"
Sinungaling.
"Don't go," I begged.
"Naku naman, parang gusto ko na ata laging umalis o. Sarap ng yakap 'e no?"
Umalis ka parin. Sinungaling.
"Hope wag kang magigila. Nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Shoti."
I couldn't remember anything but the rapid beating of my heart. I couldn't think straight as if my mind wasn't working. I was out of oxygen.
I couldn't breathe.
Kumaripas ako ng takbo papuntang Emergency Room. Ni wala na akong pake kung sinong madaganan ko basta maabutan ko lang yung pinakamamahal ko.
Hindi ka pwedeng mawala.
Pero wala na akong naabutan kundi ang malamig mong mga kamay.
"Hope, I'm sorry. He didn't make it."
And I was out of hope.
Sana namatay nalang ako din ako.
Sana sumabay nalang ako sayo. Kasi sa iyong pagkawala, tila gumuho lahat ng pangarap ko.
Pero dalawang taon na ang nakalipas. Eto parin ako, hindi makausad. Ikaw parin. Andito parin.
Pero pagod na ako sa lahat ng sakit, Shoti. Pagod na akong maging malungkot. Pagod na ako sa araw-araw kong pagkamatay ng dahil sa iyong pagkawala.
Gusto ko ng mabuhay muli at maranasang maging masaya. Hinding hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang nagbigay ng halaga sa aking pangalan.
Ikaw parin pala ang magpapaalala sakin na mayroon pa akong pag-asa.
Kung kaya, pinapalaya na kita.
Hintayin mo ako.Hanggang sa muli nating pagkikita.
"Mahal din kita."