Chapter 4

154 82 20
                                    

Chapter 4

Vea's POV

Lumingon naman ako at nakita ko si Marco. Ah so Senior High Student na pala siya hindi ko nahalata kanina, dito kasi sa school pare-pareho lang yung uniform ng mga nasa Junior High at Senior High. Ano kayang strand niya?

"Are you alone?" tanong nya.

"Hindi eh kasama ko si Sapphire. Bakit wala na bang upuan? Sige dito ka na lang." sabay ngiti sa kanya. Walang pag-aalinlangan naman siyang umupo dun sa upuan sa harap ko.

"Nakaorder ka na ba Marco? Gusto mo ako na lang yung pumila?" tanong ko mukhang pagod na pagod siya eh. Pero hindi pa rin yun nakakabawas sa kagwapuhan niya.

"Okay lang ikaw naman yung sadya ko dito eh." sagot niya sabay tingin sa'kin.

"Bakit naman?" tanong ko. Ano bang sadya niya sa'kin?

"About dun sa muntikan ng nangyari kanina. Sorry ah 'di ko sinasadya, pero I just want you to know na gusto kita not as a friend but more than that. Hindi naman kita minamadali, hihintayin kita." kaya hindi ko maiwasan mamula pinaalala pa niya kasi.

"Okay lang yun." hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya eh. Ng bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa noo. Omygod! Ba't niya ginawa yun. Tumingin tuloy ako sa paligid at nakitang natulala silang lahat sa ginawa ni Marco. As in pag sinabi kong lahat, lahat ng kumakain at tumatambay sa canteen natigilan.

"Goodbye Vea, ihahatid kita mamaya I'll wait for you later at the parking lot." sabay alis na pagkasabi nun. Namula naman ako at napatingin sa paligid namin.

"Gurrllll!!!" niyugyog ako ng niyugyog ni Sapphire.

"Ba't hindi mo sinabi sa'kin na may gusto sa'yo si Marco?" tanong ni Sapphi sa'kin.

"Eh nung nakaraang gabi lang kaya kami naging magkaibigan nun." sabi ko pero niyugyog niya ulit ako hindi naman halata sa kanya na kinikilig ano. Loka siya ah kanina pa nangyuyugyog.

"Pero sana sinabi mo." sabay abot sa'kin ng sandwich at orange juice.

"Sige na ubusin na natin 'to punta na tayo sa Chem Lab." sabay abot ng kamay niya at nagmamadaling pumunta sa Chem Lab at sinuot ang Lab Gown.

"Miss Delos Santos and Montenegro why are you late?" tanong ni Ma'am Alisa. Lagottttt.

"No don't explain just take your seats already." sabi niya sabay balik ng tingin sa board.

"Himala! Ano kayang nakain ni Ma'am at bumait siya ngayon?" tanong ni Sapphi.

"Shh gusto mo ba mapagalitan ulit tayo?" tanong ko.

"Syempre hindi ito na mananahimik na." sabay zipper daw ng bibig niya.

Natapos ang klase at lunch break na, dalawa kasi ang vacant namin ngayong umaga eh which is Math at English.

"Tara kain tayo ng lunch sa ThePops." sabay hila sa'kin palabas ni Sapphire.

"Ano ka ba naman alam mo namang nagtitipid ako para makatulong kay Nanay sa pagbayad ng renta sa bahay eh." sabi ko sa kanya saka hila sa kanya pabalik.

"Sagot ko na 'to sige na beshyy." pakiusap niya sabay puppy eyes pa. Haysssss
Kahinaan ko yang puppy eyes niya eh. Actually, kahinaan naming dalawa ang puppy eyes. Magbestfriend talaga kami.

"Sige na nga makakatanggi ba ko sa'yo?" sagot ko sabay ngiti.

"Yassss, tara na beshyy." sabay hila sa'kin papunta sa ThePops. Nakaluwag-luwag siguro 'tong bruhang 'to kaya nagyaya. Compared to Sapphi kasi mas may kaya sila kaysa sa'min yung dad niya kasi may maliit na business na unti-unti ng lumalago pero mas pinili niya pa ring maging scholar para daw sure na kung sakali may masamang mangyari sa business nila.

Kung nagtataka kayo ang ThePops ay nasa harapan lang ng gate ng UI. Kaya nga sa canteen lang ako kumakain kasi sa mga scholar kadalasan 50% off.

