Destine's Pov
Naglalakad ako ngayon pabalik ng parking lot para kunin ang aking kotseng nakaparada, kakatapos ko lang mag grocery. It's already 12:35 na ng gabi buti nalang may nakita pa akong bukas na department store, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng may naaninag akong isang anino ng lalake. Nakaramdam ako ng kaba, dahil ako lang tao dito sa labas, at kung may mangyaring masama wala akong mahingan ng tulong
Papasok na sana ako ng biglang sumulpot sa aking harapan ang isang lalake, pero nakatalikod ito sa akin. Nakasuot siya ng Hoodie
"Jusko naman, bakit kaba nangugulat?" Inis na tanong ko, habang pilit na tinatago ang kabang nararamdaman
Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa aming dalawa
"Umm..hi?" Bati ko, pero hindi niya man lang ako nilingon "Hello? Sabi ko hi?" Bingi ba siya o nagbibingi-bingihan?
"Leave me alone" Nagulat ako sa sinabi niya, wow! Ako pa talaga ang mag le-leave alone sa kanya? siya nga itong lumapit eh
"Eh di wag! Sungit mo naman tsk" singhal ko sa kanya sabay pasok ng kotse at umuwi na
Btw ako nga pala si Destine Aumie Vigoña and I lived in Hellville. Wierd diba? Hellville. Tsk. Pero masasabi kong heaven na ang lugar para sa akin, dahil nag iisa lang ang bahay sa buong lugar. Simula nung mag 16 ako niregaluhan ako ni daddy ng kotse, at dahil honor student ako binilhan niya pa ako ng bahay. Para daw maging independent na ako at dahil dream ko din talagang magkaroon ng sariling bahay, pero yung unang bahay na binili niya ay malapit kina tita. At ayoko talaga doon, sobrang ingay, WALANG KATAHIMIKAN.
Kaya ako na mismo ang nagsuggest kay Dad na itong bahay nalang ang bibilhin ko, at first hindi siya pumayag sa kadahilanan nga na walang katao-tao kundi ako lang. What if daw may magnanakaw, o di kaya rapist. Na nasulosyunan ko naman agad agad, madalas kong nakikita ang bahay na ito sa tuwing maglalakad ako pauwi, at gustong gusto ko na talaga ito dahil sa mga unique na disenyo ng bahay. Kaya laking tuwa ko ng may nakita akong 'FOR SALE' sign na nakadikit sa tapat ng pinto
Agad kong tinawagan ang number na nakalagay sa papel, aaminin kong natakot talaga ako sa boses ng lalake dahil sobrang lalim at napaka seryoso. Ng mapermahan ko na lahat ng kailangang permahan, may sinabi siya sakin na talagang ipinagtaka ko
'Becareful, this house is haunted by memories'
Aish.
Napailing iling ako sa mga iniisip. Malapit na sana ako sa bahay ng bigla akong napahinto dahil may humarang na lalake sa daan. Teka...SIYA NA NAMAN?!
"Hoy! Magpapakamatay kaba?!" Sigaw ko sa kanya sa labas ng bintana "Pwede ba? Umalis ka na diyan sa kalsada? Wait. Don't tell me sinusundan mo ako? Psh! Stalker!" Panunumbat ko
He chuckled. Mas lalo lang tuloy akong nainis
Nakita ko ang paghugot niya ng sigarilyo sa kanyang bulsa at tsaka sinindihan ito.
Adik!
Inis akong lumabas ako ng kotse at hinarap yung lalake, hindi ko makita yung mukha niya dahil natatakpan ito ng hood. At nakayuko siya
"Hello? Bingi kaba? Sabi ko shoo! Alis! Go away! Tabi diyan!" Pero imbes nasagutin ako binugahan niya lang ako ng usok ng sigarilyo
Argh! I hate smokers! Ayoko ng amoy!
"Ano ang mga nakikita mo dito?" Gusto kong tawanan ang tanong niya, kaso napuno na ako ng inis
"Ano paba? Edi bahay ko" tinuro ko ang bahay "daan na hinaharangan mo" pagturo ko sa lupa "at bwisit na lalakeng katulad mo!" Inis na sigaw ko
YOU ARE READING
Dangers in Love (On Going)
Teen FictionSa pagmamahal lahat may naka-ambang panganib Read: Destine and Zion's lovestory🌶