"Miraaaaaaaaaa!"
Bumangon sa pagkakahiga sa sofa ang katulong nila Mau na si Mira. Pahikab-hikab at di alintana na halos lumuwa na ang ngalangala ng anak ng amo niya sa pagtawag sa kanya. Paano kasi, medyo bingi na nga, di pa maawat sa pag-hea-headset ng bago niyang Beats by Dr. Dre.
"Tawag mo ko Teh?" maarteng tanong nito.
"Asan na yung bread toaster sa kusina?"
"A yun teh?" Feel na feel nito ang pag-aate-ate sa kanya kahit sa totoo lang ay mas matanda pa ito kay Mau ng dalawang taon. "Tinapon ko na, kasi yung tinapay, tumatalsik kapag inilagay!"
Bingi na nga, engot pa, isip-isip ni Mau. "Mira naman?! Kaya nga pop-up toaster, diba? Lagot ka kay Mama pag-uwi." Hindi na siya narinig nito dahil ini-slip on na nito ang headphones. Gustong-gusto na talaga niya na paalisin tong si Mira, pero sabi ng Mama niya, kapag pinaalis niya na ito ay siya na ang gagawa ng mga gawaing bahay. Paano na ang pag-aapply niya ng trabaho sa summer? Lagot. At saka, wala pa namang nawawalang ibang bagay si Mira. Mukhang hindi naman malikot ang kamay, sa apat na buwan nitong pagtira sa kanila. Feeler na engot nga lang.
Minsan na itong namalengke gamit ang kotse ng Mama niya, sa araw pa mismo ng hearing nito sa korte. Hayun, ang Mama niya, nagtaxi na lamang habang namili ng gulay si Mira sa kalapit na Robinsons. Nagpadrive pa sa driver, na akala naman ay totoong pinasasakay ng kotse ang katulong.
BINABASA MO ANG
The Housekeeper Problems!
HumorBusyng-busy ang life ni Maureen Grace (Mau) Atillo. Mas lalong nabadtrip siya nang ang pinakabago nilang katulong ay saksakan ng pagkapasaway, kaya need na need ang bagong katulong. Enter Lance (Lyza), ang bading na katulong na tila siya na ang sol...