Salita

13 3 0
                                    

Salita

Mga salitang binitiwan
Di ko mawari kung ako lang
Ang iyong sinabihan

Nagdududa nagtataka naiirita
Ako lang ba talaga?
Kahit minsan ako lang ba talaga?

Isang araw
Ako'y nagising sa isang mensaheng mula sayo

'Mahal na mahal kita'
Ansabi mo nga
Mga labing nakangiti
Matang nakatitig
Sa mensaheng natanggap ko
Sa iyo

Ngunit lumipas ang araw
Mga salitang binitiwan
Ay parang paulit-ulit lamang
Mahal mo ba talaga ako?

Kung ako ang sinasabihan mo
Ngunit nasa kanya ang atensyon mo
Ano ba talaga?
Nakakalito ka na

Ititigil ko sana
Kaso nga lang
Nag message ka pa

Ako naman to si tanga
Nireplayan ka
Hindi na nadala
Sa sakit na nadama

Oonga pala
Namanhid na ako Ha

Salita lang naman siya
Pero libo-libo ang nadadama

Salita
Anim na letra
Pero dyan ako nasaktan ng sobra. :<

Spoken poetry Where stories live. Discover now