--
Ang kwento ng buhay ko ay hindi maihahantulad sa kwento na ginawa ng Disney. Masyado itong masalimuot kung ikukwento ko pa sa inyo....pero since nabanggit ko na ang tungkol sa Disney chuba chu chu na yan.....o sya sige, ikukwento ko na ang KAMALAS-MALASANG-MALAS na mga pangyayari sa buhay ko.
--
Tandang tanda ko pa nung tumatakbo ako sa may gilid ng eskinita, naiwan ko ang isang pares ng aking sandals na kabibili lang sa ukay ukay. Kung sa tingin nyo ay tumatakbo ako palayo kay prince charming, nagkakamali kayo. Tumatakbo ako kasi any minute by now ay maaari ng maging pulutan ng aso sa kanto ang pwet ko.
Nung kumain ako ng apple na binigay sakin ng kapitbahay ko ay hindi ako nalason tulad ng nangyari kay Snow White. Bagkus ay nagkaron ako ng diarrhea. Saklap di ba?
Nung nagtahi ako ng damit para sa prom ay nasugatan ako. Nahimatay ang lola nyo dahil hindi nya kinaya ang nagtatalsikang dugo sa kanyang mukha. (Malaki kasi ang sugat at sadyang nakakadiri. Mala-Final Destination sya. Promise) Sa kwento ni Sleeping Beauty, kapag hinalikan siya ni Prince Charming ay magigising sya.....pero hindi naman ako si Sleeping Beauty para mag-assume na hahalikan ako ng isang prinsipe. Kaya in the end, hinalikan ako ni Brownie. Si Brownie na aso ng kapitbahay na maraming garapata at may galis. Kadiri right?
--
Hindi ko na ikukwento pa ang ibang KAMALAS-MALASANG-MALAS na pangyayari sa buhay ko dahil baka matawa lang kayo at mamatay na lang dyan sa kakatawa habang binabasa ang kwento ko.
Hindi pa pala ako nakapagpapakilala sa inyo. Ako si... teka? Kailangan nyo ba pang malaman yon?
Hannah. Hannah Montana ang pangalan ko pero syempre joke lang yon...pero seryoso na nga! Hannah talaga ang pangalan ko. Kinuha sa bibliya ng lola ko. Mahal ang bigas kaya tama na ang pagiintroduce. One shot lang 'to kaya dapat maikli lang 'to. (~~.)
Ako si Hannah na naghahangad ng love life pero gustong mamatay na Single. Weird right? May crush ako at IKAW ang clue :p
Nasabi ko na ba sa inyo na crush ko si Daniel Padilla? Hindi pa? Okay. Hindi ko naman kasi crush yon eh. Ayoko kasi ng may maraming kaagaw.
"Hoy Hannah! Tulaley ka nanaman dyan?" -sigaw na may halong batok sakin ni Irish.
"Yaan mo na yan. Iniisip nanaman nyan si *toot*" -singit naman ni Jaimee.
"*Toot*? Ang bastos pakinggan tae!"
"Sus. Eh kapag sinasabi naman namin yung pangalan nya eh naiinis ka na ewan -_-" -sabi naman ni May.
"Ewan sa inyo. Maka-alis na nga -_-"
Sila nga pala ang mga kaibigan ko. Kaibigan ko na may saltik. -_-
Sa kwento kong ito...ako ang pinaka-panget sa lahat ng babae sa classroom. May mukha akong mala-Betty La Fea. In long... (kasawa ang in short eh -_-) , ako ay isang babae na may mahabang buhok na laging nakatali (mainit kase) , may salamin na mayroong napaka-taas na grado, at may panget na fashion chu chu.
"Hi. Pwedeng makitabi?"
Nilingon ko ang lalaking nagsasalita mula sa aking likuran.
"Ah-sige." nauutal kong sagot.
Emeged. Si Crush :> Tumabi sakin. Hoo! Wag magpapahalatang kinikilig. Kalma. Kumalma ka! Pooh tongue mother -____-
"Alam mo......favorite place ko 'to?" sabi ni Cloud. -name ni Crush. umigad.
Nandito pala kami ngayon sa bench sa ilalim ng puno. Romantic no? Hihi~