"Kanina mo pa sinasagot yung pagkain ko. Sabihan mo nga ako, natanggap ba yung offer ng business niyo sa Arice Group of Companies?" tanong ko. Tumango tango naman siya sabay ngiti sa'kin nagthumbs up pa nga eh.

"Wow! Congrats ah, sana magtuloy tuloy na yan." sabi ko. Hayss mabuti pa sila nakakaraos na kami kaya ni Nanay kailan pa?

"Oo kaya kailangan icelebrate hindi ko lang sinabi sa'yo kasi magsasabi ka na naman "Ilagay mo na lang ang ililibre mo sa'kin sa bangko mo para makasave ka" kaya nanahimik na lang ako alam ko kasing tatanggihan mo ako eh." sabi niya.

"Eh sa nahihiya ako sa'yo eh pero sige na nga." sabay pasok sa ThePops. Nakahanap naman kami kaagad ng upuan.

"Anong gusto mo?" sabay tayo.

"Sabay na ako sa'yo nakakahiya kaya." sabay tayo ko na rin.

Pumunta na kami sa counter.
"Kaldereta at isang serve nga ng rice ate. Anong sa'yo Vea?" sabay tingin sa'kin.

"Chicken at isang serve ng rice na lang din yung akin." sabi ko.

"P195.00 po lahat with free drinks na rin po yun. Ito po yung number, pakihintay na lang ng order niyo sa table ihahatid lang po namin mamaya. Eat Well po." sabi nung tindera saka bumaling naman sa sunod na customer.

Dumating na nga yung order naming dalawa. Nagpray muna kami bago kumain.

"Tara beshy kainan na." sabay kain na din dun sa pagkain niya sinabayan ko na lang din siya.

"Grabe nakakabusog yun ah." may pahimas pa sa tiyan ang bruha. HAHAHA.

"Salamat beshy ah, tara balik na tayo." anyaya ko sa kanya.

Nabigla naman kami ng biglang tumunog ang speakers.

"Good afternoon to all students of UI, this afternoon you will be having no classes because of an urgent meeting. Please stay for those who got mentioned earlier in their classes to have a meeting with their council advisers. That's all. Thank You." sabay patay ng speaker.

"Tara na beshy hatid na kita sa Faculty Room." naglakad na nga kami papunta sa Faculty Room. Tumango na lang ako kung kanina wala akong nararamdamang kaba ngayon grabe na talaga.

"Andito na tayo beshyy, galingan mo ah. Una na rin pala ako beshy may pupuntahan pa kasi kami eh." sabay beso sa'kin.

"Sige Sapph, ingat kayo ah. Byee." sabay kaway na sa kanya at pumasok na nga ako ng Faculty Room.

Pumasok na nga ako sa Faculty Room at naghintay sa Grade 10 Council Advisers.

Naghintay ako ng higit 30 minutes.

"A pleasant afternoon to each and everyone of you. So we will be having the following stages to determine who will be qualified to be your council's representative." at isa-isa kaming binigyan ng papel.

Criteria for judging:
30%
The representative shall have grades of 93 and above, not below 93.

25%
The representative shall know how to speak in front of a big crowd.

15%
The representative shall have 1,000 likes and above in Instagram with her wearing a formal attire.

15%
The representative shall have a big impact to the audience.

I'm DEAD. Pano na to hindi pa naman ako sanay magsalita sa harap ng maraming tao. Para kay Nanay, kakayanin ko gagawin ko lahat.

Nagitla ang mga tao sa loob ng faculty room ng biglang pumasok ang isang napakagwapong nilalang, si Marco. Makikita mo sa itsura niya ang pawis at pagkahingal. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Baka isa siya sa mga judges?

"Hi Vea." hinihingal pa ring sambit niya.

At nabigla ang lahat sa sumunod niyang ginawa....

To be continued...

Thankieees! What's gonna happen next? It's for you to find out. Anong magagawa ni Vea para sa Nanay niya? Bakit andun si Marco? Marco anong ginagawamue?

Kainis ang Keep, nawala tuloy yung chaps baka matatagalan akong mag-update. Susubukan kong makaupdate bukas.
Love you guys!

Read.Comment.Vote

Tears Left UnshedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon